Breaker Fun – Rescue Adventure Review

Ang Breaker Fun – Rescue Adventure ay isang brick breaker na larong gawa ng Mogame. Isang kakaiba at makabagong twist ng klasikong brick at ball game, isama pa ang isang adventurous na kwento ng isang pambukid na camping. Kumpletuhin ang bawat kabanatang may mga installment upang mabuo ang iyong campsite at magtagumpay. Tumungo sa isang mundo ng palaisipan at iligtas ang lahat sa iyong paglalakbay sa libreng offline na arcade game na ito. Hangad mo ba ang masilakbo, makulay at nakakaganyak na karanasan sa paglalaro? Matuto mula sa artikulong itong hatid ng Laro Reviews.

Mga Tampok sa Laro

Ang Breaker Fun – Rescue Adventure ay gumagamit ng isang pamilyar na sistema ng kontrol sa screen. Mayroong dose-dosenang mga brick na may numerong nagsasaad kung gaano karaming beses ang isang bola ay dapat tumama sa kanila upang sila ay masira. Itutok ang ball pistol sa pamamagitan ng paggalaw ng iyong daliri sa ibaba ng screen. Kapag binitawan mo ang iyong daliri, ang mga bola (nagsisimula sa limampu na maaaring madagdagan nang higit pa) ay sasabog sa direksyong iyong aasintahin at sisirain nito ang bawat brick kung saan nakatuon ang mga bola. Ang mga bola ay tatalbog sa anumang bricks na kanilang dinaraanan. Kaya para masira ang isang brick na may halagang 50, hindi bababa sa 50 bola ang dapat tumalbog dito. Ang pagsabog ng mga bola ay magpapatuloy, tatalbog sa lahat ng bagay, o maa-absorb kapag hahawakan ang ibaba ng screen, o kaya babalik sa ball gun kung hindi ito nakatutok nang maayos.

Pagkatapos makumpleto ang isang level, maaari kang bumalik sa kampo kung saan naghihintay ang pangunahing tauhan upang mabigyan ng mga installment. Doon, maaari mong i-upgrade ang tent, linisin ang espasyo, o pagkatapos makumpleto ang senaryong iyon, lumipat sa ibang lokasyong may mas magandang pasilidad.

Paano i-download ang Breaker Fun – Rescue Adventure? 

Para sa mga gumagamit ng Android, maaari mo itong i-download sa Google Play Store. I-type ang Breaker Fun – Rescue Adventure sa search bar, pagkatapos ay i-install ang laro nang libre. Available rin ito sa iOS. Para mag-download, buksan ang App Store at hanapin ang Breaker Fun – Rescue Adventure. Kung gusto mo namang laruin ito sa PC, pwede mo itong i-download mula sa https://www.gameloop.com/ph/. Hanapin lamang ang larong ito sa Gameloop at i-download. Para sa mas mabilis na pag access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.

Download Breaker Fun – Rescue Adventure on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bricksbreaker.balls.crusher.bricks

Download Breaker Fun – Rescue Adventure on iOS https://apps.apple.com/us/app/breaker-fun/id1546846761

Download Breaker Fun – Rescue Adventure on PC https://www.gameloop.com/ph/game/arcade/com.bricksbreaker.balls.crusher.bricks

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Kahusayan sa pag-asinta ang pinakamahusay na kasanayang magagamit upang maging mahusay sa larong ito. Ngunit upang higit pang mapabuti ang iyong karanasan sa paglalaro, narito ang ilan sa mga tip at tricks ng Laro Reviews upang tulungan ka. Tulad ng anumang laro, maaari mong i-link ang larong ito sa iyong Facebook account. Ang paggawa nito ay makakatulong upang i-save ang iyong pag-unlad sa laro, makakatulong din ito sa iyo upang makapaglaro sa maraming devices at hahayaan kang makapaglaro kasama ang iyong mga kaibigan. Bukod pa rito, maaari kang mag-claim ng bonus kung gagawin mo ito. Maaari ka ring sumali sa komunidad ng mga manlalaro upang makakuha ng higit pang mga level, booster, tip at kaibigan.

