Idle Legend – 3D Auto Battle RPG Review

Ang Idle Legend- 3D Auto Battle RPG ay isang idle RPG strategy game na may chess gameplay na maghahatid sa mga manlalaro ng isang pambihirang karanasang tiyak na hindi pa natamasa sa ibang mga laro. Pangunahing layunin sa larong ito ang kolektahin ang mga hero card, bumuo ng sariling hukbo, gumawa ng mga diskarte at labanan ang pinaka mapanganib na mga kaaway! Susubukin ng larong ito ang galing ng isang manlalaro na gumawa ng iba’t ibang kombinasyon upang palakasin ang lakas ng koponan. Dapat sulitin ang bawat espasyo ng chess at gamitin nang mahusay ang natatanging Synergy system upang ihatid ang iyong koponan sa rurok ng tagumpay!

Nilikha ng DroidHen ang larong ito sa Google Play Store at iOS App Store na nagtatampok ng mahigit sa 60 heroes at inuri sa apat na paksyon: Enlighteners, Eclipsers, Leyline Folks, at Legendary. Ang lahat ng mga hero na ito ay may limang magkakaibang class: common, rare, elite, epic at legendary. Ang mga legendary at epic ay mahusay para sa huling laro.

Sa karagdagan, ang Idle Legend – 3D Auto Battle RPG ay isang bagong hero collection RPG. Sa larong ito, dapat bumuo ng isang pangkat ng mga hero upang labanan ang mga kampon ng mga halimaw at panoorin silang paslangin nang walang awa ng iyong mga hero. Sa kalaunan, lalong lumalakas ang mga kalaban habang umuusad ka sa laro at sa lalong madaling panahon makikita mo ang iyong sariling nahihirapan sa paggapi sa mga kaaway, kaya kailangan mong tiyaking ang iyong koponan ay binubuo ng malalakas na uri ng heroes sa pamamagitan ng pag-upgrade sa kanila palagi, paggamit ng mas mahusay na gear, o pagpapalit ng mga mahihinang hero sa mas malalakas.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Idle Legend – 3D Auto Battle RPG

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang ilang tips at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Sa pagharap sa iba’t ibang mga kaaway, siguraduhing mayroon kang pinakamahusay na mga hero sa iyong line up. Ilagay ang iyong mga tangke sa harap at isang kombinasyon ng mga salamangkero, mandirigma, assassin, at pari sa likod na linya. Karaniwang umaatake ang mga kalaban sa harap, na nagbibigay ng maraming pagkakataon sa iyong mga hero sa likurang linya upang magbigay-pinsala sa mga kalaban. Gayunpaman, mayroon ding mga kalabang partikular na nagta-target ng mga hero sa backline, kaya ilagay ang iyong hero na may pinakamataas na damage rating sa 6th slot dahil malaki ang pagkakataong ang posisyong ito ang huling mapapatumba sa laro.

Kapag nagsisimula bilang isang bagong manlalaro, hindi ka pa magkakaroon ng maraming mga hero dahil wala ka pang sapat na mga mapagkukunan upang mag-recruit ng mga mas malalakas na hero, ngunit kapag nagkaroon na ng maraming mga hero na mapagpipilian, mahalagang mapanatiling balanse ang iyong koponan sa pamamagitan ng pagpili lamang ng mga hero na nagtataglay ng higit sa karaniwang kakayahan at may iba’t ibang kapangyarihan lalo pa’t hindi mo malalaman kung anong klaseng kalaban ang makakaharap sa laro. Palaging magkaroon ng hindi bababa sa dalawang tangke sa harap na linya, ngunit iwasang maglagay ng salamangkero sa harap na linya dahil sila ang kadalasang target, kaya sila ay mamamatay bago pa makapagsagawa ng sapat na pinsala sa mga kalaban

Dagdag pa rito, magkakaroon ka lamang ng 3-star at 2-star heroes sa simula ng laro kaya dapat mong palitan ang anumang hero na mayroong mas mababa sa tatlong stars sa lalong madaling panahon. Kapag nabuo mo na ang iyong koponan, kailangan mong unahin ang pag-a-upgrade sa kanila. I-tap lang ang icon ng helm sa ibabang bahagi ng screen, dahil ilalabas nito ang listahan ng mga hero na mayroon ka. Ang pag-tap sa isang hero ay maglalabas ng impormasyon nito pati na rin ang opsyong Train and change Gear. I-tap ang upgrade button ng Train tab para i-level up ang napili mong hero gamit ang War Soul. Maaaring kolektahin ang mga War Soul sa kalagitnaan ng laro.

