War of Rafts: Crazy Sea Battle Review

Magica.io, AXES.io, at Saw Machine.io. Ito ang ilan sa io games mula sa CASUAL AZUR GAMES. Lahat sila ay may iba’t ibang mga tema, ngunit lahat ay maaari mong malaro offline. Sa War of Rafts: Crazy Sea Battle, makakaranas ka ng isang io game sa karagatan. 

Dahil sa genre nito, kakailanganin mong mangolekta ng iba pang mga cell tulad ng rafts at soldiers upang palakihin ang iyong raft. Bilang karagdagan, labanan ang iba pang mga manlalaro at angkinin ang kanilang cell. Kapag sapat na iyong ang lakas, pumunta sa lokasyon ng boss para makipaglaban sa 1v1.

Features ng War of Rafts: Crazy Sea Battle

Io campaign – Ang main game mode kung saan magsisimula ka sa isang raft at soldier at mas lalakas ka habang nangongolekta ka ng mas maraming raft, equipment, at soldier.

Auto-battle mode – Isang raft vs. raft battle na maaari mong laruin na naiiba sa io campaign. Magsisimula lamang ang laban kapag mayroon kang sapat na stars, at makukuha mo ang mga ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng higit pang rafts, tents, at soldiers gamit ang gems.

Bonus level – Isang special mode na maaari mong laruin matapos ang limang stage. Gagamit ka ng machine gun para barilin ang mga papasok na soldier sa stage na ito, at ang bawat pagpatay ay katumbas ng gems.

Raft – Ang iyong flat na lumulutang na transportasyon sa loob ng laro. Bilang karagdagan, maaari mo itong i-customize sa shop sa pamamagitan ng pagbabago ng hitsura at kulay nito.

Soldier – Ang mga yunit na lumalaban sa mga kalaban gamit ang isang sandata gaya ng baril o flamethrower. Maaari mo silang iligtas kapag sila ay nasa tubig, at sila ay magiging bahagi ng iyong raft.

Equipment – Ang mga item na makakatulong sa iyo sa laro sa pamamagitan ng pagpapalakas ng iyong attack, HP, o speed. Mapupunta sila sa iisang floating raft, at makukuha mo ang mga ito sa pamamagitan ng paglipat ng iyong raft sa kanilang lokasyon. Ang unang apat na item na magagamit mo ay ang machine gun, tower, giant magnet, at giant fan. Gayunpaman, maaari mo lamang i-unlock ang upgraded version ng mga nito sa pamamagitan ng panonood ng ad.

Saan pwedeng i-download ang War of Rafts: Crazy Sea Battle?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang War of Rafts: Crazy Sea Battle sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang pagda-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download War of Rafts: Crazy Sea Battle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=war.of.islands

Download War of Rafts: Crazy Sea Battle on iOS https://apps.apple.com/nz/app/war-of-rafts-crazy-sea-battle/id1559209348

Download War of Rafts: Crazy Sea Battle on PC https://www.bignox.com/appcenter/war-of-islands-pc

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang NoxPlayer emulator mula sa kanilang https://www.bignox.com. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Maaari kang madalian sa laro, ngunit sa umpisa lamang ito. Magsisimula ang hamon sa sandaling maabot mo ang mga susunod na stage. Kaya sundin ang mga tip na ito upang maging handa kapag nangyari iyon.

Ihambing ang iyong mga stats.

Sa tuwing nakikipaglaban ka sa iba pang rafts, palaging tingnan ang kanilang stats sa ibaba ng kanilang player name. Iwasan sila kung mas marami silang attack at HP kaysa sa iyo, ngunit labanan sila kung mas lamang ka.

Unahin ang soldiers.

Ang mga ito ay mas mahalaga kaysa sa rafts dahil sila ang attacker. Matatalo ka sa ibang player kahit na malaki ang raft mo dahil sa kakaunting soldier.

Pamamaril sa mga soldier.

Kung naglalaro ka sa Bonus Level, ituon ang iyong machine gun sa isang lane sa halip na subukang ilipat ito mula kaliwa pakanan. Makakatulong ito sa iyong pumatay ng mas maraming kaaway dahil maitutuon mo lamang ang iyong atake sa isang lugar.

Iwasang palakihin ang iyong raft.

Hindi mahalaga kung mayroon kang malaking raft dahil ang bilang ng iyong stat ang tumutukoy kung mananalo ka o hindi. Minsan, madali kang mapuntirya ng mas malalakas na kalaban dahil sa laki mo. Kaya palakihin lamang ang iyong raft kapag wala kang slot para sa iyong soldiers.

Pros at Cons ng War of Rafts: Crazy Sea Battle 

Hindi ito gaanong nagiging monotonous dahil sa may malalaro kang bonus level kapag natapos mo ang limang stage. Nagdaragdag ito ng higit pang gameplay dahil babarilin mo ang mga paparating na enemy soldiers sa halip na kontrolin ang iyong raft. Bukod dito, hindi masasayang ang oras mo sa mode na ito dahil maaari kang makatanggap ng mahahalagang rewards tulad ng gems.

Normal na magkaroon ng in-app purchases o ads sa isang laro dahil dito kumikita ang developer at na-i-improve ang kanilang gawa. Gayunpaman, hindi mo lubos na mae-enjoy ang War of Rafts: Crazy Sea Battle kung ikaw ay isang free-to-play player. Sa tuwing matatapos mo ang isang stage, magkakaroon ka ng pagkakataong mag-unlock ng isang mystery item kung naka-ipon ka ng sapat na points. Ngunit hindi mo ito make-claim maliban kung manonood ka ng isang ad. Madidismaya nito ang players dahil gumugol sila ng maraming oras dito, ngunit hindi nila ito makukuha kaagad.

Masaya itong laruin, ngunit inirerekomenda ng Laro Reviews na dadagan ng feature ang laro. Hindi open-world ang battleground nito, matatagalan kang palakihin ang iyong raft at sagipin ang mga soldier. Hindi mo alam ang kanilang mga lokasyon, kaya maggagala ka lamang sa karagatan at aasang may mahahanap ka. Ang solusyon ay magdagdag ng mini-map na makikita mo sa iyong screen para ma-navigate mo ang iyong raft.

Konklusyon

Masisiyahan ka sa paglalaro, at hindi mahirap matutunan ang mechanics nito. Gayunpaman, ito ay nilikha lamang upang kumita ng pera. Habang umuusad ka sa susunod na stage, gugugulin mo ang iyong oras sa pag-ikot sa karagatan nang walang nakikita. Dahil dito, imposibleng manalo maliban kung manonood ka ng ad upang magsimula sa laro na may isang malaking raft. Para sa Laro Reviews, maraming potensyal ang War of Rafts: Crazy Sea Battle para sa isang io game, ngunit marami rin itong dapat i-improve.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...