Townsmen Review

Townsmen – Paunlarin ang iyong maliit na nayon at gawin itong isang engrandeng medieval empire na may maunlad na ekonomiya at masayang mga taga-nayon. Maghanap rin ng mga lokasyon para gawing minahan ng mga mineral, mga taniman o sakahan, at mangolekta ng mga coins bilang pambayad sa buwis. Bumuo rin ng mga jousting field, marketplace, tavern at pagandahin pa lalo ang iyong lungsod gamit ang mga kahanga-hanga at kakaibang mga estatwa, magagandang monumento at ng isang luntiang hardin.

Ano nga ba ang larong Townsmen?

Ito ay isang laro na nakasalalay sa diskarte ang tagumpay. Gaya ng nabanggit, ikaw ay magiging isang tagapamahala ng isang medieval na lungsod na nagsisimula lamang sa isang maliit na bayan na tinitirhan ng iilang mamamayan pa lamang. Ito ay iyong pagsisikapan na unti-unting palakihin at paunlarin upang maging isang ganap na metropolis.

Sa laro ay may iba’t ibang uri ng mga gusali at mga natatanging uri ng tanawin. Maraming lokasyong pamimilian upang mapatayuan ng mga naayong imprastraktura na makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya at iba’t ibang negosyo na nasa lungsod.

Kakailanganin mo ring magtayo ng mga tinatawag na tavern, mga monumento, pabahay, palengke, sakahan, minahan, kastilyo, simbahan at mga garrison. Maaaring matapos mong maipatayo ang ilang gusali at kabuhayan ay hindi ka pa gaanong kikita ng malaki. Ngunit, kapag ikaw ay nagtagumpay at magawa mong patuloy na itaguyod ang lungsod, dito mo na mararanasan ang pagkakaiba.

Hindi lamang diyan nagtatapos ang laro, dahil mayroon din itong mga panganib na nakaabang. Ang mga bandido ay nasa paligid lang. Anumang oras ay maaaring umatake ang mga ito at gumawa ng mga kalokohan, pandarambong at pagnanakaw sa iyong mapayapang bayan. Upang ito ay mapuksa, bumuo ng isang pangkat ng matatapang na mga mandirigma na magbabantay sa mga tore at magtatanggol sa mga mamamayan mula sa mga pinsala na maaaring maidulot ng mga bandido. Siguraduhin ang kaligtasan ng mga mamamayan at ng iyong empire.

Townsmen

Townsmen

Mga Tampok 

Ang Townsmen ay naghahandog ng isang gameplay na itinakda sa medieval era kung saan ay mayroong mga mamamayan na naninirahan at gumigising araw-araw para sa kanya-kanyang mga gawain. Bukod pa rito, ang laro ay may kumplikadong ekonomiya at malalalim na produksyon kung saan masusubok ang iyong diskarte.

Matutunghayan mo rin dito ang iba’t ibang mga bayan at mga gusali ng produksyon sa isang makabuluhang panahon na mayroong mga kahanga-hangang visual effects. Hindi rin mawawala ang mapangwasak na mga sakuna tulad ng sakit, sunog, tagtuyot at marami pang iba.

Sa kabilang banda, binibigyan din ang mga manlalaro ng opsyon na bumuo ng hukbo kung saan may mga sundalo at bandido. Asahan na rin ang iba’t ibang mga senaryo at mapaghamong mga gawain sa unrestricted sandbox gameplay mode.

Related Posts:

Exploding Kittens Review

Specimen Zero – Online Horror Review

Ang Layunin at Ang Townsmen Scenario Modes

Ang direktang layunin sa laro ay ang ang makabuo ng isang medieval na lungsod na mayroong maunlad na ekonomiya at panatilihing masaya ang mga mamamayan nito. Sa iyong pagsusumikap na makamtan ang mga hinahangad para sa iyong lungsod, dadaan ka muna sa iba’t ibang hamon at dapat na pumasa sa lahat ng ito, bago makamit ang tagumpay na inaasam. 

Sa Townsmen, mayroong dalawang mode na maaari mong laruin – ang Scenario at Sandbox mode.

Sa Scenario Mode, bibigyan ka ng isang storyline. Ang mga ito ay patungkol sa taggutom, digmaan, isang bumibisitang monarch, krisis sa ekonomiya, o higit pa, kung saan ay kailangan mong magawa ang mga quest at kumpletuhin ang mga ito. Ang mga senaryo na ito ay may iba’t ibang antas ng kahirapan at lawak ng nasasakop na lupain. Kung napagtagumpayan mong matapos ang storyline, maaari kang magsimula ng isa panibagong senaryo o kaya naman ay magpatuloy na sa sandbox mode.

Sa Sandbox mode naman, bibigyan ka rito ng isang malinis na lugar kung saan ay kakailanganin mong simulan ang iyong lungsod mula sa umpisa. Mayroon ding iba’t ibang uri ng lupa dito na maaari mong piliin. Ang bawat isa sa mga ito ay nagkakaiba sa mga resources ayon sa biome. Walang partikular na storyline sa mode na ito, ngunit mayroon pa ring mga quest na lalabas paminsan-minsan na magsisilbing mga hamon sa iyong paglalaro.

Townsmen

Townsmen

Ang Townsmen Gameplay

Ito ay napakasimpleng laro na may ilang natatanging misyon na kailangang kumpletuhin. Ang lahat ng ito ay magsisimula sa iyong mga tagapaglingkod. Kung wala kang sapat na bilang ng mga ito, hindi ka makakapagpatayo o makakapagkumpuni ng anuman. Sa pagsisimula ng iyong laro, huwag kalimutan ang paggawa ng mga bahay na magsisilbing tuluyan ng iyong mga tagapaglingkod.

