Asphalt 9: Legends Review

Dadalhin ka ng Asphalt 9: Legends sa kakaiba at makatotohanang kompetisyon ng karera sa pamamagitan ng iyong smartphone. Maghanda nang kolektahin ang lahat ng mga nakakamangha at maalamat na mga kotse mula sa mga sikat na brand. Talunin ang lahat ng iba pang magagaling na manlalaro sa buong mundo at layuning maging mas magaling at mabilis sa kanila! Kumarera tulad ng isang propesyonal na racer gamit ang intuitive virtual na kontrol at mag-drift hangga’t gusto mo. Ang iyong tagumpay ay nasa iyong mga kamay! Ngayon, simulan na natin ang karerang ito at lumikha ng sarili mong paglalakbay.

Ano ang layunin ng laro?

Magmamaneho ka ng kotse at makikipagkumpitensya sa iba pang mga racer sa larong ito. Magsisimula ang karera sa loob ng tatlong segundo, at bawat isa sa inyo ay magsisikap na maabot ang finish line. Ang layunin ng laro ay nag-iiba batay sa level o mode. Kaunting payo lamang para manalo, i-upgrade ang mga katangian ng iyong sasakyan upang magkaroon ng kalamangan sa iba pang mga manlalaro. Dadalhin ka sa makatotohanang mga lungsod kung saan gaganapin ang karera. Ihanda muna ang iyong sarili, pagkatapos ay simulan na ang karera. Gamitin ang nitro speed boost at talunin silang lahat!

Paano ito laruin?

Sa Asphalt 9: Legends, magagawa mong magmaneho ng mga sikat na brand ng kotse mula sa mga kilalang manufacturer. Nag-aalok ang larong ito ng makatotohanang mga kotse at lokasyon, pati na rin ang isang magandang karanasan. Huwag mag-alala kung ikaw ay isang baguhan! Tinitiyak sa iyo ng Laro Reviews na ang lahat ay simple rito, mula sa mga kontrol hanggang sa mga feature. Bibigyan ka namin ng kaalaman sa gameplay nito para makakuha ka ng ideya. Sa una, magsisimula ka sa isang pagsasanay o tutorial bago pumasok sa isang tunay na kompetisyon. Sasaklawin nito kung paano mo imaniobra ang kotse at iba pang feature, kabilang ang mga upgrade at layunin nito.

Mayroon lamang ilang mga kontrol na nasa screen, kabilang ang manibela at ang icon ng nitro. Ang pindutan ng manibela ay ginagamit upang mag-drift, at ang bawat drift ay nagre-recharge ng nitro speed. Kailangan mo lang hawakan ang manibela para mag-drift. Siyempre, ang manibela ay ginagamit din upang baguhin ang direksyon ng iyong sasakyan. Para ma-activate ang nitro speed boost, i-tap lang ang nitro icon. Bibigyan ka nito ng pansamantalang speed boost. Posible rin dito ang mag-upgrade, na nakakatulong sa iyong pagbutihin ang mga istatistika ng kotse gaya ng speed, handling, acceleration, at nitro. Bukod dito, ang laro ay interactive, maaari kang maglaro ng multiplayer mode. Manalo sa bawat karera at magkakaroon ka ng pagkakataong manalo ng maraming premyo!

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Asphalt 9: Legends sa Android devices ay dapat Android 7.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 13.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay nag-iiba sa device at 2.7 GB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Asphalt 9: Legends on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gameloft.android.ANMP.GloftA9HM

Download Asphalt 9: Legends on iOS https://apps.apple.com/ph/app/asphalt-9-legends/id805603214

Download Asphalt 9: Legends on PC https://www.bluestacks.com/apps/racing/asphalt-9-legend-2018-new-concept-arcade-racing-game-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Larong Asphalt 9: Legends

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng Asphalt 9: Legends pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Asphalt 9: Legends!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Asphalt 9: Legends

Sa seksyong ito, hayaan kaming magbahagi ng ilang diskarte sa kung paano mo maaabot at matutupad ang mga layunin ng laro nang mas epektibo. Ang Laro Reviews ay nalulugod na naging interesado ka sa larong ito at naghahanap ng ilang diskarte upang matulungan kang manalo. Wala nang patumpik-tumpik pa, pumunta tayo sa pangunahing diskarte sa paglalaro nito.

