Big Win Island Golf Club in Canada

Isa ka ba sa maraming nagnanais na makaranas ng marangyang bakasyon kung saan maaari kang makapag-relax at mag-enjoy kasama ang iyong minamahal, mga kaibigan, katrabaho o kaya ay ang buong pamilya? Sa dami nga naman ng mga pinagdadaanang hirap at pagsubok ng marami sa atin, nararapat lang na mag-relax at mag-enjoy din paminsan-minsan. At isa na marahil sa pinakamabisang paraan para magawa ito ay ang pagbabakasyon sa ibang lugar. Tuklasin ang isa sa pinakasikat na country club sa Canada – ang https://bigwinisland.com/ Golf Club na matatagpuan sa Muskoka, Ontario. Isa itong eksklusibo at pribadong Club and Cottage Community sa nasabing bansa. 

Nasasabik ka na bang malaman kung anu-ano pa ang pwedeng gawin sa lugar na katulad nito? Samahan ang Laro Reviews na tuklasin ang sports facilities at relaxing amenities na inaalok ng golf and country club na ito. 

big win island golf

Ano Ang Big Win Island Golf Club at Saan Ito Matatagpuan? 

Ang Big Win Island Golf Club ay isang dinarayong bakasyunan hindi lamang ng mga lokal na mamamayan ng Ontario, Canada, pati na rin ng mga turista mula sa iba’t ibang bansa. Higit na patok ito sa mga mahilig sa golf at sa mga nagnanais mamasyal at magbakasyon sa isang payapa at tahimik na lugar. Dito ay magagawa nilang pansamantalang iwanan ang gulo at ingay ng siyudad at mag-relax sa payapa at natural na ganda ng kalikasan. 

Bawat taon, ito ay napapabilang sa listahan ng highly-rated golf courses sa Canada at itinatampok din sa lifestyle websites at magazines. Sa katunayan, minsan na rin itong nabansagan bilang pinakamarangyang summer resort sa buong North America. 

Maglaro at Mag-enjoy Big Win Island Golf Club

Ang Big Win Island Golf Course ay may Exclusive Equity Membership Club na binubuo ng hindi hihigit sa 260 members. Sa 520 ektaryang lupain na ito sa Muskoka terrain, makakapaglaro ang mga golfer ng 18-hole round sa isang world-class golf course na dinisenyo ni Doug Carrick na mismong may-ari ng Carrick Design Inc. Isa ito sa mga sikat at nangungunang golf course architectural firm sa Canada. Ang bawat golf hole rito ay nagbibigay ng kakaibang hamon para sa mga manlalaro. Bagay ito sa mga magkakabarkadang nagbabalak sumabak sa golf trips o para sa mga grupo o organisasyon na nais magtanghal ng mga golf clinic. Mayroon din ditong full length practice range na may target greens at bent grass tee deck. Para sa mga hindi myembro ng golf club o sa mga nais dumayo, mas mainam na mag-book ng schedule sa paglalaro sa mga buwan ng Hunyo hanggang Oktubre. Nagiging limitado kasi ang availability ng golf course tuwing sumasapit ang buwan ng Hulyo at Agosto. Tandaan lang na kailangang sumunod ang mga manlalaro sa standard golf attire na ipinapatupad ng club management. 

Bukod sa ipinagmamalaking golf course, may iba pang sports facilities na pwedeng ma-enjoy sa BigWin Island. Mayroon din ditong magarang tennis at basketball court para sa lahat. Malaya rin ang mga manlalaro na gumamit ng power carts, locker rooms, bag storages at iba pang sports equipment. 

Magbakasyon at Mag-relax 

Kung ikaw naman ang tipong hindi mahilig sa sports at ang hanap mo ay isang lugar kung saan pwede kang mag-relax at mag-enjoy, ang BigWin Island din ang sagot dito. Mamangha at mag-enjoy sa maaliwalas at mapayapang Port Cunnington Lodge sa Lake of Bays. Iba’t ibang aktibidad din ang maaaring gawin dito tulad ng corporate retreats, kasal, birthdays at iba pa. Hinding-hindi ka magsisi dahil sa sulit na resort-style amenities at services na inaalok dito tulad ng free parking and valet services, cottages, high-class cabin accommodations, boat rides, marine shuttles at iba pa.

Hindi rin magpapahuli ang Big Win Island Golf pagdating sa iniaalok nitong kakaibang culinary at dining experience. Ang ipinagmamalaking Marine Dining Room ay may marangya at malawak na disenyong angkop para sa mga pangmalakihang family, company o group gatherings. Para naman sa mas romantic at intimate na dining experience, mayroon ding mga dockside lounge at grill kung saan ma-eenjoy ng mag-partner ang romantikong tanawin ng Lake of Bays, lalo na sa gabi. Hindi rin syempre magpapahuli ang lugar na ito pagdating sa mga espesyal na gourmet dishes at vintage wines na inihahanda ng kanilang award-winning culinary team at pinamumunuan ng isang sikat na chef. Higit sa lahat, tiyak na magiging espesyal ang karanasan mo rito dahil sa mga mababait at matutulunging staff. Sisiguraduhin nilang magiging kaaya-aya at hindi mo pagsisisihan ang iyong magiging bakasyon. 

Samantala, kung hindi mo naman kayang gumastos ng malaking pera para sa mga lugar na katulad nito, huwag malungkot at panghinaan ng loob. May ibang paraan para makapag-enjoy nang hindi mo na kinakailangang mangibang-bansa. Kung mahilig ka sa mga casino game tulad ng slots, Tongits, Pusoy, Pusoy Dos, Color game at iba pa, hanapin at i-download ang Big Win Club app sa iyong Android o iOS smartphone. Ito ay isang lehitimong online mobile casino app kung saan ay maaari kang tumaya at manalo ng totoong pera. Malay natin, swertehin ka at manalo ng malaking halaga. Baka ito na ang iyong pagkakataong manalo ng perang panggastos para sa isang magarang bakasyon.

Konklusyon

Hindi maikakaila na ang Big Win Island Golf Club ay isang marangya at kahanga-hangang lugar para maglibang, maglaro ng sports tulad ng golf at mag-relax. Dahil sa mahusay at magandang serbisyo nito ay patuloy itong dinarayo. Ang mayamang kasaysayan ng lugar at dining hall nito, ang malawak na Muskoka terrain, ang malinis at kaakit-akit na Lake of Bays at paligid nito ay talagang makapigil-hininga. Sino ba naman ang hindi nagnanais na mapuntahan ang ganito kagandang lugar? Sa kasamaang palad, hindi natin maikakaila na malaki ang halagang kapalit ng magarbong accomodations at amenities na nabangggit. Hindi masamang gumastos para mag-enjoy at magbakasyon. Sa katunayan ay talagang nakakatulong ito hindi lamang sa kalusugan, pati na rin sa ating mental well-being. Kaya hangga’t may pagkakataon at kung kaya naman ay huwag nang mag-alinlangan na gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa’yo. Subalit, kung hindi kaya ng bulsa ay huwag pilitin, pwede ka rin namang tumuklas ng iba pang aktibidad na pwedeng pagkaabalahan o kaya ay maghanap ng mas malapit na mga lugar na swak sa budget. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...