Tropical Resort Review

Sa paglipas ng panahon, halos lahat ng ng uri ng game apps ay malaki ang ipinagbago. Sa kabila nito, ang simulation games ay kabilang pa rin sa mga itinuturing na paboritong laro ng karamihan. Ang mga ganitong game app kasi ay may realistic elements na nagsisilbing pangunahing dahilan kung bakit marami ang nahuhumaling sa mga ito. Higit pa rito, na-eenjoy din ng mga manlalaro ang iba’t ibang tema at konsepto ng mga ito. 

Kaugnay nito, nais ng Laro Reviews na ipakilala ang isang bagong simulation management game – ang Tropical Resort. Ito ay nag-aalok ng kakaiba ngunit nakakaaliw na paraan upang maranasan ng mga manlalaro kung gaano kasaya at ka-challenging ang mamahala ng isang island resort. Dito ay hindi na nila kinakailangang gumastos para lang maranasan ang isang ultimate beach adventure. 

Gaganap ang mga manlalaro bilang isang bagong tagapamahala ng isang abandonadong resort. Ang kanilang layunin ay ayusin at bigyang-buhay muli ito at palayasin ang masamang nilalang na si Shaman Mano. May iba’t ibang mga proyekto rito na maaaring gawin at maraming ding paraan para mapaganda at mapaunlad ang resort. Kung nais mo gawing mas kapanapanabik ang paglalaro, maaari ring makipagkumpitensya sa mga kaibigan at ibang manlalaro upang tanghaling pinakamagaling sa lahat, sa larangan ng resort management. 

Paano I-download ang Laro?

Sa kasalukuyan, ang game app na ito ay nasa development stage pa lang. Available ito sa Play Store at mada-download ng libre sa Android devices. Wala pa nito sa App Store kaya hindi pa ito pwedeng laruin gamit ang iOS devices. Gayunpaman, pwede rin itong ma-enjoy gamit ang computer devices. Kinakailangan mo lang i-download ang apk file nito at i-run gamit ang isang Android emulator. Bilang alternatibo, maaari mo ring gamitin ang mga sumusunod na link:

Download Tropical Resort on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gameinsight.gplay.islandtales

Download Tropical Resort on PC https://apksos.com/app/com.gameinsight.gplay.islandtales

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Nais mo bang magbakasyon at mag-relax sa isang magandang beach? Sa Tropical Resort, magkakaroon ka ng pagkakataon na maranasan ang isang kapanapanabik na pakikipagsapalaran para patakbuhin ang isang island resort. Ang mga sumusunod ay mga mahalagang impormasyon tungkol sa mga bagay na naghihintay sa mga manlalaro ng game app na ito:

  • Paano Simulan ang iyong Adventure

Para masimulan ang iyong adventure, kinakailangan mong i-tap ang Play button sa gitna ng gaming screen. Magkakaroon ka ng maikling introduksyon tungkol sa storyline ng laro. Makikilala mo rin ang pangunahing game characters na sina Naomi at Shaman Mano. Si Naomi ay isang taga-isla na tutulong sa iyo upang malaman ang pangunahing controls at mahahalagang pasilidad. Samantala, si Shaman Mano naman ang isang masamang nilalang na naging dahilan ng pagkasira at pagkalugi ng island resort. 

Ang game progress mo ay automatic na naka-sync sa iyong Google Play account. Upang makasigurado, mainam din na kopyahin mo ang iyong support ID at i-save ito upang magamit kung sakaling magkaroon ka ng problema sa iyong account. Para magawa ito, i-click ang player’s profile sa kaliwang-itaas na sulok ng main game screen at i-tap ang profile section. 


  • Gameplay

Ang tungkulin mo sa larong ito ay ayusin at patakbuhing muli ang abandonadong resort. Magsisimula ka sa paglilinis at pag-aayos sa mga pasilidad na napabayaan mula ng ito ay isinara. Hindi tulad sa ibang laro, hindi mo kinakailangang i-upgrade ang mga pasilidad dito. Ang magiging level ng mga ito ay natutukoy sa pamamagitan ng spin the wheel.

