Words in Word Review

Karamihan sa word games ay single-player, kahit na online ang mga ito. Nilikha ang mga ito upang subukan ang iyong bokabularyo habang nag-eenjoy ka sa paglalaro. Bukod dito, ang ilan ay maaaring maging relaxing dahil sa kanilang madali ngunit challenging mechanics. Ang featured game sa artikulong ito ay katulad sa kanila, ngunit maaari mo itong laruin laban sa ibang mga manlalaro. Ang Words in Word ay isang word puzzle casual game na nilikha ng Uga Dooga. Ang parehong developer na lumikha ng ”Word Catcher. Fillwords: find the words” at ‘Word Catcher 2: Lines.’ Magiging kasing-ganda ba ito ng ibang mga laro? Ituloy lamang ang pagbabasa.

Nasa mismong title na ng laro ang layunin nito. Bibigyan ka ng mga salita, at kailangan mong magpasok ng higit pang mga salita sa loob ng mga ito. Bilang karagdagan, maghanap ng maraming mga sagot hangga’t maaari upang makakuha ng higit pang scores. I-enjoy ang relaxing gameplay ng single-player mode nito o makipagkumpitensya sa iba pang player sa multiplayer mode.

Features ng Words in Word 

Levels – Nagsisilbing campaign mode kung saan kailangan mong maghanap ng mga salita sa loob ng isang salita. Maaari mong lutasin ang hanggang sa isang libong levels, at bawat isa ay may iba’t ibang tasks na dapat tapusin. Kapag natapos mo ang mga ito, makakatanggap ka ng coins at makakalipat sa ibang level.

Multiplayer – Ang feature na tumutulong sa iyong makipaglaro sa isa pang player. Maa-access mo lang ang Duel dahil magiging available ang Triathlon sa future updates. Sa mode na ito, kailangan mong makipagkumpitensya sa isang kalaban upang mahanap ang mga salita sa isang salita sa real-time. Ang laro ay tatagal lamang ng dalawang minuto, at magla-lock ang random letters pagkatapos mong magpasok ng isang salita. Bukod dito, ang player na may mas maraming puntos ang mananalo sa laro.

Tournaments – Ito ay isang competitive online game kung saan ang iyong scores ay itatala sa isang leaderboard. Ang players na may mas mataas na scores ang makakakuha ng mas mataas na position. Sa mode na ito, maaari mong malaro ang:

  • Musical Pause – Ang bawat letter ay magkakaroon ng mga nakatalagang puntos, tulad ng sa mga larong Scrabble. Bilang karagdagan, magkakaroon ng dalawampung kalahok na maaaring magkaroon ng hanggang dalawampung attempts.
  • Weekly – Hindi tulad ng unang laro, walang nakatalagang puntos ang letters dito. Gayunpaman, ang ilan sa mga ito ay nasa loob ng isang parisukat. Mamu-multiply ang score kung isasama sila sa mga salitang hinulaan mo.

Shop– Ang lugar kung saan maaari kang bumili ng in-game na coins at alisin ng ads gamit ang totoong pera.

Saan pwedeng i-download ang Words in Word?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka, at i-type ang Words in Word sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang pagda-download. 

Narito ang link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Words in Word on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.games.makewords2

Download Words in Word on iOS https://apps.apple.com/us/app/words-in-a-word/id1192743003

Download Words in Word on PC https://www.bluestacks.com/apps/word/words-in-word-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Gamitin ang tips na ito kung gusto mong makaipon ng mas maraming coins o makahanap ng higit pang mga salita.

Hanapin ang plural forms.

Kung ang salita para sa level ay may letter “s,” maaari kang gumawa ng plural form ng iyong mga sagot. Halimbawa, ang salita para sa level 3 ay STAMEN. Kung makakita ka ng anumang noun, ilagay ang letrang “s” sa dulo nito upang idagdag ang iyong mga sagot.

Suriin ang task levels.

Kailangan mo mang maglagay ng mga salitang nagsisimula sa “u” o maglagay ng labing-anim na salita, palaging basahin ang mga gawaing ito upang makaipon ng coins at stars.

Gamitin ang hints.

Ang dalawang icon sa kaliwang ibaba ng iyong screen ay magbibigay sa iyo ng clues upang mapadali ang iyong laro. Ang Tip na may bulb icon ay tumutulong sa iyo sa isang pangungusap na naglalarawan sa mga nakatagong salita. Sa kabilang banda, ipinapakita ng key icon ang isang titik ng sagot. Bilang karagdagan, hindi ka palaging mauubusan ng coins dahil hindi mahal ang mga ito.

Eksperimento sa mga salita.

Magugulat ka na lang sa kung gaano karaming mga salita ang maaari mong matutunan sa pamamagitan ng pagpili ng random letters. Dahil ang Level mode ay walang limitasyon sa oras at penalty sa bawat maling sagot, gamitin ang oras na ito upang hulaan ang salita sa pamamagitan ng pagpili ng anumang mga titik.

Salita sa loob ng isang salita.

Pagkatapos magpasok ng mahabang salita, mag-isip ng iba pang mga sagot na maaari mong gawin sa loob nito. Halimbawa, ano pang mga salitang maaari mong gawin sa loob ng SLOT? Kung may maiisip ka, idagdag ang mga ito sa iyong sagot.

Pros at Cons ng Words in Word 

Malalaman mo na ang developers ay nagmamalasakit sa kanilang players kapag ang kanilang laro ay hindi pay-to-win. Dinisenyo ng developer na Uga Dooga ang Words in Word, kung saan hindi mo kakailanganing gumamit ng totoong pera para lang umusad sa laro. Magkakaroon pa rin ito ng in-app purchases, ngunit magiging mga coin lang ito na hindi mahirap ipunin. Samakatuwid, kakailanganin mo lamang ang iyong talino at diskarte upang manalo

Ang larong ito ay isa ring mahusay na paraan upang mapalawak ang iyong bokabularyo. May mga salita na hindi mo alam na nag-e-exist habang nilalaro mo ito. Halimbawa, maaari kang matuto ng mga bagong salita tulad ng gob, bran, arb, at drab. Bilang karagdagan, maaari ka ring gumamit ng mga kolokyal at slang terms, para hindi ka mahirapang hulaan ang mga salita.

Nababagot ka na ba sa paglalaro ng levels? Kung gayon ay maaari mong subukan ang Duel sa Multiplayer mode. Bukod sa paglalaro laban sa isa pang player sa real-time, naiiba ang rule nito mula sa ibang modes. Dahil dito, magkakaroon ka ng tunay na challenge sa laro.

Hindi nakatagpo ng anumang mga problema ang Laro Reviews habang naglalaro dahil ma-e-enjoy mo ito offline. Gayunpaman, kakailanganin mo ng isang stable internet connection upang ma-access ang Tournament at Multiplayer.

Konklusyon

Maaari itong nagkaroon kaunting drawback, ngunit hindi ito nakakaapekto sa iyong gameplay. Masisiyahan ka pa rin sa paglalaro nito dahil mayroon itong kakaibang mechanics. Ang larong ito ay free-to-play friendly, kaya maaari kang umusad kahit na hindi ka bumili ng anumang in-app purchases. Bilang karagdagan, hindi ka magsasawa sa paglalaro nito dahil sa mga mode ng laro na mae-enjoy mo. Inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito sa players na naghahanap ng kakaibang larong puzzle word game na maaaring maging competitive. Maaari mo itong i-download nang libre, ngunit ito ay available lamang sa Android.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...