Tandaan ding ang pagli-level up sa bawat hero ay may limitasyon. Kapag naabot mo na ang limitasyong iyon, kailangan mong mag-rank upang patuloy na mag-level up. Ang up-ranking ay nagbubukas din ng mga karagdagang kasanayan para sa iyong hero depende sa kanyang star rating. Ang pag-upranking ay nangangailangan ng mga Green Soul. Medyo mahirap itong kolektahin dahil kaunti lang ang makukuha mo sa bawat pagkakataon.

Ang isang bagay na dapat pang tandaan sa pag-level up ng mga hero ay ang pag-iwas sa pag-uprank sa mga hero na mayroon lamang tatlong stars o mas mababa kaya mas mabuting palitan na lang sila ng mas mahuhusay na hero sa lalong madaling panahon. 

Sa kabilang banda, ang isa pang paraan upang palakasin ang iyong koponan ay ang magkaroon ng pinakamahusay na mga Gear. Pinapadali ito ng laro sa pamamagitan ng pag-notify sa’yo kung kailan available ang mas mahusay na kagamitan para sa iyong hero. Makakikita ka ng pulang tuldok sa tab na Gear ng isang hero. Mabilis mong maisusuot ang lahat ng pinakamahusay na kagamitan para sa bawat slot sa pamamagitan ng pag-tap sa button na Multiwear sa ibaba ng screen ng Gear.

Maaari kang makakuha ng mas mahusay na kagamitan mula sa iba’t ibang mga Event Reward. Ngunit pwede ring bumili ng mas mahusay na gear mula sa mga shop sa laro, ngunit makakukuha ka pa rin ng maraming mga gear bilang mga drop mula sa mga yugto ng iyong pakikipaglaban. Tumataas ang level ng iyong manlalaro sa pamamagitan ng idle play dahil ito ang pangunahing pinagmumulan ng karanasan ng manlalaro. Marami sa iba’t ibang feature ng Idle Legend – 3D Auto Battle RPG ang naka-lock sa likod ng level ng iyong player. Bukod doon, marami pang ibang lugar na pinagdarausan ng labanan ang naka-lock hanggang sa maabot mo ang kinakailangang level para mabuksan ang mga ito.

Features ng Idle Legend – 3D Auto Battle RPG

  • Casual Idle Gameplay na Tumutulong sa Pagkolekta ng mga Mapagkukunan Offline – Kung sawa ka na sa mga larong mayroon lamang limitadong game features, kalimutan na ang mga iyon at subukan ang Idle Legend – 3D Auto Battle RPG kung saan siguradong madaling makakuha ng Gold, Rewards, Equipment at iba pang mga collectible kahit offline. Ang larong ito ay tiyak na magbibigay ng walang kasing sayang karanasan sa lahat ng mga manlalaro nito.
  • Mga Nakakatuwang Arena kung saan Nagkukumpetensya ang mga Pandaigdigang Manlalaro sa Isa’t Isa – Maaari kang makipaglaban sa mga adventurer mula sa iba’t ibang mundo sa Arena. Manalo ng mga reward gamit ang iyong mga diskarte, o durugin lang ang lahat ng kalaban gamit ang iyong kapangyarihan! Maghari at siguraduhing tatatak ang iyong pangalan sa kasaysayan.
  • Ang Mabilis at Madaling Laruin na Idle Game – Ipatawag at i-upgrade ang mga hero, palakasin ang bawat hero sa loob ng chess at hintaying lumabas ang kanilang mga natatanging abilidad sa takdang panahon.
  • Mahuhusay at Maramihang Gameplay ang Naghihintay sa Iyong Paggalugad– Pumasok sa Rift of Time para mangalap ng Titan’s Artifacts, umakyat sa Infinity Tower para sa walang tigil na hamon, tanggapin ang mga quest ng Bounty Board at labanan ang Guild Boss para sa maraming kayamanan.
  • Iba’t ibang Hero Combinations na Hinahamon ang Iyong Strategic Wisdom – Ang larong ito ay isang malaking larangan ng digmaan kung saan higit sa 60 mga hero ang nagpapakita ng kanilang mga natatanging kakayahan. 10 Class Synergies, 12 Race Synergies, at daan-daang kumbinasyon ng mga hero ay nasa iyong mga kamay. 