Ang laro ay may mga in-app purchase na makakatulong sa iyo upang mas maging mahusay sa laro. Ang isang dapat pag-aari mo ay ang alkansya. Pagkatapos makapasa sa mga level, makakakuha ka ng ilang mga gem at ang pagkakaroon ng alkansya ay makakatulong sa iyong makatipid ng mga karagdagang gem. Maaari itong punan hanggang max ngunit maaari mo itong basagin upang makakuha ng mga gem anumang oras. Ang iba pang in-app purchases ay ang pag-aalis ng mga ad, mga game package at mga gem. Ang mga gem ay ginagamit upang makabili ng mga bola, tema at suot ng iyong karakter, habang ang mga game package naman ay naglalaman ng mga booster. Ang pagpapalit ng balat ng mga bola at tema ng gameboard ay ginagawang mas masaya at hindi boring ang laro. Tutulungan ka ng mga Booster upang madaling manalo sa laro at nakakatulong din ito sa pagharap sa mahihirap na levels.

Gayunpaman, maaari ka pa ring magkaroon ng mga feature na ito nang hindi nagbabayad. Ang isang paraan ay sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga daily reward at maaari ka ring magdagdag ng mga extra o madodoble ang iyong mga reward sa pamamagitan ng panonood ng mga ad. Bukod dito, may mga dagdag na laro (tulad ng Lucky Dart at Luck Pincko) pagkatapos ng ilang level na nakakatulong upang magkaroon ka ng mga karagdagang gem. Laruin ang mga ito sa pamamagitan ng panonood ng mga ad. Kapag naabot mo ang level 30, maaari kang lumahok sa mga espesyal na kaganapan kung saan mas makakakuha ka ng maraming rewards

Kalamangan at Kahinaan

Isang brain teaser at block elimination na laro, ngunit marami pang maiaalok ang larong ito. Bukod tangi at naiiba ang tema ng pakikipagsapalaran sa kampo ng laro. Sa halip na maglaro lang ng kaswal na brick breaking game pagkatapos ng bawat level, makakatulong ka sa paggawa ng campsite ng iyong karakter sa pamamagitan ng pag-install ng mga add-on gamit ang mga star na iyong kinita. Nakakatuwang makita ang pag-unlad nito habang pumapasa ka sa mga level. Sa mas matataas na levels, may mga kawili-wiling mga kabanatang maaari mong puntahan at laruin. Ang isa pang tampok ay ang iba’t ibang mga bola at temang maaari mong pagpilian. Imbes na nakakainip na green game board, nakakatulong ang tema at ang mga bola sa pagpapasigla ng gameplay. Kapag nahirapan kang pumasa sa mga level, matutulungan ka ng mga booster na makausad. Ito ay madaling gamitin kapag ikaw ay nasa isang mahirap na sitwasyon. Hindi man nangangailangan ng koneksyon sa Internet, ang larong ito ay isang madaling libangan.

Bagama’t ang user interface ay makatwiran (ang mga visual nito ay mukhang luma na), mayroong itong ilang mga disadbentahe. Ang mga level ng pakikipagsapalaran ay hindi talagang adventurous, bagkus ang mga ito ay payak o simple. Minsan, nakakalito ang mga bagong espesyal na bola at booster. Dapat mayroong isang impormasyon o paglalarawan sa menu upang malaman kung paano ito gagamitin, dahil kailangan pang maglaan ng oras upang malaman ang epekto nito. Gayundin, ang mga balat ng bola ay hindi gumagana, sila ay dapat higit pa sa isang palamuti. Nakakatuwang magkaroon ng bagong disenyo ng bola ngunit hindi naman ito nagdadagdag sa pagkapanalo sa laro.

Konklusyon 

Ang Breaker Fun – Rescue Adventure ay isang masayang hybrid ng ball game at storyline na may mga mini-game. Ang talagang nakakaaliw dito ay ang kapanapanabik na mga pakikipagsapalaran sa kampo na dadalhin ka sa iba’t ibang mapanghamong lokasyon. Maaliw habang nagka-camping at simulan na ang iyong pakikipagsapalaran. I-download ang Breaker Fun – Rescue Adventure ngayon!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...