Cooking Live – Restaurant Game Review

Dulot ng modernisasyon, malaki na nga ang pinagbago ng mundo. Kung noon, ang tanging libangan lamang ng mga tao ay ang aktwal na mga larong pisikal, sa ngayon, gamit lamang ang mga mobile device ay hindi na kailangan pang lumabas ng bahay at makipaglaro sa iba sapagkat maaari mo nang libangin ang iyong sarili sa pamamagitan lamang ng paglalaro ng mga mobile game. Sa katunayan, madalas ikinukumpara ng mga magulang ang kanilang naging pagkabata noon sa mga kabataan ng henerasyon ngayon sapagkat malaki naman talaga ang pagkakaiba ng noon sa ngayon, lalo na ng naimbento ang online world.

Kasabay ng pagsulputan ng mga digital marketplace, hindi na rin napigilan ang patuloy na pagdami ng mobile game at halos taun-taon ay mayroong isa, o dalawang laro ang pinagkakaguluhan ng marami at isa na nga sa mga larong minsan nang lumikha ng ingay sa online world ay ang mga larong tinatawag na cooking games. Sa pangalan pa lamang ng larong ito, alam mo na kaagad kung tungkol saan ito at ano ang mga ginagawa rito. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti nang natatabunan ng iba pang uri ng laro ang cooking games, pero ngayon, muling inihahandog ng Matryoshka ang Cooking Live – Restaurant Game upang subukang ibalik ang ningning ng cooking games.

Kung bakit mo dapat laruin ang Cooking Live – Restaurant Game gayung sa tingin mo ay alam mo na ang gameplay ng isang cooking game? Pwes hayaan mong ipaliwanag sa iyo ng Laro Reviews kung bakit. Una, naiiba ang larong ito kung ikukumpara sa mga klasikong cooking game sapagkat hindi lamang puro pagluluto at pagsi-serve ng mga pagkain ang gagawin mo sa larong ito dahil gagampanan mo rin sa laro an pagiging isang interior designer ng mga restaurant. Pangalawa, kakailangangan rin ng mga small restaurant owner ang tulong mo bilang isang food blogger upang i-advertise ang kanilang mga restaurant at pangatlo, mas maraming putahe ng pagkain ang masusubukan mong lutuin, at mas maraming challenging game levels ang kailangan mong malampasan sa larong ito.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Kagaya sa mga iba pang uri ng cooking games, tungkulin mo rin sa larong ito na pagsilbihan ang iyong mga customer at maibigay ang kanilang mga gusto upang kumita ang iyong restaurant at makausad ka sa laro. Gayundin, kailangan mo ng bilis sa pagluluto upang hindi mainis sa paghihintay ang mga customer. Ngunit maging maingat din na walang pagkain ang masusunog dahil sa labis-labis na pagluluto.

Upang mapantayan ang dumaraming bilang ng mga customer, mahalaga na iyong i-upgrade ang iyong mga kasangkapan sa pagluluto kagaya ng frying pan, burger plates, juice maker at iba. Para naman mas dumami ang coins na iyong makukuha sa laro, kailangan mong tulungan ang mga restaurant owner na pagandahin ang kanilang restaurant sa pamamagitan ng pagre-renovate at paglalagay ng mga dekorasyon kagaya ng pagpapalit ng wallpaper, pagbabago ng ceiling at flooring, pagdaragdag ng mga furniture at iba pang kagamitan.

Sa ilang pagkakataon, kailangan mo ring pagaanin ang loob ng ilang mga restaurant owner upang magpatuloy sa kanilang ginagawang pagpapalago ng kanilang negosyo sa kabila ng panghihikayat ng isa ring food blogger na si Mike na itigil na lamang ang pagpapatakbo ng kanilang mga restaurant.

