Bubble Shooter Classic Review

Ang Xu Solitaire Games ay nag-publish ng tile-matching puzzle games gaya ng Candy Witch Blast, Mahjong 3 Tiles Triple, at Jungle Marble Zumla Blast. Ang bawat isa ay may parehong mechanics, kahit na mayroon silang iba’t ibang gameplays. Bilang karagdagan, ang laro sa artikulong ito ay hindi nalalayo sa mga nabanggit na app. Ang Bubble Shooter Classic ay isang casual bubble shooter game na nilikha ng parehong developer at ang ikatlong installment ng Bubble Shooter series.

Hindi tulad ng karamihan sa tile-matching puzzles, mayroon ka lamang isang layunin. Ito ay ang iligtas ang lahat ng mga sanggol na nakulong sa loob ng mga bubble sa pamamagitan ng pagpapaputok sa kanila. Dahil ang bubbles na ito ay may iba’t ibang kulay, kailangan mong i-shoot ang mga ito ng isang kasingkulay nitong unit upang matanggal ang mga ito. Harapin ang iba’t ibang puzzles na maaari mong lutasin habang lumilipat ka sa susunod na level, at gumamit ng boosters upang mas mabilis mo itong matapos. Bilang karagdagan, maaari mong i-unlock at i-enjoy ang ilan sa features nito habang umuusad ka sa laro.

Features ng Bubble Shooter Classic

Campaign – Ito ang stages na kailangan mong kumpletuhin, at karamihan sa layunin ay iligtas ang sanggol sa pamamagitan ng pagpa-pop ng bubbles. Maaari kang kumita ng coins at stars kapag nakumpleto mo ang laro at lumipat sa susunod na yugto.

Home – Ang lugar kung saan maaari mong palamutian ang silid gamit ang stars na nakuha mo mula sa laro. Sa kasamaang palad, wala silang ginagawa dahil pang-display lang ang mga palamuti rito

Daily Challenges – Isang kakaibang game mode na may mas mahirap na stages upang makumpleto. Halimbawa, kailangan mong iwasan ang death bubbles dahil matatapos na ang laro kapag na-pop mo ang mga ito gamit ang iyong bubbles. Bilang karagdagan, magre-refresh ito araw-araw.

Villa – Naglalaman ng lahat ng mga nakaraan at kasalukuyang mga silid na maaari mong palamutian.

Build – Ang feature na tumutulong sa iyong kumita ng mas maraming coins sa pamamagitan ng pagsasaka. Maaari kang makakuha ng mga hayop tulad ng baka, inahin, o tupa. Magbubunga ito ng mga produktong maibebenta mo tulad ng gatas, lana, at itlog.

Jackpot – Isang mini-game kung saan kailangan mong maglaglag ng chip gamit ang ticket o coins. Ang premyong maaari mong makuha ay depende sa kung saan ito mapupunta.

Boosters – Ang items na ito ay aalisin ang bubbles depende sa kanilang skills. Bilang karagdagan, maaari mong makuha ang mga ito nang libre kapag naalis mo ang kasingkulay nilang bubbles.

Saan pwedeng i-download ang Bubble Shooter Classic?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang Bubble Shooter Classic sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang pagda-download. Gayunpaman, hindi ito available sa iOS at PC.

Narito ang link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Bubble Shooter Classic on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=bubble.shooter.bear.game.free

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Palagi ka bang nauubusan ng moves at nahihirapang tapusin ang stages? Kung gayon ay bibigyan ka ng Laro Reviews ng tips na magagamit mo sa laro.

I-shoot ang bubbles na nasa likuran.

Kapag na-clear mo na ang lahat ng unit sa itaas, mawawala ang lahat ng bubbles na konektado sa ibaba. Kaya ang pinakamahusay na paraan upang tapusin ang laro nang maaga ay sa pamamagitan ng pag-aalis sa kanila.

Pagsamahin ang boosters.

Aalisin nito ang units depende sa kanilang skills. Gayunpaman, maaari mong ma-utilize ang boosters kung pagsasamahin mo ang mga ito. Bilang karagdagan, maaari mong makuha ang mga ito nang libre kung pagsasamahin mo ang mga bubble na kasingkulay ng booster na ito.

Mag-shoot sa mga dingding.

Mahihirapan ka sa pag-shoot ng ilang bubbles dahil nasa pinakalikod na lugar ang mga ito. Palagi itong nangyayari, kaya kailangan mong patalbugin ang iyong bubbles sa mga dingding at puntiryahin ang iyong target.

Unahin ang bubbles na may magkatulad na kulay.

Kakailanganin mo ng hindi bababa sa tatlong magkakatulad na kulay upang mapaputok ang bubbles. Kaya masasayang lamang ang oras mo kung iipunin mo ang mga ito. Maaari mong palitan ang bubbles na ishu-shoot mo kung hindi ito katulad ng iyong target.

Mag-focus sa objectives.

Hindi mahalaga kung gaano karaming bubbles ang mapaputok mo kung hindi mo naililigtas ang mga sanggol. Ang mga numerong makikita mo sa iyong gauntlet ay ang natitirang bubbles na magagamit mo, kaya huwag sayangin ang mga ito at unahin ang objectives.

Pros at Cons ng Bubble Shooter Classic 

Nakahanap ang Laro Reviews ng maraming paraan para makaipon ng coins sa larong ito. Makakatanggap ka ng rewards sa pamamagitan ng pagbubukas ng iyong level chest kapag naabot mo ang kinakailangang level. Kung isang mahusay na gamer, maaari kang makakuha ng maraming stars at ma-unlock ang Star Chest. Kung hindi naman, maaari kang makakuha ng coins sa Free coins tab upang kolektahin ang mga ito matapos maghintay ng ilang oras. Bukod dito, maaari mo ring makuha ang mga ito mula sa laruang helicopter na lumilipad sa loob ng iyong silid. Kaya hindi ka magkakaroon ng problema kung naghahanap ka ng resources.

Nagiging monotonous ang laro kapag paulit-ulit ang bawat level, kaya nagdagdag ng thrill ang Daily Challenge sa larong ito. Hindi basta-basta ang puzzles dito dahil mas mahirap lutasin ang obstacles. Kaya kailangan mong lumikha ng strategy sa pag-shoot ng bubbles bago sila maubos. Ito ay susubok sa iyong pasensya, ngunit magiging sulit ang oras mo rito.

Bilang karagdagan, ang mga karakter ay kahawig ng casts mula sa isang sikat na cartoon show noong Dekada ‘80. Kung napanood mo na ang Tom and Jerry, mapapansin mo ang lahat ng pagkakatulad. Hindi ito malaking bagay, ngunit mas mabuti kung gumawa ang developers ng mas orihinal na disenyo.

Ang tanging isyung maaari mong makaharap ay ang video ads na kailangan mong panoorin matapos maglaro kapag ikaw ay online. Maaari itong maging disruptive dahil kailangan mong tapusin o i-skip ang mga ito bago lumipat sa ibang level. Sa kabutihang palad, hindi ito magiging problema dahil maa-access mo ang larong ito offline.

Konklusyon

Sa simpleng mechanics at relaxing soundtrack nito, nababagay laruin ang Bubble Shooter Classic kung gusto mo lang magpalipas ng oras. Hindi mo na kakailanganing mag-grind ng ilang oras para sa resources dahil madali itong maipon. Bilang karagdagan, masisiyahan ka sa larong ito sa katagalan dahil mayroong itong features at game modes na hahamon sa iyo. Maaari mo itong i-download nang libre, ngunit magkakaroon ito ng in-app purchases.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...