  1. Maging maingat habang nagmamaneho. Kahit sa totoong buhay, ang pagmamaneho nang maingat ay mahalaga. Kung patuloy kang maaaksidente at nabababanga sa mga hadlang sa kalsada, tiyak na magpapabagal ito sa iyong bilis.
  2. Kung may pagkakataon ka, mag-drift. Ang bawat drift ay nagre-refill ng iyong nitro booster. Tulad ng aming nasabi, ang nitro ay nagbibigay ng pansamantalang bilis
  3. I-activate ang nitro boost sa pinakamabisang sitwasyon.
  4. Ang isa sa pinakamabisang paraan para manalo ay ang palakasin ang mga katangian ng iyong sasakyan gaya ng speed, acceleration, handling, at nitro. Ito ay tiyak na magbibigay sa iyo ng malaking kalamangan sa karera.
  5. Panghuli, magsaya habang nakikipagkarera. Sa halip na i-pressure ang iyong sarili, maglibang lamang sa paglalaro. Ito ang magtutulak sa iyong magpatuloy pa sa paglalaro nito.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Asphalt 9: Legends

Narito kami upang ibahagi ang aming mga karanasan habang naglalaro kami nito. Lumalabas na ang laro ay talagang napakahusay at nag-aalok ng kamangha-manghang karanasang magugustuhan ng lahat. Kabilang dito ang mga intuitive na virtual na kontrol, nakakamangha at makatotohanang mga feature, at kapanapanabik na mga karerahan! Sa totoo lang, sinubukan naming laruin ito sa isang low-end na device at gumagana ito nang maayos, kahit na kumukuha ito malaking space sa iyong storage device. Siyempre, dapat mong asahan ito dahil naglalaman ito ng mga makatotohanang aksyon sa karera at mga dynamic na lokasyon. Ito ay parehong immersive at interactive. Mayroong din itong multiplayer mode at nakakatulong sa iyong makipagkarera laban sa iba pang mga manlalaro.

Pagdating sa mga visual nito, namangha kami sa kung gaano ito makatotohanan sa screen. Ang mga kalsada, mga sasakyan, at mga lokasyon ay sobrang detalyado at kapanipaniwala. Wala kaming ibang masasabi tungkol dito kundi “wow!”. Ito ay ganap na kahanga-hanga. Ang mga sound effect ay mahusay din. Napakatumpak ng mga tunog ng mga sasakyan at background music, na nagbibigay ng nakakaengganyong karanasan.

Ang isang aspeto ng larong ito na hindi namin nagustuhan ay ang napakaraming ads. Nakakainis sila dahil sa paulit-ulit itong lumalabas sa i-screen. Kung gusto mong tanggalin ang mga ito, kailangan mo pang magbayad. Higit pa rito, nangangailangan ito ng malaking space sa storage ng iyong smartphone. Oo, naiintindihan ito dahil nagbibigay ito ng mataas na kalidad ng graphics, ngunit nangangailangan ito ng maraming space. Kailangan mo ngayong magdesisyon at pumili kung aling mga app ang ia-uninstall upang ma-download ito. Sa pangkalahatan, ito ay isang mahusay na racing game app na mabilis kang mahuhumaling.

Konklusyon

Kung naghahanap ka ng isang nakakaengganyong racing game, lubos naming inirerekomenda na subukan mo ang isang ito. Tiyak na magugustuhan mo ang mga visual, lalo na ang intuitive na kontrol nito na perpekto para sa mga nagsisimula o baguhang manlalaro. Magmadali at simulan na natin ang karera!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...