ANOTHER EDEN Global Review

Kung mahilig ka sa mga anime at manga, hindi mo dapat palampasin ang ANOTHER EDEN Global mula sa WFS, Inc. Ang larong ito ay unang inilunsad sa Japan noong 2017 at kalaunan ay inilabas para sa mga manlalaro sa buong mundo, taong 2019. Ito ay isang role-playing game na magdadala sa’yo sa mundong puno ng mahika at pakikipagsapalaran. 

Ang layunin ng mga manlalaro nito ay samahan at tulungan si Aldo sa kanyang paglalakbay upang mailigtas ang kapatid na si Feinne. Kailangan nilang makumpleto ang quests, mangalap ng resources at labanan ang mga masasamang kaaway. Ito ay free-to-play game at kasalukuyan ay may 84 game chapters na patuloy na nadaragdagan tuwing may update. 

Paano I-download ang Laro?

Bago i-download ang app, mahalagang tiyakin mo muna na ang iyong gaming device ay pasado sa minimum requirements. Kailangang ang OS nito ay katumbas o mas mataas sa Android 4.4 at ito ay may mahigit sa 2GB free memory space. Pwedeng itong i-download mula sa Play Store o sa App Store para sa Android o iOS devices. Kung nais mo namang gumamit ng laptop o desktop at ikaw ay may Steam account, pwede mo itong laruin sa nasabing website. Sa kabilang banda, maaari mo ring i-download ang APK file nito para sa PC at gumamit ng emulator upang i-run ito. Bilang alternatibo, pwede mo ring gamitin ang mga sumusunod na link: 

Download ANOTHER EDEN Global on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=games.wfs.anothereden&fbclid=IwAR0iQQjJBhiLkNCayt5z1kc4bXjmIJwcE5q7KDsIWcC8uEk_51juS9GZtms

Download ANOTHER EDEN Global on iOS https://apps.apple.com/us/app/another-eden/id1439565347

Download ANOTHER EDEN Global on PC https://pcmac.download/app/1439565347/another-eden

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Inaanyayahan ka ng ANOTHER EDEN Global sa isang mahiwagang mundo kung saan pwede kang mag-time travel at mag-space travel. Sasamahan mo ang pangunahing karakter na si Aldo sa kanyang pakikipagsapalaran na mahanap at mailigtas ang kapatid na si Fiene. Dinukot kasi siya ng mga kaaway na nais samantalahin ang kanyang kapangyarihan. Habang hinahanap niya ang mga dumukot sa kapatid ay aksidenteng matutuklasan ni Aldo ang isang magic portal na magbibigay sa kanya ng pagkakataong bumalik sa nakaraan at baguhin ang hinaharap. Sa bahaging ito magsisimula ang isang maaksyon at kapanapanabik na paglalakbay. 

Kung nasasabik ka ng makilala ng lubusan ang laro, tutulungan ka ng Laro Reviews na malaman ang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito. Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat mong malaman tungkol sa single-player Japanese RPG na ito: 


  • Gameplay

Ang side-scrolling JRPG gameplay ng larong ito ay simple at madaling matutunan. Kung ikukumpara sa Western RPGs, ang gameplay ng JRPGs ay mas madali. Dadalhin nito ang mga manlalaro sa loob ng isang kakaibang kwento at bibigyan ng pagkakataong i-control ang game characters. 

Sa unang beses na pag-launch mo ng app, kailangan mong piliin ang region na kinabibilangan mo, kung saang bansa ka galing at kung anong uri ng wika ang nais mong gamitin. Gamit ang mga impormasyon na ito ay automatic na magi-generate at masi-set up ang iyong game settings. Kailangan mo ring i-click ang Agree button bilang pagsang-ayon sa Terms and Conditions, Privacy Policy at Purchase Policy ng laro. Mahalaga ring i-link mo rito ang iyong Facebook o Google account. 

Para makapag-level up sa laro, kinakailangan mong ng tiyaga at matinding determinasyon. Karamihan kasi sa mga aktibidad rito ay tungkol sa paulit-ulit na pagkikipaglaban at pangongolekta ng game resources. 

