Arcana Tactics Review

Ang Arcana Tactics ay isang advanced na RPG game na available para sa iOS at Android devices kung saan namumukod-tangi ang bawat labanan. Ang larong ito ay nangangailangan ng matinding diskarte sapagkat pinagsama nito ang mga genre ng gacha at auto-battler. Ang pinakamapanghamong aspeto ng laro ay nakasalalay sa katotohanang ikaw, bilang isang manlalaro, ay walang kontrol sa kung ano ang maaari mong piliin sa mga tuntunin ng mga hero. Ang tanging kontrol ng manlalaro sa larangan ng digmaan ay ang kanyang mga Arcana card at ang kanyang kaalaman sa laro. Kabilang sa laro ang 139 heroes na mapagpipilian, 70 Arcana cards na tutulong sa pagbuo ng sarili mong deck, at maraming gaming mode kabilang na ang Story Mode, Quests, Arena, at Multiplayer. Walang masyadong mapagpipilian kung baguhan ka pa lamang sa laro, ngunit pinapayuhang tuklasin ang mga hero sa Tier 1 dahil mas marami silang HP at makakatulong sa mga kalaban sa mga unang stage ng laro.

Ang mga Arcana card na makikita sa laro ay magpapalakas sa lahat ng iyong mga hero anuman ang i-summon at patuloy na magbibigay ng tulong hanggang sa pagtatapos ng laro. Ang laro ay nakakatulong din sa iyong magpalit ng mga hero, at kahit na maraming magkakatulad na mga hero, maaari mong pagsamahin ang mga ito habang ikaw ay umuusad sa laro. Ang pagsasama-sama ng mga hero ay magiging tulay para sa higit na mga kasanayan, combo, at iba pang kakayahan. 

Maaari ring i-unlock ang feature na summon Arcana pagkatapos i-clear ang unang dalawang kabanata ng Story Mode. Ang unang Summon ay palaging magiging isang garantisadong 5-star Arcana bilang bahagi ng tutorial. Kunin ang Arcana summon ticket mula sa iyong in-game mailbox. Maaaring manood ng ads upang magpatuloy sa pag-summon para sa Arcana at maaari ring i-summon ito nang dalawang beses sa isang araw sa pamamagitan ng panonood ng mga ad. 

Samantala, ang mga kontrol sa larong ito ay magiging madali sa tulong ng tutorial. Kinakailangan lang i-tap ang hero na nais isabak sa labanan at pagkatapos ay i-tap ang isang partikular na lugar ng digmaan kung saan mo ito gustong manatili. Upang simulan ang laban, kailangan mong i-tap ang icon ng pagsisimula ng laban na matatagpuan sa tuktok na gitnang bahagi ng screen.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Arcana Tactics

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Ang Battle mechanics para sa Arcana Tactics ay hindi madali, bagkus ay nangangailangan ito ng atensyon ng manlalaro sa buong labanan. Sa Campaign Mode, mayroong stages na dapat buksan at laruin ang mga game level nito. Ang bawat stage ay nahahati sa maraming rounds, karaniwang mula 10-13 may huling 2-3 rounds na minarkahan bilang Boss round. Sa mga round na ito, makakaharap ang mga Boss na higit na malalakas at may matataas na statistics.

Para sa mga hero at hero fusion, mayroong walong pangunahing one-star hero na maaaring makuha sa simula ng bawat round. Ang mga hero na ito ay ang Swordsman, Archer, Rogue, Wizard, Cleric, Warrior, Lancer at Spirit. Ang mga one-star hero na ito ay isasama sa kapwa one-star heroes upang makagawa ng level-up na mga hero. Kapag pinagsama sila ay magiging two-star heroes na ang mga ito. Samantala, ang dalawang two-star heroes naman kapag pinagsama ay lilikha ng three-star hero. Ang chain na ito ay maaaring ipagpatuloy hanggang sa makalikha ng isang five-star hero. Ngunit hindi lahat ng heroes na may kaparehong mga star ay pwedeng pagsamahin. Gayundin, hindi pwedeng pagsamahin ang iyong mga hero sa mga hero na hindi mo pa pag-aari

Ang Arcana Tactics ay kadalasang nakatuon sa diskarte ngunit ang mga manlalarong may kakayahang gumastos ay mayroon pa ring kaunting bentahe dahil pwede nilang makuha ang kahit anong hero na gustuhin nila at maaaring magsagawa ng higit pang mga pagsasanib.

Ang Gems at Cubes ang dalawang pangunahing pera sa laro. Ginagamit ang gems upang bumili ng mga hero at ang mga cube naman ay nakakatulong sa iyong gawin ang lahat ng uri ng aktibidad sa laro. Makukuha ang mga currency na ito pagkatapos i-clear ang mga round wave at sa pagsisimula ng bawat round. 

Dagdag pa rito, sa kaliwang sulok ng itaas ng screen, lahat ng currency tulad ng mga gem at cubse ay available para makita at magamit. Ang sulok na ito ay nagpapakita rin ng mga pusong itinuturing bilang iyong mga HP point sa mga RPG. Mawawala sa iyo ang mga pusong ito kung ang iyong partido ay matalo ng isang wave ng kaaway. 

