AFK Summoner: 3d IDLE Adventure (Early Access) Review

Ang AFK Summoner3d IDLE Adventure (Early Access) ay isang uri ng mobile game. Ito ay isa ring larong may mga elemento ng RPG. Sa larong ito, maaaring makipagkumpitensya ang mga manlalaro sa iba. Ang gameplay ng larong ito ay maihahalintulad sa mga larong AFK. Ngunit ang mga summoner ay maaaring mag-recruit ng mga hero, bumuo ng isang makapangyarihang koponan at lumaban sa kampon ng mga halimaw katulad ng mga RPG at Idle na laro. Bilang isang idle na laro, ang mga character ay lumalaban para sa iyo. Ang tanging gagawin na lamang ay ilagay ang mga hero sa tamang posisyon, pati na rin ang pag-upgrade sa kanila at ng kanilang mga kagamitan kabilang na ang mga gear.

Ang pangunahing layunin sa larong ito ay ang bumuo ng isang pangkat ng mga hero, at ihanda sila para sa isang digmaan upang labanan ang iba’t ibang uri ng mga kalaban. Sa kabuuan, mayroong mahigit sa 100 heroes na mapagpipilian at bawat isa ay kabilang sa isang partikular na paksyon. Tulad ng AFK Arena, makakukuha ka ng higit pang mga hero sa laro sa pamamagitan ng “pag-summon” sa kanila. Upang malaro ang iba pang game modes, kailangan munang lampasan ang ilang levels ng laro sa Campaign Mode.

Ang AFK Summoner3d IDLE Adventure (Early Access) ay isang madaling laro. Gayunpaman, ang laro ay naglalaman pa rin ng mga kakaiba at tricky na mga hamon. Kagaya ng nabanggit sa itaas, mayroong iba’t ibang mga mode na available sa larong ito at bawat isa ay nag-aalok ng bagong hamon sa mga manlalaro. Ang gameplay ay turn-based, at ang mga manlalaro ay nagpapalitan ng pag-atake sa isa’t isa hanggang sa may matalong isang koponan.

Ang mga manlalaro ay kailangang bumuo ng isang koponang may limang heroes. Ngunit kailangang siguraduhing ang mga hero na pipiliin ay puro malalakas at mayroong mga espesyal na abilidad na kayang tapatan ang lakas ng mga boss sa laro. Hindi sapat ang pag-a-upgrade lang ng mga hero kaya dapat palakasin din ang mga weapon at gear sa pamamagitan ng pag-equip, o pag-upgrade sa kanila.

Isang mahalagang bahagi rin ng larong ito ay ang pagkumpleto ng mga pangunahing misyon upang mag-level up at mag-unlock ng mga karagdagang feature. Gayunpaman, habang ang karamihan sa laro, kabilang na ang labanan ay awtomatiko, kinakailangan pa rin ang diskarte mo sa laro sa pagpili ng mga gagamiting hero, pagbili ng karagdagang hero, pag-upgrade sa kanila at pagkolekta sa mga gem at iba pang relics.

Ang isang magandang paraan para umusad nang mabilis sa laro ay sa pamamagitan ng pagkumpleto ng iyong mga pang-araw-araw na quest dahil nagbibigay ito sa iyo ng maraming gems, mahahalagang rewards at goodies na magagamit mo para sa pag-unlock at pag-upgrade ng iyong mga character. Maliban sa mga game mode, huwag ding kalimutang palaging suriin ang summoner portal, bag feature ng laro, at roulette upang makakuha ng mga libreng collectible.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng AFK Summoner:3d IDLE Adventure (Early Access)

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Ang Campaign Mode ay nagsisilbi bilang pangunahing mode ng laro. Kung nakapagaro ka na ng RPGs noon, dapat mong malaman na ang mga idle na reward ay nakabatay sa kung paano ka umuunlad sa laro. Kailangang galingan ang paglalaro upang makatanggap ng mga rewards na magbubukas sa iba pang mga mode at kailangang ipagpatuloy lang ang paglalaro nang madalas hanggang sa ma-unlock mo na ang lahat ng levels na nakapaloob dito.

Ang mga pangkaraniwang hero ay ganap na walang silbi sa laro kaya hindi mo sila kailangang i-upgrade pa, bagkus ay gawin mo silang ‘retired heroes’ kapalit ng ilang resources. Ang tanging dapat na tutukan lang ay ang pagle-level up sa limang pinakamahusay na mga hero na mayroon ka. Subalit ang pagpili ng pinakamahusay na mga hero para sa iyong koponan ay medyo nakalilito kaya bumatay sa star-rating at level ng mga ito.

