Fishing Master Review

Ang Fishing Master ay nag-aalok ng isang masaya at challenging na fishing adventure gamit lang ang mobile device. Ang casual fish shooter game app na ito ay inilabas ng Shenzhen Handmobi Technology Co., Ltd. noong Oktubre 10, 2020. Dadalhin ka nito sa isang masigla at makulay na mundo sa ilalim ng karagatan kung saan ay malaya kang makakahuli ng mga isda sa pamamagitan ng pag-asinta sa mga ito. 

Ang gameplay ng larong ito ay medyo kakaiba kung ikukumpara sa karaniwang arcade fishing games. Ang layunin ng mga manlalaro rito ay manalo sa multiplayer matches sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas mataas na total score kaysa sa katunggali. Kinakailangan nilang barilin ang mga isda at iba pang yamang-dagat gamit ang turrets. Maaari rin sila ritong makipag-ugnayan sa ibang manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng buong mundo. Pwede rin nilang hamunin ang mga kaibigan at kakilala sa isang kapanapanabik na fishing battle. 

Paano I-download ang Laro?

Sa kasalukuyan, ang game app na ito ay available pa lang sa Play Store. Mada-download at malalaro ito nang libre gamit ang Android at iOS devices. Gayunpaman, kung plano mong laruin ito gamit ang laptop o desktop, kailangan mong i-download ang apk file nito at i-run gamit ang isang Android emulator. Bilang alternatibo, maaari mo ring gamitin ang mga sumusunod na link:

Download Fishing Master on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.handmobi.fishingmaster

Download Fishing Master on iOS https://apps.apple.com/ph/app/fishing-master-arcade-game/id1508958934

Download Fishing Master on PC https://napkforpc.com/download/apk/com.handmobi.fishingmaster/

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Sa unang beses na gagamitin mo ang Fishing Master app ay magkakaroon ka ng dalawang pagpipilian. Maaari kang maglaro bilang isang guest o kaya ay mag-sign in sa laro gamit ang iyong Facebook account. Para sa Laro Reviews, mas mainam na piliin mo ang huli para mai-save ang iyong game progress at makatanggap ka ng karagdagang 5,000 coins. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka rin ng access sa game community kung saan ay maaari kang makipag-ugnayan sa ibang manlalaro. 

Bago simulan ang iyong exciting na fishing adventure, narito ang ilang bagay na dapat mong malaman tungkol sa laro:

  • Gameplay

Sa larong ito, kinakailangan mong tamaan ang mga isda gamit ang turrets sa halip na bingwitin ang mga ito para makakuha ng points. Ang tungkulin mo rito ay kontrolin ang pag-shoot ng turrets upang mas maraming matamaang isda at makakuha ka mas mataas na points. Kailangan mo ring i-unlock ang magagandang uri ng turrets upang mas maging malakas ang iyong firepower. Sa ganitong paraan ay mapapataas din ang iyong tsansa na manalo sa game matches. Dapat mong i-tap nang paulit-ulit ang isda o lamang-dagat na nais mong tirahin hanggang sa ito ay tuluyang mawala.

Bukod sa regular matches, maaari mo ring kumpletuhin ang quests upang makakuha ng karagdagang resources. Para makolekta ang iyong rewards at makita ang listahan ng quests na kailangan mong kumpletuhin, i-click ang Quest icon na makikita sa ilalim na bahagi ng screen. 


  • Game Modes

Ang larong ito ay may iba’t ibang game modes na dinisenyo upang makapagbigay ng kakaibang fishing adventure sa mga manlalaro. Sa Classic Mode ay makikipagtunggali ka laban sa isa pang manlalaro. Ang kadalasang layuning itinatakda rito ay ang pag-eliminate sa partikular na uri ng isda. Ang unang makakagawa nito ang siyang mananalo. 