Ang diskarte ng isang balanseng alyansa ng mga hero ay susi sa pagkapanalo o pagpapanatili sa mga laban. Sa pamamagitan ng balanseng mga hero, makakasigurong magkakaroon ng mga hero na may iba’t ibang abilidad. Lubos itong kinakailangan dahil ang Arcana Tactics ay isang challenging at advance na laro kung saan kailangan mong gumawa ng mga split-second na desisyon dahil mayroon ka lang 60 segundo upang maghanda para talunin ang susunod na waves ng mga kalaban. Ang isang balanseng line-up ng mga hero ay kailangang mayroong isang healer, isang damage dealer, at isang frontline defensive tank para masigurong mapangalagaan ang koponan.

Sa kabilang banda, ang Specific Class Approach naman ay umaasa sa pagde-deploy ng mga magkauring hero habang ginagamit ang Arcana na nagpapalaki sa mga istatistika ng mga ito. Halimbawa, kung nakuha mo ang The Sun Arcana habang nagre-rerolling at nagpasyang panatilihin ang reroll na iyon, maaaring gusto mong isaalang-alang ang pagbuo ng all-swordsmen team. Maaari pang bumuo ng ibang diskarte ang mga manlalaro, ngunit siguraduhin lamang na hindi mailalagay sa panganib ang mga hero.

Saan Maaaring I-download ang Laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user at kailangang mai-download muna ang Android emulator sa PC para gumana ito. Maaari ring i-click lamang ang mga link sa ibaba:

Download Arcana Tactics on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gamevil.arcanatactics.android.google.global.normal&gl=us

Download Arcana Tactics on iOS https://apps.apple.com/us/app/arcana-tactics/id1521412306

Download Arcana Tactics on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/arcana-tactics-on-pc.html

Mga Feature ng Laro

  • Different types of Heroes – Ang larong ito ay binubuo ng mahigit 100 na mga hero kung saan ang bawat isa ay mayroong natatanging katangian at kapangyarihan.
  • Unlimited Battles – Ang mga labanan sa laro ay hindi basta-basta matatapos dahil ang bawat round ay binubuo ng mga game level.
  • Gaming Modes – Hindi lamang isa, o dalawang gaming modes, ang maaaring buksan at subukang laruin dito. Bawat isang game mode ay mayroong pagkakaiba pagdating sa mechanics ng laro.
  • Level up your own Hero – Binibigyan ka ng pagkakataon ng larong itong makalikha ng mas malalakas na heroes sa pamamagitan ng hero fusion.
  • Arcana Cards – Bukod sa mga hero sa laro, mayroon ding tinatawag na Arcana cards kung saan makagagawa ng isang pambihirang strategy sa laro ang isang manlalaro gamit ang summoning.

Pros at Cons ng Laro

Ang mga RPG ay sadyang mapanghamon, nangangailangan ang mga ito ng matinding pokus sa laro at matalinong estratehiya upang malampasan at maipanalo ang bawat laban sa lahat ng game modes nito. Ngunit ang Arcana Tactics ay higit na ginawang mas advance. Ibig sabihin, mas kumplikado at mas mahihirap lampasan ang mga challenge sa larong ito. Sa kabila nito, mas maraming mga manlalaro ang nae-enganyong laruin ito at masubukan kung hanggang saan ang makakaya nila sa pagharap sa mga laban. Bukod sa pagiging challenging ng laro, naniniwala ang Laro Reviews na ang Arcana Tactics ay isa sa mga RPG na may magagandang kalidad ng graphics, maging ang visual effects ay nakamamangha at lalo na ang tugtog na nililikha ng mga musika sa laro.

Sa kabilang banda, hindi pwedeng palampasin ang ilang negatibong katangian ng larong ito. Una, palaging nagkakaroon ng lagging sa laro kung saan hindi nabubuksan ang ilang game mode at hindi napipindot ang exit button nito. Mapipilitan din ang mga manlalarong gumastos ng totoong pera kung talagang gusto nilang malampasan ang lahat ng mga labanan sa larong ito sapagkat hindi kayang labanan ng kahit five-star hero ang mga big boss sa laro.

Konklusyon

Hindi maaaring itangging ang Arcana Tactics ay isang advance na laro na kailangang gamitan ng diskarte. Kung nais na mapanatiling higit na mas malakas ang mga hero na gamit sa laro, iminumungkahi ng Laro Reviews na gawin ang hero fusion at gamitin lamang ang mga gem sa mga mahahalagang pagkakataon. Kung baguhan pa lamang sa mga RPG, mas makabubuting maglaro muna ng mga hindi advance na laro upang maging pamilyar sa mga dapat gawin sa oras na humaharap na sa isang labanan. Gayunpaman, kung nais mong patunayang handa ka na sa anumang laban, i-download na ang Arcana Tactics sa inyong mga device.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...