Tiny Gladiator – Fighting Tournament Review

Kung mahilig ka sa action 1v1 games maaaring magustuhan mo rin ito. Ang tiny Gladiator – Fighting Tournament ay isang offline at online game na ginawa ng BoomBit, Inc. Ito ay isang action 1v1 game na may konseptong gladiator battle. Kung interesado ka dito, basahin itong artikulong ginawa ng Laro Reviews upang malaman ang mga tampok nitong laro.

Mga Tampok ng Laro

Upang laruin ito, kailangan mong talunin ang mga kalaban sa isang 1v1 na laban sa arena. Napakasimple lang ng mga control nito. Sa kaliwang bahagi, makikita mo ang mga pindutan ng paggalaw paabante at paatras. Sa kanang bahagi naman makikita mo ang mga pindutan ng attack, jump at mga special skill ng iyong hero. Mayroong apat na uri ang mga hero. Una ay ang Knight. Ang mga Knight ay may balanseng attack at defense status. Mayroon silang active skills na Charge na ginagawang immune ang hero sa mga atake at nakakapagtamo rin ng damage sa kalaban habang sumusugod ito. At ang Electric Field na nagbibigay ng damage sa kalaban kapag malapit ito sa iyong hero. Pangalawa ay ang Spearman, sila ay may kakayahang umatake sa malayo. Sila ay mayroong skills na Spear Throw na kung saan ay ititira nito ang hawak na spear sa kalaban at ang jump back skill na nagbibigay sa hero ng kakayahang tumalon palikod nang malayo. Pangatlo naman ay ang Assassin, sila ay may kakayahang doblehin ang kanilang damage output sa pamamagitan ng skill na Precise Blow. May kakayahan rin silang mag-teleport papunta sa iyong likod at makapagtamo ng stun sa pamamagitan ng Shadow jump skill at panghuli ay ang Colossus. Sila ay mabagal kung kumilos ngunit mayroon naman silang mataas na damage output. Mayroon silang skills na Whirlwind na kung saan ay magiging ipo-ipo itong hero na may kakayahang magbigay ng sunud-sunod na damage. Kaya rin nilang magbigay ng damage mula sa malayo gamit ang skill na Earthquake. Ngayon ay talakayin naman natin ang mga mode nitong laro. Una ay ang Clan mode. Kung gusto mo ng makakasama sa paglalaro o kung gusto mong makipagkaibigan sa ibang manlalaro, pwede mong gamitin ang clan mode. Sa mode na ito, pwede ka ring humingi ng mga donation o gift para mas mapabilis ang iyong pagpapalakas. Kung gusto mo naman makakuha ng kakaiba at malalakas na mga item, pwede mong gamitin ang Artifact mode. Para makakuha ng mga item sa mode na ito, kailangan mong makalikom ng mga artifact. Makakakuha ka ng artifacts sa paglalaro ng survival mode. Ang mekaniks ng survival mode ay katulad ng main mode ngunit ang kaibahan ay may lalabas na panibagong kalaban sa tuwing matatalo mo ang kasalukuyang kalaban at habang tumatagal ka sa survival mode, mas nagiging malalakas ang mga kalabang iyong sasagupain. Ang panghuling mode ay ang PvP mode. Sa mode na ito, kailangan mong kalabanin ang mga ibang manlalaro online.

 Paano i-download ang Tiny Gladiator – Fighting Tournament?

Upang i-download ito para sa Android users, pumunta sa Google Play Store at App Store kung ikaw ay iOS user. Pagkatapos ay hanapin itong laro sa mga nasabing app at i-click ang Install o Download. Sa kasalukuyan, wala pa itong PC version.

