
Sa Pilipinas, tongits na yata ang pinakasikat na card game bukod sa pusoy. Para sa ilan, mahirap laruin ang tongits dahil hindi nila alam kung papaano ito laruin. Ang larong tongits ay mula sa larong “tonk” na nagmula sa mga Amerikano. Noong 1990s, lumaganap ang paglalaro ng tongits club sa Pilipinas at pinaniniwalaang mga Ilokano ang nagpasikat nito.
Sa larong poker, ang layunin mo ay ang magkaroon ng pinakamataas na baraha. Subalit, kabaliktaraan ito pagdating sa tongits dahil ang layunin ng larong ito ay maubos mo ang iyong baraha o magkaroon ng pinakamababang bilang. Magagawa mo lang ang mga ito kapag nakabuo ka ng melds o mga bahay.
Paano maglaro ng tongits club?
Magsisimula ang laro ng tongits sa pagbibigay ng dealer ng hand sa iba pang manlalaro. Magkakaroon ng 13 cards ang dealer samantalang 12 naman para sa ibang manlalaro. Ang mga natitirang card ay mapupunta sa palabunutan.
Matapos nito, magbababa na ang dealer ng unang card at maaaring kuhanin ng susunod na manlalaro ang card na itinapon ng dealer kung makakabuo ito ng isang set. Magpapatuloy ang pagtatapon ng cards hanggang matapos ang laro. Sa buong laro, kailangan mong magkaroon ng mga melds.
Ang melds ay hand combination upang manalo ka sa laro. Maaari mong itapon ang melds para magkaroon ka ng “buo”, subalit maaari itong sapawan ng ibang manlalaro. Mananalo ka sa tongits kapag nagamit na ng manlalaro ang lahat ng kanyang baraha o kapag nagtawag na ng draw ang isang manlalaro at nanalo siya rito.
Maaari ring manalo ang isang manlalaro sa tongits kapag naubos na ang cards sa palabunutan at siya ang huling nakabunot ng card o kapag siya ang mayroong pinakamababang bilang sa card sa oras ng bilangan. Ang tongits ay isang masayang laro na pwedeng laruin ng dalawa hanggang apat na tao.
Ang tatalakayin natin ngayon dito sa Laro Reviews ay ang ilang tongits club app kung saan ka makakapaglaro ng tongits for free.
Best tongits club online
Narito ang mga mapagpipiliang apps para makapaglaro ng tongits online:
Tongits Go
Ang Tongits Go ay isa sa mga pinakasikat na tongits club sa Pilipinas. Maraming Pinoy ang naglalaro ng Tongits Go at marami ring influencers ang nag-endorso para sa online casino app na ito. Kung gusto mo ng thrilling tongits tournaments, Tongits Go ang larong para sa iyo. Mas nakapokus ang Tongits Go sa mga patimpalak at tournament.
Hindi gaya ng ibang tongits club, may ranked game sa Tongits Go kung saan maaari mong masukat kung gaano ka kagaling sa laro ng tongits. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtagisan ng galing sa ibang manlalaro. Maaari ka ring magkaroon ng private match kasama ang iyong mga kaibigan at kapamilya sa larong ito.
Pagdating sa rewards, galante ang Tongits Go sa bonuses. Sa bawat log-in, completion ng daily tasks, at panalo, may matatanggap kang special at exclusive rewards! Maaari kang maglaro ng Tongits, Slots, Pusoy, Texas Hold ‘Em Poker, Color Game, Sabong, at Lucky 9 sa Tongits Go.
Mega Win Club
Ang Mega Win Club ay isang tongits club kung saan maaari kang maglaro ng Tongits, Pusoy, Lucky 9, Slots, Slots Inca, at Sabong. Mukhang kapareho lang ng Mega Win Club ng iba pang tongits club na maaari mong i-download sa iyong mobile phones. Tampok din sa tongits club na ito ang larong baccarat.
Pagdating sa features ng laro, mayroon ka ring rewards na matatanggap kapag naglaro ka sa Mega Win Club. Sa bawat log-in mo sa larong ito, maaari kang mabigyan ng hanggang 50,000 chips. Syempre, maaari ka ring makipaglaro sa ibang tongits players o lumahok sa isang friendly game kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya.
Sa Mega Win Club, maaari ka ring manalo ng totoong pera kung magaling ka. Subalit, ang pinakamalaking advantage ng app na ito ay ang mga kakaibang card games nito na wala sa ibang tongits club.
Big Win Club – Tongits Pusoy
Marahil Big Win Club app na ang pinakamagandang tongits club app sa listahang ito. Ang Big Win Club ay isang tongits club na nilalaro ng milyun-milyong tao sa anumang panig ng buong mundo. Ang ilan sa mga larong maaari mong subukan sa Big Win Club tongits club ay Poker, Tongits, Pusoy, Lucky 9, Sabong, Slots, Color Game, at Sabong.
Marami pang casino games sa Big Win Club at para malaman ang lahat ng mga larong available rito, mas mainam kung mag-iinstall ka na ng larong ito. Ang isa sa mga lamang ng Big Win Club sa ibang casino ay ang graphics nito na halatang pinaghirapan talaga. Siyempre, gusto rin ng mga tao ang features ng casino app na ito.
Bakit kailangan mong mag-install ng Big Win Club?
Kung mahilig kang magsugal o kung gusto mong mapag-aralan kung paano maglaro ng tongits, kailangan mong i-install ang Big Win Club dahil nandito ang pinakamagagaling na tongits players sa mundo. Sa kasalukuyan, mayroonng mahigit sa isang milyong manlalaro ang tongits club na ito.
Pagdating naman sa rewards, galante rin ang Big Win Club at siguradong sa bawat log-in mo, mayroon kang mga bagong chips na maaari mong gamitin sa paglalaro. At kung rewards lang naman ang pag-uusapan, malaki ang makukuha mong reward kapag may referrals ka sa Big Win Club at naengganyo mo ang iyong mga kaibigan na maglaro nito.
Sa bawat referral mo sa Big Win Club, mayroon kang 20,000 chips at madodoble ito sa bawat kaibigang madadagdag at maglalaro nito. Hindi lang iyon, makakabuo ka rin ng mga bagong kaibigan sa Big Win Club dahil sa chat system nito. Subukan mong bigyan ng chips ang mga kaibigan mo at baka paambunan ka rin nila kapag ikaw ang nangailangan ng chips!
Maaari kang manalo ng totoong pera sa Big Win Club kapag nagpapalit ka ng chips. Ang kailangan mo lang para matanggap ang mga napanalunan mong pera ay sariling Gcash account. Hindi mo na kailangang maghintay ng matagal dahil matapos ang limang segundo, makukuha mo na agad ang iyong mga panalo sa Big Win Club.
Konklusyon
Maraming tongits club kung saan makakapaglaro ka ng tongits at iba pang card games. Subalit, hindi lahat ng card games ay pare-pareho. Kung gusto mo ng tongits club na galante sa rewards, magandang tingnan, at mabilis ang payout, ano pa ang hinihintay mo? Mag-install na ng Big Win Club!
- 0 Comment
- Casino Game Apps, Reviews
- August 5, 2022