  • Game Characters at Storyline

Katulad ng karamihan na JRPGs, ang storyline ng larong ito ay nahahati sa chapters na binubuo ng iba’t ibang quests. Ang ilang subquests ay tungkol sa pakikipag-ugnayan sa NPCs at pagpunta sa isang partikular na lokasyon. Tandaan na hindi sa lahat ng quests, kinakailangan mong makipaglaban sa mga kaaway.

Ang heroes sa larong ito ay kabilang sa iba’t ibang uri. Mayroong nakagrupo ayon sa sandatang ginagamit nila, habang ang iba naman ay ayon sa kanilang stats at skills. Ang ibang game characters ay may malakas na attack skills ngunit mahinang defense skills, ang iba naman ay kabaliktaran. May mga elemental skills din ang mga ito tulad ng Water, Fire, Earth at Wind. Gayunman, may heroes na hindi kabilang sa anumang elemental affinity. 

Ang bawat game character ay may natatanging skill levels. Habang nagli-level up ka sa laro ay magagawa mong i-unlock ang ibang heroes at isali sila sa iyong party. Para pataasin ang stats nila, kinakailangan mong i-upgrade ang mga ito. Para magawa ito, i-click lang ang Ability Board icon.

Sa pagpili ng heroes na mapapabilang sa iyong party, kailangan mong isaalang-alang ang kanilang star rating. Malaking kalamangan ang paggamit ng heroes na may matataas na rating. Subalit, madalang ka lang makakuha ng mga ito. Mas mainam na piliin ang 4-star rating heroes pataas.

  •  Battle System

Ang larong ito ay gumagamit ng turn-based battle system. Tandaan na para magawa ang mga aktibidad tulad ng paglalakbay, paglipat ng lokasyon at pakikipaglaban ay kailangan ng energy. Kaya’t dapat mong tiyakin na mayroon kang sapat na halaga nito. Sa kabutihang palad, kung sakali mang maubos ang energy ng iyong game character, maaari mo itong palitan ng iba. 

Pros at Cons ng ANOTHER GARDEN Global

Ang larong ito ay nakatanggap ng maraming positibong feedback para sa nakakaengganyo nitong storyline, simple ngunit mapaghamong gameplay, at nakakatuwang game characters. Ang graphics at animations na ginamit dito ay may bukod-tanging kalidad. Ang sound effects at background music ay nagdadala ng mahiwagang dating sa laro. Gayundin, ang boses ng game characters ay talagang nakakamangha dahil ito ay mula sa mga kilalang Japanese voice actors. Bukod sa mga ito, maraming paraan upang makakuha ng rewards kaya hindi napipilitan ang mga manlalaro na gumastos para sa in-app purchases. Marami rin ditong magagandang game characters na maaaring makuha ng libre.

Gayunpaman, may mga kahinaan din ang larong ito. Isa na rito ang pagkakaroon nito ng bugs, pagiging laggy at ang paminsan-minsang pagfi-freeze. May mga pagkakataon din na kapag nag-log in ang mga manlalaro sa kanilang account gamit ang ibang device, hindi na nila nababalikan ang kanilang game progress dahil hindi gumagana ng maayos ang data recovery system ng laro. Nakakadismaya rin na hindi pwedeng i-skip ang narratives at dialogues kaya kailangan talagang maghintay na matapos ang mga ito bago sumabak sa aktwal na gameplay. Bukod sa mga ito, may mga kapansin-pansing grammatical errors na kailangang itama. May kalakihan din ang file size ng game app na ito, bukod pa sa madalas na updates na kinakailangang i-download. Isa ito sa pangunahing dahilan kung bakit nahihirapan ang iba na mapanatiling up-to-date ang kanilang app.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, inirerekomenda ng Laro Reviews na dapat mong subukan ang larong ito. Bukod sa de-kalidad na visuals at sound effects, nakakahumaling din ang gameplay nito at nakakawili ang storyline. Gayunpaman, kailangan mo lamang ng kaunting pasensya sa narratives at dialogues upang masubaybayan at maintindihan ang kwentong tampok sa laro. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...