Download Tiny Gladiator – Fighting Tournament on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.boombitgames.TinyGladiators

Download Tiny Gladiator – Fighting Tournament on iOS https://apps.apple.com/us/app/tiny-gladiators/id1162024432

Download Tiny Gladiator – Fighting Tournament on PC https://www.gameloop.com/game/arcade/tiny-gladiators-fighting-tournament-on-pc

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Medyo mahirap itong laruin dahil sa mabilis nitong gameplay at nakakalito lalo na kapag agresibong umaatake ang kalaban. Kung ito ang iyong unang pagkakataon sa paglalaro ng action games, siguradong mahihirapan ka ngunit huwag mag-alala dahil tutulungan ka ng Laro Reviews upang makabisado itong laro. Bago tayo magsimula ay gusto kong sabihing mas magandang laruin ito sa PC kung ikaw ay baguhan pa lamang dahil mas mabilis ang reaction time mo rito dahil nasa keyboard na ang mga daliri mo at pwede kang pumindot ng mas mabilis sa keyboard kaysa sa Phone. Unang payo ay dapat mong alamin at suriin nang mabuti ang mga hero na pipiliin sa simula ng laro. Halimbawa, ang Knight ay nakadisenyo para sa malapitang atake dahil sa charge na skill nito. Ibig sabihin, mainam itong hero para sa mga manlalarong mahilig sa agresibong gameplay. Ang knight ay mahusay din para sa mga baguhan dahil mayroon itong balanseng attack at defense output kaya may kakayahan itong tiisin ang kalahati ng damage na ibinabato ng kalaban. Huwag masyadong apurado sa pag atake, sa tuwing matatamaan mo ang kalaban ay kailangan mo munang umatras. Sa ganitong paraan, masusuri mo nang maayos ang sitwasyon at maaari mong mailagan ang mga special skill na ibabato ng kalaban. Kung gusto mo namang umani ng mas maraming gold coins, labanan mo lang ulit ang mga stage boss dahil kapag natalo mo sila ay nagbibigay sila ng mas malaking gold reward. Panghuling payo ay ang pagpapraktis. Kung nais mong mas gumaling pa sa paglalaro, bukod sa pagbili ng mga item ay kailangan mo ring praktisin ang iyong personal na kakayahan lalo na ang quick decision-making skill mo.

Kalamangan at Kahinaan

Unang magandang bagay na aking napansin sa laro ay wala itong mga bug, lags at mga pop up advertisement na sinabay pa ng 3D graphics at malalim na detalye ng mga character. Dahil dito, talagang masisiyahan ka rito at mas magagawa mo nang tama ang mga move at tactics mo. Ang bawat stage ay talagang mapanghamon lalo na ang mga boss. Itong laro ay mas nakabase sa personal na kakayahan kaysa sa stats ng iyong hero. May mga pagkakataon kasing madaling talunin ang mga kalaban sa pamamagitan lang ng pag-timing ng atake at minsan naman, kapag inapura mo ang laban kahit na mahina ang iyong kalaban ay tiyak na matatalo ka. Ang ibig sabihin lamang nito ay napakabalanse ng kabuuang gameplay nitong laro. Gusto ko rin ang konsepto ng pagkakaiba-iba ng mga hero dahil ang bawat hero ay nangangailangan ng tiyak na style ng gameplay at kung hindi mo agad makukuha ang timpla ng isang hero, talagang mahihirapan kang kontrolin ito. Maganda itong laro offline ngunit pagdating naman sa PvP ay nag-iiba na ito dahil minsan ay may makakalaban kang manlalarong napakalakas dahil sa mga premium item. Ang isyu rito ay sobrang lakas ng mga premium item at halos hindi matalo ang mga gumagamit nito. Mas mainam sana kung babaan ng kaunti ang mga status ng premium items para kahit papano ay may pagkakataon namang manalo ang mga regular na manlalaro.

Konklusyon

Itong laro ay may star rating na 4.5 sa Google Play Store at 4.8 naman sa App Store. Kahit na halos wala kang pagkakataong manalo sa PvP ay pwede mo naman itong i-enjoy nang offline. Sa pangkalahatan, mahusay parin naman itong laro dahil nga wala itong pop up ads at napakakinis ng character animation nito. Kaya kung ang hanap mo ay isang masayang laro, i-download na ang Tiny Gladiator – Fighting Tournament ngayon!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...