Higit sa lahat, mahalaga na mayroon kang mahusay na cooking skills at art skills upang makaya mong lutuin ang halos lahat ng pagkain sa larong ito at magawa mong pagandahin ang loob ng mga restaurant. Maliban pa rito, kailangan na maging handa ka rin na harapin ang anumang hamon sa larong ito lalo pa at mag-isa mong pagsisilbihan ang lahat ng mga gutom na customer.

Saan maaaring i-download ang laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user at sa App Store naman para sa iOS users. Maaari rin itong malaro sa PC. Gamitin ang mga link sa ibaba upang mas mabilis na ma-download ang laro:

Download Cooking Live – Restaurant Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.matryoshka.cookinglive

Download Cooking Live – Restaurant Game on iOS https://apps.apple.com/ca/app/cooking-live/id1595075449

Download Cooking Live – Restaurant Game on PC https://www.microsoft.com/en-ph/p/cooking-live-restaurant-game/9p0g2hkd5d11?activetab=pivot:overviewtab

Mga Feature ng Laro

  • Time Management Game – Kailanman, hindi sapat na mahusay ka lang sa pagluluto dahil kailangan mo rin ng time management upang maibigay mo ang lahat ng mga hinihingi ng iyong customers.
  • Hundreds of Fun Levels – Kung kabilang ka sa mga taong ang hilig ay pagluluto, tiyak na magugustuhan mo ang napakaraming pagkain na itinatampok sa larong ito.
  • Interior Designing – Ipakita rin ang iyong abilidad sa larangan ng sining at higit na pagandahin ang mga restaurant.
  • Can be Played Online or Offline – Mayroon ka mang internet connection o wala, hindi iyan problema sa larong ito.
  • Blogging – Hindi lamang ang galing mo sa pagluluto at pag-didensenyo ang mahahasa sa larong ito, dahil maging kung paano dapat gawin ang isang food blogging ay matututunan mo rin sa larong ito.

Pros at Cons ng Laro

Kung tatanungin ang marami sa atin kung anong negosyo ang kanilang gustong gawin sakaling mabigyan ng pagkakataon, marahil ang isa sa pinakamaraming sagot ay pagpapatayo ng isang restaurant dahil bagamat matrabaho ang negosyong ito, hindi pa rin maipagkakaila ang katotohanan na ang mga restaurant ang isa sa mga pinakapatok at high-paying business. Sa larong Cooking Live – Restaurant Game, matutupad mo na ang pangarap mo na mag-may-ari ng sarili mong restaurant at magluto ng mga paborito mong pagkain, ngunit hindi lang iyan ang pwede mong magawa sa larong ito dahil bibigyan ka rin ng pagkakataon na ipamalas ang iyong galing sa larangan ng sining.

Sa karagdagan, bukod sa napakagandang graphics mayroon ang larong ito, magagawa mo ring libutin ang buong mundo at marinig ang iba’t ibang kwento ng mga tao. Itinatampok din sa larong ito ang iba’t ibang uri ng restaurant kagaya ng fast food chain, cafe, pizza at burger restaurant at marami pang iba.

Sa kabilang dako, mayroon ding ilang mga negatibong katangian ang larong ito na hindi dapat palampasin. Una na rito ay ang mga matataas na game levels na imposibleng malampasan kung hindi gagastos ng tunay na pera upang makabili ng in-game currency na ruby, at iba pang upgrades at boosters. Kapag naman naglaro ka online, asahan na ang napakaraming ads na lalabas sa iyong screen kaya kung wala kang hinihintay na mahalagang mensahe, o tawag sa iyong social media account, mas mainam na maglaro ka na lamang ng offline.

Konklusyon

Kung pag-uusapan ang gameplay at in-game features ng mga laro, walang duda na masasabi ng Laro Reviews na ang Cooking Live – Restaurant Game ang isa sa mga larong nagtataglay ng pinakamaganda sa mga katangiang ito. Sakaling masolusyunan ang hinaing pagdating sa mga nabanggit na negatibong katangian ng larong ito, hindi malayong mas marami pang mga manlalaro ang mahihikayat na i-download at laruin ang Cooking Live – Restaurant Game.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...