Upang magkapag-level up sa laro, dapat mong kumpletuhin ang iba’t ibang quests at mangolekta ng stars. Ang Quests icon na naglalaman ng listahan ng mga gawaing kinakailangan mong tuparin ay matatagpuan sa kaliwang bahagi ng gaming screen. Ang mga ito ay madalas may kinalaman sa pagkukumpuni ng mga gusali, paggalugad sa ilang bahagi ng isla at pagbibigay ng serbisyo sa mga turista. 

Kapag naayos mo na ang mga pasilidad, gagana ang mga ito at makakapag-generate na ng coins at gems. Kinakailangan mong lang i-tap ang mga ito upang makolekta ang resources. Tandaan na para magawa ang game activities ay kinakailangan mong gumamit ng energy. May mga pagkakataon ding gagamit ka ng tools tulad ng pruning shears at iba pa para maisagawa ang ibang tasks. 

  • Features

Bukod sa regular na game tasks, makikipag-ugnayan ka rin sa mga turista at magsi-set up ng mga aktibidad tulad ng hotel events para sa kanila. Ang mga ito ay karaniwang mga simpleng bagay lamang tulad ng maikling usapan o kaya’y sports events upang madagdagan ang kita ng island resort.

Isa rin sa mga natatanging bagay dito ay ang Union features ng laro. Ang union ay tumutukoy sa isang organisasyon o samahan ng mga resort managers o manlalarong tulad mo. Maaaring mong mas paunlarin at pasikatin ang iyong resort sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang union competitions. I-click ang Chat bar na makikita sa tabi ng player’s profile upang sumali sa mga umiiral ng union. Kung nais mo naman ay maaari ka ring magtatag ng sarili mong union at mag-imbita ng iba pang manlalaro upang maging bahagi nito. Alalahanin na ang union members ay nagkakaroon ng access sa eksklusibong quests, special rankings at special item pricing sa laro. 

Pros at Cons ng Tropical resort

Isang magandang aspeto ng larong ito ay ang pagkakaroon nito ng maraming aktibidad na pwedeng pagpilian. Ang mga manlalaro ay maaaring mag-ayos ng mga pasilidad sa resort habang sumasali sa masasayang activities at events para sa mga turista. Ito rin ay lubos na mapanghamon at interactive dahil maaari kang sumali sa mga kompetisyon at makipag-ugnayan sa iba. Maaari ka ring makipaglaro sa mga kaibigan at kakilala at makipagpalitan ng mga regalo. Bagama’t hindi namumukod-tangi ang graphics at animations nito, makulay at nakakaakit naman ang mga ito at may maayos na kalidad. Ang pangkalahatang game execution ay solid at smooth. Ang app ay hindi nagla-lag o biglaang naka-crash. Hindi mo na rin kinakailangan pang problemahin ang nakakairitang ads dito. 

Sa kabilang banda, marami rin ang tila hindi nagustuhan ang pagkakaroon nito ng labis na mga paandar. Sa kalaunan kasi ay nagiging nakakasawa at nakakapagod din ang mga ito. May mga manlalarong nahihirapang makasabay sa bilis ng takbo ng laro dahil kinakailangan nilang gawin ang maraming bagay nang sabay-sabay. Para makakuha ng sapat na game resources, napipilitan din ang iilan na maglaan ng maraming oras sa paglalaro. Ang storyline nito ay pangkaraniwan at hindi kawili-wili. Higit sa lahat, marami ang nadismaya sa paggamit nito ng spin the wheel para matukoy ang level ng isang pasilidad. Maaaring bago at kakaiba ang konseptong ito ngunit hindi naman ito patas para sa lahat. Nawawalan kasi ng pagkakataon ang mga manlalaro na i-upgrade at mapakinabangan ang mga ito nang mas mabuti. 

Konklusyon

Sa kasalukuyan ang game app na ito ay nasa early stage access pa lamang. Sa kabila nito, mainit pa rin itong tinanggap ng mga manlalaro. Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ito ng mahigit 100,000 downloads sa Google Play Store. Inirerekomenda ng Laro Reviews ang Tropical Resort sa mga mahilig sa management games. Sa kabuuan, ang kasalukuyang version nito ay maayos at sulit din namang laruin. Nag-aalok ito ng bago at kapanapanabik na mga tampok na maaari mong subukan.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...