Mga makapangyarihang Idle Legend:

  • Angelina – Isang Legendary Hero, may Synergy bilang isang tao at pari. Ang natatanging item nito ay Blades of Fury. Samantala, ang skill naman nito ay nagiging Seraph form at nagbibigay ng karagdagang HP. Ang pinsalang nakukuha ay nababawasan din, ang mga rating ng pag-atake ay tumataas at nagdudulot ng splash damage sa mga kalaban;
  • Cannon – Legendary Hero, may Synergy bilang Dwarf at Craftsman at may natatanging item na Hellfire Missile. Gayundin, may napakalaking pinsala sa target at AoE DMG;
  • Behemoth – Legendary Hero na may Synergy bilang isang Hayop at Mangangaso. Nagtataglay ito ng Deadly Gladiator’s Necklace at may kakayahang magbigay ng magic damage sa mga kaaway at stun effect;
  • Superbia – Legendary Hero na may Synergy na isang Demonyo at Knight. May bitbit itong Inferno Battle Axe na kayang lumikha ng malalaking pinsala sa mga kalabang makakaharap sa attack path;
  • Tempess – Legendary Hero at may Synergy na Dragon, Undead III at Spell Eather. Kaya nitong lumikha ng ambon at nagdudulot ng pinsala sa mga kaaway na nakulong dito.

Saan Maaaring I-download ang Laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user at kailangan namang i-download ang Android Emulator sa PC para gumana ito. Gamitin ang mga link sa ibaba:

Download Idle Legend – 3D Auto Battle RPG on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.droidhen.idlechess

Download Idle Legend- 3D Auto Battle RPG on iOS https://apps.apple.com/us/app/idle-legend-3d-auto-battle-rpg/id1476788406

Download Idle Legend- 3D Auto Battle RPG on PC https://www.mwallpapers.com/apps/role-playing/com.droidhen.idlechess/download-for-pc-windows-mac

Pros at Cons ng Laro

Napakaraming RPGs sa ngayon na pwedeng pagpilian sa mga gaming store. Subalit, buong pusong naniniwala ang Laro Reviews na tinataglay ng Idle Legend – 3D Auto Battle RPG ang maraming magandang katangian ng isang RPG na mahirap mahanap sa ibang mga laro. Mula graphics hanggang sa mga pagpipiliang hero, tiyak na magugustuhan ng mga manlalaro ang mga ito. Bukod pa rito, marami ring paraan upang makakuha ng maraming diamonds at gold coins na magagamit sa pag-upgrade ng weapons at abilities ng mga hero.

Bilang karagdagan, hindi ka rin bibiguin ng control ng laro sapagkat ito ay napakadaling gamitin. Gayundin, ang isa pa sa mga bagay na lalong nagpapatingkad sa kulay ng laro ay ang pagkakaroon nito ng napakagandang music background na tiyak na ikamamangha ng mga manlalaro. Hindi rin ipagkakait ng laro sa iyo ang isang pambihirang pagkakataon na makalikom ng maraming in-game currency upang magamit mo sa pag-upgrade ng iyong heroes at weapons.

Sa kabilang banda, ilan sa mga negatibong katangian na napansin ng Laro Reviews sa larong ito ay ang palaging pagkakaroon ng bugs, masyadong matagal ang loading ng laro bago ito mabuksan at ang pinakanakakadismaya sa lahat ay ang pagkawala ng progress sa laro kahit hindi naman nagpapalit ng device na ginagamit. Maliban pa rito, kung baguhan ka palang sa RPG, tiyak na mahihirapan ka sa paglalaro lalo na’t sa tingin ng Laro Reviews ay hindi beginner-friendly itong laro.

Konklusyon

Hindi maitatangging ang RPG ay isa sa mga uri ng mobile game na patuloy na namamayagpag sa loob ng mahabang panahon. Tinataglay ng mga larong ito ang magagandang game feature kagaya ng mga gaming mode at iba’t ibang klase ng mga hero na pwedeng pagpilian. Kung hindi pa nasusubukang maglaro ng RPG, ito na ang senyales na dapat mo nang subukang maglaro nito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...