Maraming dapat matutunan sa AFK Summoner:3d IDLE Adventure (Early Access) dahil maraming content at feature na kailangang paglaanan ng oras ng bawat manlalaro para magkaroon ng magandang game progress. Ang pag-a-unlock sa mga mode ng laro ay may katagalan lalo pa’t ang bawat mode ay binubuo ng napakaraming rounds ng labanan.

Huwag ding kalimutang suriin ang iyong bag paminsan-minsan dahil magtatambak ka ng ilang mahahalagang bagay doon na nakukuha mo sa bawat panalo sa laban. Kalaunan, kakailanganin mo ang mga iyon kaya hindi mo sila dapat basta-bastang gamitin ng walang sapat na dahilan.

Saan maaaring i-download ang laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa available ang larong ito sa App Store. Maaaring i-click ang link sa ibaba para mag-download:

Download AFK Summoner:3d IDLE Adventure (Early Access) on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dgame.fallenAngelWar

Download AFK Summoner:3d IDLE Adventure (Early Access) on PC https://www.gameloop.com/game/role-playing/com.dgame.fallenAngelWar

Mga Feature ng Laro

  • Summon Heroes – Mahigit sa 100 na mga hero ang pwedeng i-summon sa laro upang lumaban para sa’yo. Higit sa 150 na armas, accessories, upgrades, at equipments rin ang mapagpipilian.
  • Reward Achievement System – Makahahanap ka ng maraming mapagkukunang mahahalagang bagay sa larong ito. Kailangan mo lang galingan sa pakikipaglaban upang makamit ang mga gantimpalang naghihintay. 
  • Social Game – Makipaglaro sa iba pang summoner sa buong mundo at hamunin ang lakas ng kanilang mga hero. Maliban pa rito, nagsisilbi ring tulay ang larong ito upang makipagkilala sa iba pang mga manlalaro.
  • Automatic Fighting – Hindi mo na kailangan pang pumindot nang pumindot sa screen ng iyong device dahil mismong mga hero muna ang makikipaglaban para sa’yo.

Pros at Cons ng Laro

Ang AFK Summoner: 3d IDLE Adventure (Early Access) ay may iba’t ibang mga mode na mapagpipilian. Maaari kang maglaro sa Campaign Mode kung saan ang iyong layunin ay talunin ang lahat ng mga kaaway sa mapa, mayroon ding Mysterious Crystal, Temple heroes, Homeland at iba pa kung saan makakaharap mo ang mas malalakas na kalaban at iba pang mga manlalaro. Kaya nakasisiguro ang Laro Reviews na hindi kayo magsasawa sa mga hamon sa larong ito. Maliban pa rito, kapanapanabik din ang mga hero card na maaaring makuha nang libre o mabili dahil ang bawat isa ay nagtataglay ng detalyado at HD quality na graphics, idagdag pa ang intense ngunit masarap pakinggan na musika ng laro. Sa karagdagan, mayoon ding Lucky Roulette sa larong ito kung saan maaaring makakuha ng limpak-limpak na premyo ang mga manlalaro.

Sa kabilang banda, bagama’t ang laro ay hindi isang pay-to-win, hindi nito itinatago ang katotohanang ang paggastos ng totoong pera ay lubhang makakatulong nang malaki sa pag-usad sa laro. Gayundin, ang patuloy na paglabas sa screen ng mga patalastas na hinihikayat kang magbayad ay nakakainis dahil kailangan mo pang maglaan ng oras para paulit-ulit na pindutin ang X-button ng laro. Hindi rin pwedeng palampasin ang pagkakaroon ng madalas na lagging at buging sa laro.

Konklusyon

Kagaya ng mga karaniwang RPG at Idle na laro, masasabi ng Laro Reviews na hindi naiiba ang mechanics ng AFK Summoner3d IDLE Adventure (Early Access). Pangunahing layunin din sa larong ito ang palakasin ang pwersa ng mga hero at lupigin ang pwersa ng mga kalaban. Gayunpaman, hindi ka bibiguin ng larong ito sa ilang mga feature na idinagdag kagaya ng ilang game modes na hindi makikita sa ibang laro. Hindi rin masyadong mahirap na lampasan ang mga level ng laro. Sa katunayan, isa ang larong ito sa may madadaling hamon kaya sinuman ay pwedeng manalo rito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...