Tongits Extreme: Play Tongits Offline For Free

Nakakaaliw nga bang laruin ang Tongits Extreme? Sa artikulong ito ay yan ang ating tatalakayin. Ano nga ba ang Tongits? Ang Tongits Extreme ay libre at maaaring laruin offline. Makikipagtunggali ka sa dalawang manlalaro sa bersyon ng Tongits app na ito. Ang Artificial Intelligence (AI) na iyong makakalaro ay maaaring baguhan, karaniwan, o eksperto. Siguradong mahahasa ang skills mo sa paglalaro ng Tongits Extreme, dahil napakaganda ng app na ito upang pag-ensayuhan. Tatalakayin ng artikulong ito na hatid ng Laro Reviews ang kasaysayan ng tongits, mga tampok, tips at mga dapat tandaan at ang kalamangan at kahinaan ng laro.

Tongits Extreme at Kasaysayan ng Tongits sa Pilipinas

Noong 1990s, nauso ang three-player rummy game sa Luzon na kilala bilang Tong-its o Tongits. Ang 52-card standard deck ay ginagamit para sa larong Tongits. Paano ito laruin? Hindi bababa sa tatlong manlalaro ang kailangan upang makapaglaro ng Tongits. Ang manguna sa paglalaro o makaubos ng lahat ng cards o magkaroon ng pinakamababang puntos ang mga layunin ng larong Tongits.

Ang bawat card ay may Tongits value; mula 1 para sa isang ace, hanggang 10 para sa isang face card at ang tugmang numero para sa isang number card. Ang iyong layunin habang naglalaro ng mga baraha ay tapusin ang laro na may mas kaunting puntos kaysa sa iyong mga kalaban. Bukod pa rito, maaari kang mag-alis ng mga card sa melds ng iba pang mga manlalaro sa pamamagitan ng pag-set down ng isa o higit pang mga card na tumutugma sa meld. Mayroong apat na posibleng paraan upang manalo sa laro: pagdeklara ng “Draw”, paghamon pagkatapos sabihin ng iba na “Draw”, o pagkakaroon ng pinakamababang marka.

Mga Tampok ng Laro

Ang Tongits Extreme ay nagbibigay karanasan sa mga manlalaro ng Tongits na hango sa totoong buhay, may mga matatalinong kalaban na mayroong maraming personalidad ng AI sa maramihang levels. Ang mas mababang level ay mas madali. Lagpasan ang pampitong level upang ma-unlock ang mas mahusay na AI. Kung hindi mo naman gusto ang mga card na ibinahagi sa iyo, walang problema; mag-redeal lang. Ang lahat na tampok ng laro ay magbubukas lamang sa pampitong level pataas. Maari ka ring pumili ng iyong card back design, meron din itong interactive messages para gabayan ka sa buong laro. May mga token at flag para ipaalala sa player ang nakaraang round winner, ang huling player na pumili ng card mula sa stack, at ang jackpot winner. Sa tuwing mag-a -update naman ay naba-back-up ang Pera, Level, Round, at iba pa ng manlalaro kahit na mag-update pa ang App. Mag-swipe sa nakatambak na stack ng card upang makita ang lahat ng nalaglag na card. Hindi mo kailangang tandaan kung ilang card ang natitira sa deck. Ang natitirang bilang ng card ay ipinakikita sa tuktok ng deck.

Ang iyong layunin sa laro ay bawasan ang kabuuang halaga ng iyong baraha sa iyong turn. Ang manlalarong nagwagi ng nakaraang round ay tumatanggap ng labintatlong (13) baraha, habang ang dalawa pang manlalaro ay tumatanggap ng labindalawang (12) baraha. Kung oras mo nang mabigyan ng baraha ng iyong kalaban, bubuksan mo ito at titingnan kung gusto mong ilagay ito sa Dump Card o gamitin ito upang mabawasan ang bilang na hawak mong baraha. Kung itatapon mo ito sa Dump Card, kukuha ka naman ng isang baraha sa Stack Card. Nasa desisyon mo kung gugustuhin mong ilapag ang mga barahang pwede mong ilapag upang mabawasan ang iyong puntos o maaari mo rin itong hindi na ibaba upang ang iyong mga kalaban ay hindi na makapagtapal.

