
Hindi maitatanggi ang likas na pagkahilig ng mga Pilipino pagdating sa mga larong may kinalaman sa baraha. Kahit saan at kahit anong okasyon, palagi kang makakakita sa mga bahay-bahay na gumagamit nito bilang kanilang libangan. Iba-iba man ng laro o gameplay ngunit hindi pa rin maiaalis na baraha ang paborito o pangunahing libangan ng mga Pilipino. Isa nga sa mga paboritong laruin ng mga ito ay ang card game na Tongits. Ang tongits ay isa sa pinaka-popular na contemporary card games na mayroon sa Pilipinas. Walang nakatitiyak kung kailan at saan talaga unang umusbong ang Tongits ngunit ayon sa iilan, unang naging popular ito bilang libangan ng mga Ilokano na kalaunan ay naipasa na rin sa Pangasinan noong mid-1980s kung saan tinatawag pa ito doon na “tung-it”. Bagaman nasa loob pa rin tayo ng pandemya at limitado pa rin ang bawat pagtitipon, isang magandang bagay na hindi na natin kailangan pang magsama-sama para lamang malaro ito. Gamit ang iyong gadget, maaari mo na itong malaro kahit pa nasa loob ka lamang ng iyong bahay. Isa na nga riyan ang Tongits Fun, isang app na nilikha ng FunX Games upang malaro mo na rin online ang iyong paboritong card game. Basahin ang iba pang detalyeng hatid ng Laro Reviews.
Anong mga Laro ang Maaari Mong Subukan sa Tongits Fun?
Ang Tongits Fun ay mayroong nakakatuwang graphics na siyang maaaring bumungad sa iyo sa oras na ma-download mo na ito. Taglay nito ang isang simpleng artstyle na kung titingnan ay para bang sinadya talagang gawing minimal para hindi mahirap para sa mga manlalarong unawain ang mga features na makikita rito. Naka-organisa rin ang mga features nito na talagang malaking tulong upang agad na masaulo ng bawat manlalaro ang nilalaman ng laro.
Sa main lobby, makikita ang iba’t ibang sikat na laro na maaaring pagpilian ng bawat manlalaro gaya ng:
- Unique Tongits na sinasabing milyong-milyong manlalaro ang bumibisita rito para kanilang subukan. Dito sa larong ito, kailangan mo lamang manalo ng dalawang magkasunod na round para makuha ang sinasabing “pot’.
- Classic Pusoy naman ang tawag sa larong ang goal ay makapag-arrange ng 13 cards ayon sa sariling diskarte upang tanghaling panalo sa laro.
- Ang Color Game naman ang sinasabing pinakapaborito ng lahat dahil para bang kaya ka nitong dalhin sa mundo ng perya. Upang manalo rito ay kailangan mo lamang mamili ng kulay na nais mo at hilingin na iyon ang lumabas sa cube na iro-roll.
- Syempre, hindi mawawala rito ang Slot Machine kung saan swerte ang iyong magiging puhunan para lamang makapag-match ng magkakaparehas na simbolo at manalo.
Paano nga ba Mag-cash out sa Tongits Fun?
Hindi ka nagkakamali ng basa! Tama, maaari ka talagang kumita ng pera sa pamamagitan lamang ng paglalaro ng Tongits Fun! Ngunit paano? Narito ang ilang mga gabay kung paano i-cash out ang maiipon mong pera rito. Maaari mong panoorin ang step-by-step procedure nito dito sa youtube link na ito: Watch How to Cash out from Tongits Fun.
O kaya naman ay basahin na lamang dito:
- Bilang unang hakbang, kailangan munang tandaan ng bawat manlalaro na meron silang mga dapat munang gawin para makapag-ipon ng pera sa loob ng laro. Bilang unang requirement nga rito ay dapat munang kumpletuhin ng bawat manlalaro ang 100 hands ng Tongits o kaya ng Pusoy.