Sa kabilang banda, ang Arena naman ay itinuturing na pinakamapanghamong game mode. Dito ay may dalawa kang mapagpipiliang scheduled events, ang Challenge Match o kaya ay Grand Prix. Sa Challenge Match, tanging ang Top 3 na mga manlalaro lamang ang mananalo ng bonus warhead. Samantala, upang makasali naman sa Grand Prix ay kinakailangan mo munang mai-unlock ang 500x Turret Power. Ang bawat kasali rito ay may patas na pagkakataong makapag-shoot ng tig-500 na rounds ng bala. Ang manlalarong makakakuha ng pinakamataas na total points ang mananalo. 

  • Turrets, Power-ups at Boosts

Ang turrets ay uri ng armas na katulad ng kanyon. Gagamitin mo ang mga ito upang tirahin ang mga lumalangoy na isda. Magkakaroon ka ng dalawang turrets bilang panimula. Ang isa ay automatic samantalang ay isa naman ay manual. Tandaan na ang mga bala rito ay tumatalbog kaya’t mas mataas ang tsansa mong tamaan ang mga target. 

May iba’t ibang power-ups at boosts ding magagamit sa laro. Ang mga ito ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang pangunahing turrets. Tandaan na kahit na maaari kang makakuha ng libreng boosts at power ups, kadalasan ay kailangan mo pa ring magbayad ng gems upang magamit ang mga ito. Kapag ginamit mo ang Accelerate, mapapabilis ang shooting speed ng turrets. Ang Lock naman ay ginagamit para maitutok ang pag-shoot sa isang partikular na target. Samantala, ang Freeze ay ginagamit upang maging yelo ang lahat at matigil ang kanilang paggalaw. Isa itong magandang pagkakataon upang magpaulan ng mga bala. Bukod sa mga nabanggit, may iba pang power ups na maaari mong gamitin dito tulad ng Furious, Double at iba pa. 

Pros at Cons ng Fishing Master

Isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ng marami ang Fishing Master ay dahil nagawa nitong mapanatili ang mahahalagang elemento ng nakasanayang arcade fishing games sa kabila ng moderno nitong dating. Ang 3D graphics at visual effects nito ay kahanga-hanga at de-kalidad. Ang game controls nito ay madaling gamitin at gumagana ng maayos. Kapuri-puri din ang background music at sound effects na ginamit dito dahil nagdudulot ang mga ito ng magical at masiglang aura habang naglalaro. Ang multiplayer matches nito ay patas at puno rin ng aksyon.

Sa kabilang banda, ang larong ito ay may mga hindi rin kaaya-ayang aspeto. Ang ilang manlalaro ay nagrereklamo dahil tila pinipilit lang sila ng larong gumastos para sa in-app purchases nito. Nakakairita rin ang mga paulit-ulit na mga paalala na nanghihikayat sa mga manlalaro na i-check ang eksklusibong deals sa Shop. Bagama’t marami ka namang coins at gems na pwedeng makuha bilang rewards, napakadali ring maubos ng mga ito. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit karamihan sa mga manlalaro ay walang sapat na resources upang makasali sa special events. Kadalasan ay napipilitan talaga ang ibang gumastos. Ang app ay madalas na nagla-lag at nagka-crash dahil puno ito ng bugs. Napakabagal din nitong mag-load kahit maayos naman ang internet connection. Isa rin sa mga nakakalungkot na bagay dito ay ang wala sa ayos nitong customer service.

Konklusyon

Ang Fishing Master ay may average rating na 4.3 stars mula sa mahigit 900 reviews sa Google Play Store. Kahit na ang larong ito ay may mahusay na game design at maayos na gameplay, ang execution nito ay medyo nakakadismaya lalo na at hindi nabibigyan ng solusyon ang technical problems nito. Para sa Laro Reviews, ayos pa rin namang subukan ang larong ito basta’t huwag ka lang umaasa nang sobra upang hindi ka masyadong madismaya. Higit sa lahat, iwasang gumastos ng malaki para sa in-app purchases dahil hindi naman sulit ang mga ito. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...