Tongits Extreme –Kalamangan at Kahinaan 

Kung mahilig kang makipaglaro ng tongits kasama ang iyong mga kaibigan, kapamilya, o kakilala, siguradong papatok sa panlasa mo ang Tongits Extreme sapagkat ang tongits extreme app ay nagbibigay ng parang makatotohanang experience sa mga manlalaro. May simpleng disenyo sa interface na hindi mo na kailangang maging tech 

savvy upang malaman kung alin ang pipindutin para makapaglaro. Ngunit sa kabila ng mga magagandang tampok ng tongits extreme app ay mayroon ding itong kahinaan. Sa kadahilanang offline game ito, AI (Artificial Intelligence) lamang ang iyong mga makakalaban. Wala rin itong LAN option upang makapaglaro kasama ang iyong mga kaibigan. Gayunpaman, tinitingnan narin ng mga developer ang opsyong ito na sa susunod na update ay idadagdag na upang mas maging kasiya-siya ang laro. Pwede mong gamitin ang tongits extreme app na alternatibo upang mag-ensayo para sa totoong laro kasama ang ibang tao online gamit ang totoong pera. Dahil nga offline game ang tongits extreme app, hindi ka makakapag-cash in at makakapag-cash out ng totoong pera rito.

Ang Tongits Extreme ay magandang pag-ensayuhan dahil nga ito ay isang offline game na maaari mong laruin kahit saan ka mang lupalop ng mundo. Hangga’t meron kang Android device na may naka-download nang Tongits Extreme ay pwedeng pwede na. Lalo na’t kung ikaw ay naghahanda para makipaglaro sa mga totoong kalaban. Dahil nga ang AI ng Tongits Extreme ay pwedeng ma-adjust sa pagiging baguhan na kalaban, karaniwan, at eksperto.

Tips at mga Dapat Tandaan sa Paglalaro 

Kapag naubos na ang stockpile, awtomatikong matatapos ang laro kung walang player na nakamit ang Tongits. Ang mga manlalaro ay bubuo ng kanilang mga puntos sa sandaling ito. Ang mga halaga ay ang mga sumusunod: Ang bawat isa sa mga King, Queen, at Jack ay nagkakahalaga ng 10 puntos. Ang mga number card ay nagkakahalaga ayon sa kanilang digit, kaya ang 8 ay walong puntos, ang 5 ay nagkakahalaga ng lima, atbp. Ang bawat ace ay nagkakahalaga ng isang puntos.

Dapat ipahayag ng isang manlalaro ang Tongits sa kanilang turn kung kaya niyang laruin ang lahat ng kanyang baraha. Kung siya ang unang manlalarong maghalo, mag-alis, o magtapon ng kanilang mga card, maaaring mangyari ito. Tanging habang ang isang manlalaro ay tumatagal ng kanilang turn maaari nilang ideklara ang Tong-its. Bilang resulta, ang manlalarong ganap na naglalaro ng lahat ng kanilang mga card bago matapos ang iyong turn ay ang siyang mananalo. Sa pamamagitan ng pagdedeklara ng draw, maaaring magpasya ang mga manlalaro na wakasan ang laro nang maaga. Kung naniniwala kang pinakamababa ang iyong marka, dapat mong gawin ito. Magkaroon ng kamalayan na ang mga card na pinagsama ay hindi binibilang laban sa iyo. Ang bilang ay magsasama lamang ng mga loose na card. Sabihin nating mayroon kang pitong card sa kabuuan, tatlo sa mga ito ay isang set ng tatlong Queens, tatlo sa mga ito ay isang set ng 6, 7, at 8, at ang isa ay isang loose na Ace. Ang iyong rating ay 1. Magkaroon ng kamalayan na kung ang isang card ay inilatag sa iyong nakalantad na meld, maaari kang magpahayag ng isang draw. Kung may tumawag ng draw, gayunpaman, maaari mo itong i-challenge. Ang manlalaro ay mananalo sa round kung ang kanyang kabuuang iskor ay tumugma sa iskor ng kalabang nagdeklara ng draw. Konklusyon 

Ang Tongits Extreme: Play Tongits Offline For Free ay pinakamasayang laro kung ikaw ay nagpapalipas-oras. Nagbibigay ito ng aliw lalo na kung ikaw ay walang data o internet dahil offline ito. I-download ang Tongits Extreme dahil maganda itong pampalipas-oras lalo na kung ikaw ay nasa biyahe o nasa bahay lang. 

Kung nais mo namang makapaglaro ng Tongits kasama ang mga totoong tao at pwede karing manalo ng totoong pera, hanapin lamang at i-download ang https://bigwinclub.site/ sa playstore. Ang Big Win Club ay isang top card game sa Pilipinas na maraming magagandang tampok para sa mga manlalaro. Ang app na ito ay kumpleto sa mga larong pang-casino. Meron itong color games, tong-its, at fruit-slot. Maari mo ring i-download ang Big Win Club sa App Store kung ang iyong device ay iOS. Maglaro, magsaya at manalo ng totoong pera!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...