Wild Frames Big Win Slot Review

Ang Wild Frames Big Win ay ang pinakabagong grid slot hatid ng Play’n GO para sa mga manlalaro na mahilig nito. Pinagsasama nito ang mga nakakabilib na pangkaraniwang modernong feature at gameplay sa isang vintage fruit slot na ambiance at mga simbolo. Sa mga dating grid slot ng Play’n GO ay mayroon itong ilang kamangha-manghang mga roll noong ginamit ang cluster system para sa konsepto ng cascading winnings. Kapag nagdagdag ka ng maraming feature at variable tulad ng Charge Meter, ang volatility ay katumbas lamang ng mga posibilidad na reward. Maaaring may kakaibang itsura ang Wild Frames, ngunit matutuwa ang mga tagahanga o manlalaro nito na malaman na naglalaman ito ng mga bagay na nagpaganda sa mga nakaraang grid slot. Kaya patuloy lamang sa pagbabasa ng artikulo na ito ng Laro Reviews upang malaman ang tungkol sa larong ito.

Paano laruin ang Wild Frames Big Win?

Isang nakakamanghang laro ang Wild Frames. Sa katunayan ay madali lamang itong laruin. Ito ay mayroong isang 7×7 grid, at ang layunin ng laro ay lumikha ng cluster na may limang simbolo o higit pa upang manalo. Lahat ng mga simbolo na matatagpuan mo rito ay base o magkatulad sa mga klasikong slot at mga icon sa casino. Isang Lucky 7, isang golden bell, isang diamond at isang star, isama mo na pati na ang apat na icon ng card suit.

Ang mga cluster ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkonekta ng magkakatulad o magkakaparehas na mga simbolo ng patayo man o pahalang, sa anumang hugis o direksyon. Kapag nabuo na ang isang cluster, magbibigay ito ng premyo o reward at kusang mawawala sa grid, at ang mga bagong simbolo ay lalabas upang palitan ang mga ito.

Diskarte sa Paglalaro ng Wild Frames Big Win

Upang magkaroon ng mga cluster sa Wild Frames Big Win, ang kumikinang na Wild W ay maaaring lumabas sa grid at pumalit para sa anumang simbolo. Ang mga Wild ay random na lumalabas at maaaring makasama sa isang non-winning spin, para subukan at makabuo ka ng mga cluster.

Kapag lumabas ang isang Wild, gagawa ito ng frame sa anumang posisyon sa grid, na mananatili roon hanggang sa makumpleto ang lahat ng cascades. Kung ang isang Wild ay nag-cascade mula sa isang posisyon patungo sa isa pa, lilikha rin ito ng isang frame sa bago nitong posisyon. Kung ang isang Wild ay nag-cascade sa isang frame na nasa grid na, magbibigay ito ng multiplier sa frame na iyon. Kung mas maraming Wild ang lumabas sa frame, mas tumataas ang multiplier.

Kasama rin sa Wild Frames Big Win ang isang Charge Meter na sinisingil ang bilang ng mga simbolo sa loob ng mga nanalong cluster sa isang round ng laro Mas maraming simbolo sa isang cluster, mas mataas ang singil sa meter! Para sa bawat dalawampung pagsingil na makukuha mo, kapag wala ka nang mga maipanalo o mabuo sa grid, mag-a-unlock ka ng isang espesyal na feature upang makatulong na makabuo pa ng mga panalo. Hindi lang iyon kundi ang anumang Wild sa grid na bumubuo ng higit sa isang cluster ay bibilangin para sa bawat cluster na bahagi sila, kaya kung ito ay bumubuo ng tatlong cluster, ito ay magdaragdag ng tatlong singil sa metro.

Ang mga Espesyal na Feature

Ito ang mga sumusunod na espesyal na feature sa Wild Frames Big Win na kailangan mong malaman:

  1. 20 na charges 

Transform: Ang lahat ng HP ay magbabago sa isang HP

  • 40 na charges

Wildcard: 3-6 na Wild ay random na lalabas sa grid

  • 60 na charges

Shatter: Ang lahat ng mga simbolo ng LP ay tatanggalin, na magsisimula ng isang cascade.

Kung umabot ka ng hindi bababa sa 80 na charges, mati-trigger mo ang pangunahing feature ng Wild Frames. Maaari mo ring i-overcharge ang metro at para sa bawat sampung charge na higit sa 80 na matatanggap mo, dalawang dagdag na frame ang idadagdag sa grid. Ang una ay nasa isang bagong posisyon at ang pangalawa naman ay ilalagay sa isang existing na frame, na tiyak na magpapataas ng multiplier nito.

Kaya naman kapag na-trigger ang https://www.bigwinboard.com/wild-frames-playn-go-slot-review/, ang anumang mga simbolo sa ilalim ng mga frame sa grid ay gagawing Wild, at pagkatapos nito makumpleto ang lahat ng cascades, ang anumang mga frame na may multiplier ay magpaparami ng anumang panalo kung saan sila bahagi. Kaya, ano pang hinihintay mo? Oras na para mag-Wild!

Pros at Cons sa Paglalaro

Ang Wild Frames ay hindi ganoon kapana-panabik na kahit na maayos nitong pinagsama-sama ang mga feature. Ang tema ay generic o common na para sa mga ganitong klase ng grid slot at hindi halos kasing-orihinal gaya ng ilan sa iba pang mga handog ng grid slot mula sa Play’n GO. Ang klasikong itsura nito ay maaaring makahikayat ng ilang mga bagong manlalaro ng ganitong uri ng modernong gameplay. Ang lahat ng iyong inaasahan mula sa mga grid slot kagaya nito ay tiyak na matatagpuan o masisiyasat mo rin dito.

Ito ang mga bagay na ikatutuwa mo mula sa paglalaro nito. Mayroon itong tatlong reel modifiers, hanggang anim na wild ang random na lalabas sa losing spins, bonus meter charge na may wild frame feature, mataas na volatility, at may potensyal kang manalo hanggang 7,000x max. Isa lamang ang nakakadismaya dahil ito ay walang free spins. Ito lamang ang aming pagsusuri sa larong ito at nasa sa iyo na kung ito ay gusto mong subukan o hindi. Ang laro ay hindi kumplikado at tiyak mong ikakalibang ang paglalaro nito. Maging maingat lamang sa pagtataya at iwasan ang pagkahumaling upang hindi umuwing luhaan. 

Konklusyon

Ang Wild Frames Big Win ay mahusay na naibalanse ang lahat ng feature na nilalaman nito sa kabila ng mataas na volatility nito, ngunit maaari ka pa ring makatanggap ng parusa o gantimpala. Sa ganoong sitwasyon, maging handa para sa isang emosyonal na pangyayari at mga bankroll na maaaring mawala o tumaas sa isang iglap lamang. Maaaring hindi kapana-panabik ang tema gaya ng ilan sa iba pang mga alok nito para sa mga manlalaro, ngunit kung gusto mo ng mga grid slot game, hindi ka maaaring mabigo sa isang ito.

Isa ring magandang alternatibong laro para sa mga Pilipino ay ang larong Big Win Club app. Naglalaman ito ng iba’t ibang laro na maaari mo ring matagpuan sa casino. Ito ay malalaro mo na sa iyong device at hindi mo na kinakailangan pang lumabas ng bahay para magsaya sa paglalaro ng mga casino games.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...