- Pangalawang dapat tandaan ng bawat manlalaro ng Tongits Fun ay nakabase sa kanilang VIP level ang dami ng maaari nilang i-redeem sa isang araw. Halimbawa nito ay kung nasa VIP 2 hanggang 4 ka ay maaari kang makapag-redeem ng ₱100 sa isang araw habang maximum ₱200 naman kung nasa VIP 5 at 6 ka na. Paano mapapataas ang VIP level? Simple, iyon ay sa pamamagitan lamang ng pagbili ng gold sa mismong store ng laro. Sa bilang ng coins kasi nakadepende ang laki ng pera na iyong mare-redeem.
- Para sa pagri-redeem ng rewards, pindutin lamang ang Bangko button na makikita sa ibabang parte ng laro. Sa oras na bumungad na sa iyo ang isang chart kung saan naglalaman ito ng tatlong section, magtungo agad sa may nakalagay na Market at hanapin ang iyong agent para doon i-send ang bilang ng chips na nais mong i-redeem.
- Tandaan na sa bawat ₱10, katumbas nito ang 1M gold chips. Sa oras na makapagdesisyon ka na sa bilang ng iyong ire-redeem, mayroong pin code kang mare-receive. Kasunod nito ay ang paghingi sa ilang mga impormasyon mo gaya ng iyong cellphone number at pangalan na nakalagay sa iyong Gcash account.
- Upang masiguro na nakarating sa tamang numero ang iyong reward, maaari mong silipin ang record section dahil dito makikita kung anong oras ka nag-redeem, agent name, ID number mo lalo na ang bilang ng gold chips na ni-redeem mo.
Bukod sa Tongits Fun, Saang Tongits App ka pa Maaaring Kumita ng Pera?
Totoo nga bang sa Tongits Fun ka lang maaaring kumita ng pera? Ang sagot dito ay HINDI dahil maaari mo rin itong maranasan sa Big Win Club. Kung hindi ka pa pamilyar rito, ang Big Win Club ay isa sa maituturing na best tongits app dahil laman dito nito ang iba’t ibang klase ng laro gaya ng pusoy, slots at lucky 9. Tunay na mae-enjoy mo rin ang app na ito dahil maaari kang kumita ng pera sa pamamagitan lamang ng paglalaro nito.
Upang mas lalong ma-enjoy ang larong ito, nangangailangan lamang ito ng iyong Gcash account. Sa pamamagitan kasi ng Gcash account at sa oras na ma-register mo na ito ay mayroon ka ng kalayaang pumusta sa iyong bawat laban at makakuha ng limpak-limpak na salapi. Sinasabing napakadali rin na mag-withdraw sa Big Win Club dahil kailangan mo lamang i-type ang iyong number at email at agad na itong papasok sa iyong account. Bukod pa rito, isang kagandahan din na mayroon pa itong pa-bonus na 500 chips sa oras na mag-register ka rito sa unang pagkakataon. Kung nais mo itong i-download, mangyari lamang i-click ang link na ito: Big Win Club
Konklusyon
Tunay na isang malaking bagay na mayroon kang makikitang mga laro na may layuning iparanas sa iyo ang mga larong kinagigiliwan mo noon. Sa paglipas ng panahon at kasabay ng modernisasyon, nakakatuwang malalaro mo na ang Tongits nang hindi na kailangan pang dumayo sa ibang lugar dahil posible mo na rin itong malaro sa loob ng iyong mobile phone. Idagdag mo pa rito na maaari ka ring makipaglaro sa kahit na sino lalo pa’t nasa loob pa rin tayo ng pandemya na siyang naglilimita sa atin na makisalamuha kahit kanino. Kaya naman kung nais mong mawili sa paglalaro ng Tongits at sa kabilang banda’y kumita, huwag nang mag-alangan pa, subukan na ang Tongits Fun!
- 0 Comment
- Casino Game Apps, Reviews
- August 8, 2022