Habang unti-unting umuunlad ang lungsod, gayundin ang iyong mga pangangailangan para sa higit pang mga gusali. Mula sa mga kubo ng mga wood workers hanggang sa mga panaderya at mga windmill, maaari kang pumili kung paano mo itatayo ang sariling sibilisasyon at kung saan mo itatayo ang mga pinakamahahalagang gusali sa iyong magiging lungsod. Kung mayroon kang sakahan na may trigo, kakailanganin mo ring magtayo ng mga gusali na gagawa ng produksyon ng harina na magagamit mo rin sa iyong panaderya. Dahil diyan, ikaw ay makakagawa ng pagkain para sa mga tao at makakatulong rin na palaguin ang ekonomiya sa kabuuan. Habang nagpapatuloy ka sa kuwento, mas magiging advanced na rin ang mga gusali na iyong magagawa at mas maraming pera ang maaari mong kitain mula sa mga produkto at sa mga buwis.

Pagdating naman sa produksyon, mataas ang kahalagahan ng pagmimina. Gamitin ang mga bato at ore na iyong makukuha upang makagawa ng mas advanced na mga gusali, tulad ng mga guard tower at barracks. Ang mga ito ay mayroong malaking pakinabang sa iyong lungsod dahil ito ang magsisilbing proteksyon ng lungsod laban sa mga bandido at kaaway na nagnanais na gumawa ng pinsala sa iyong nasasakupan at tapat na mga tagapaglingkod.

I-download na ang!

Maaari mong malaro ang kabuuan ng Townsmen nang libre. Ngunit meron pa ring iba’t ibang items na makukuha mo lang at magagamit sa pamamagitan ng pagbili nito sa mismong app. Kung ayaw mo namang matukso sa paggastos para sa premium items, maaaring i-deactivate ang option na makabili ng mga ito sa setting ng iyong device. Upang masimulan ang paglalaro, i-download ang app gamit ang sumusunod:

  • Download Townsmen Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.hg.townsmen7free&hl=en_US&gl=US&auao=false&referrer=utm_source%3Dgoogle%26utm_medium%3Dorganic%26utm_term%3Dtownsmen+android&pcampaignid=APPU_1_knaqYf7CL-SFr7wPy6WqqA4
  • Download Townsmen Game on iOs https://apps.apple.com/us/app/townsmen-premium/id549432607
  • Download Townsmen Game on PC https://www.freegamesdl.net/townsmen-a-kingdom-rebuilt-free-pc-download/

Mga Gusali, Tao at Proteksyon

Maraming bilang ng mga gusali ang maaari mong ipatayo at magamit sa laro na tutulong sa iyo mula sa pagkain hanggang sa produksyon. Ang lahat ng mga ito ay konektado. Upang makakuha ng workforce, kailangan mong magtayo ng mga townhouse na may iba’t ibang laki na naaayon sa gusto mong disenyo at mga materyales. Kapag nakakuha ka na ng sapat na mga tao sa iyong lungsod, maaari ka nang magsimula sa paggawa ng mga iyong mapagkukunan upang unti-unti mong maitaguyod ang mga pangangailangan sa iyong lungsod. Kabilang dito ang supply ng tubig, pagkain, at entertainment.

Bukod sa pagtugon sa mga pangangailangan ng iyong mga tao, dapat mo ring siguraduhin ang kanilang kasiyahan dahil ang malungkot na mamamayan ay hindi nagbabayad ng buwis, at ang kanilang pagiging produktibo ay naaayon rin sa antas ng kanilang kaligayahan. Bumuo ng libangan at mga gusali ng komunidad upang matupad rin ang ilan sa kanilang mga hangarin.

Sa harap ng mga banta sa kapayapaan ng lungsod, kailangan mong humanap ng epektibong mga paraan upang maprotektahan ang kaligtasan ng iyong mga mamamayan. Dahil na rin sa potensyal na banta ng mga bandido, kailangan mo ring magtayo ng maraming barracks na may mga matatapang at magagaling na mga sundalo.

Townsmen

Townsmen

Pros ng Townsmen

Sa Townsmen ay maaari kang maglaro ng libre. Oo, libre. Maari kang pumili sa may bayad o wala. Sino bang gugusto sa pagbabayad kung may libre naman hindi ba? Bukod sa nakakaaliw at mapanghamon na kwento, nakakaadik din itong laruin dahil sa makatotohanang set ng sinaunang panahon ng medieval na may kasama pang kaaya-ayang mga tunog – mula sa tikatik ng ulan hanggang sa himig ng mga hinahanging chimes.

Cons ng Townsmen

Mas magugustuhan ng mga manlalaro kung mayroong panibagong update ang Townsmen at madagdagan ang mapa, mga gusali, palamuti at iba pang items dito. Sa mga premium na players naman, nagiging mahal ang paglalaro nila nito araw-araw dahil na rin sa mga kinakailangang bilhin at makuha sa laro. Hindi rin mawawala sa listahan ang mga ads. Ito ay nagiging invasive sa bawat manlalaro at isang malaking aksaya sa kanilang oras. Dadagdagan pa ng mga crash na hindi maiiwasan kahit pa sinubukan nang i-uninstall at ibalik muli ang app sa gamit na device.

Konklusyon

Ito ay masasabing isang klasik dahil pamilyar na ang karamihan sa takbo ng mga pangyayari sa ganitong uri ng laro. Gayunpaman, mabisa pa rin itong maging libangan at siguradong magbibigay ito sa iyo ng kasiyahan at pagkakuntento. Kung ikaw ay mahilig tumayo bilang leader at manguna sa grupo, maaaring ito na ang larong para sa iyo.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...