Crazy Plane Landing Review

Ang BoomBit Games ay ang lumikha ng isang plane game at ito ay ang Crazy Plane Landing. Ito ay isang mahusay na laro na may nakakabaliw na mga hamon. Ang laro mismo ay sadyang nakakatuwa. Dapat mong gamitin ang makina at booster para bumagsak ang iyong eroplano sa field. Ikaw ay magka-crash at matatalo sa laro kung hindi ka makakarating ng maayos. Kailangan mong subukang muli nang paulit-ulit hanggang sa magtagumpay ka. Ang mga pagpapahusay na binili mo ay makakatulong sa iyong makausad sa lahat ng level. Ito ay napakasaya at nakakaaliw. Bibigyan ka nito ng iba’t ibang field sa bawat level. Lahat sila ay sobrang nakakatawa at nakakahumaling. I-download ito ngayon kung gusto mong maranasan ang kabaliwan ng larong ito!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng Crazy Plane Landing ay mailapag nang ligtas ang iyong eroplano sa runway. Kahit na ito ay isang madaling gawin, ito ay mapanghamon pa rin. Gayunpaman, ito ay nagbibigay ng maraming saya at kakaibang libangan para sa mga manlalaro. Dapat mong pahusayin ang iyong makina o booster upang makamit ang iyong layunin. Maaari mo ring dagdagan ang iyong bonus upang kumita ng pera habang ikaw ay naroroon. Nagtatampok ang bawat level ng mga natatanging eroplano, track, at runway. Dapat mong malampasan ang mga hamon nito, tulad ng mga tren at talon, upang magtagumpay. Ito ay isang nakakahumaling na laro na dapat mong masubukan.

Paano ito laruin?

Ang laro ay madali lamang laruin at nagpapatalas ng isip! Bagama’t ididirekta ka kaagad ng laro sa field, huwag mag-alala kung hindi ka pa ba dalubhasa! Ang artikulong ito na inihanda ng Laro Reviews ang magtuturo sa iyo ng mga kontrol at mahahalagang aspeto ng laro na dapat mong malaman bago ito laruin. Ang mga kontrol ay hindi kumplikado. Pindutin lang upang paandarin ang eroplano at pagkatapos ay pindutin nang matagal upang i-boost habang nasa kalagitnaan ng himpapawid. Maaari ka ring umiwas sa mga hadlang sa pamamagitan ng pagpipiloto sa iyong pakpak pakaliwa o pakanan.

Ang iyong layunin ay maabot ang runway sa dulo ng level upang manalo. Upang magawa ito ay dapat mong gamitin ang mga boost at upgrade. Dapat kang gumastos ng pera para sa engine at boost, pati na rin ang bonus na pera, upang mapahusay ang iyong gameplay. Kapag nagawa mo na ang lahat, ihanda mo lang ang iyong sarili. Huwag mag-alala kung hindi ka magtagumpay. Ikaw ay makakatanggap pa rin ng pera at makakabili ka ng marami pang mga upgrade. Ang laro ay simple lamang, pumunta sa runway, ligtas na ilapag ang eroplano, at umasang manalo. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-upgrade, mag-upgrade, at mag-upgrade!

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Crazy Plane Landing sa Android devices ay dapat Android 5.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 80 MB at 291 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Crazy Plane Landing on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.crazy.plane.landing

Download Crazy Plane Landing on iOS https://apps.apple.com/us/app/crazy-plane-landing/id1577343721

Download Crazy Plane Landing on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.crazy.plane.landing-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Crazy Plane Landing

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Crazy Plane Landing. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Crazy Plane Landing!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Crazy Plane Landing

Ang mga diskarte na ito ay karaniwang ginagamit ng mga baguhan na hindi pa nakakaranas o nakakapaglaro ng laro. Makakatulong ito sa kanila na magkaroon ng isang magandang simula o kaunting kaalaman bago ito laruin. Ituturo namin sa iyo ang mga bagay na magagamit mo upang manalo. Narito ang ilang mga diskarte para sa Crazy Plane Landing.

  1. I-upgrade ang iyong bonus bago ang anumang bagay, makakatulong ito sa iyo na makakuha ng mas maraming pera.
  2. Kapag nakuha mo na ang iyong bonus na pera, i-upgrade agad ang engine at boost para umusad nang mabilis sa laro.
  3. Gamitin ang boost nang maingat! Ang paggamit ng boost ay mas magiging epektibo kapag malapit ka nang lumapag sa lupa. Makakatulong ito ng lubos sa iyo para ligtas na makalapag at manalo.
  4. Panghuli, kabisaduhin ang mapa. Maaaring may mga hadlang na hindi mo pa nakikita, kumuha ng tamang timing para hindi ka maabala ng mga ito.
  5. Magsaya lamang. Ang pagkakaroon ng kasiyahan ay makakatulong sa iyo na hikayatin ang iyong sarili at maglaro pa, sa gayon ay mapapabuti ang iyong kakayahan at nalilibang ka pa.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Crazy Plane Landing

Sa seksyong ito, tatalakayin natin ang mga kalamangan at kahinaan ng larong Crazy Plane Landing. Ang Laro Reviews ay handa na ngayong magbigay ng ilang mga saloobin at, siyempre, ang aming karanasan sa paglalaro nito. Ang laro ay, sa katunayan, mayroong intuitive na gameplay, na may mga simpleng kontrol at layunin. Kung iisipin mo, may potensyal itong maging isang nakakahumaling na laro, ngunit may puwang pa rin para sa pagpapabuti upang makapaghatid ng positibong karanasan para sa lahat. Malinaw na binigyan ng app store ang laro ng mababang rating, at maraming user ang hindi nasisiyahan sa ilan sa mga feature nito.

Walang tutorial ang laro, kaya ididirekta ka nito agad sa field at kakailanganin mong malaman kung paano gumagana ang laro nang mag-isa. Ang ilang mga manlalaro ay naguguluhan kung ano ang mga layunin. Wala itong tutorial na kailangan lalo na ng mga bagong manlalaro kung paano gumagana ang laro. Walang coaching para sa pag-upgrade. Tila mangangapa ka pa sa umpisa at tatanungin ang iyong sarili kung ano ito at ano iyon? Ang lahat ay mukhang kumplikado sa simula, at wala kang pagpipilian kundi simulan ang pagdiskubre nito nang mag-isa.

May mga advertisement na makakaabala sa iyo dahil palagi silang lalabas sa screen. Isa ito sa nakakadismayang bahagi ng laro, at syempre, lahat ay ayaw nito. Oo, ang mga kontrol ay simpleng gamitin, ngunit hindi ito gumagana nang maayos sa gitna ng laro. Dapat itong matugunan kaagad ng mga developer sa susunod na patch. Ang mga isyung ito, at mga advertisement, ay dapat na maayos kaagad upang matiyak ang isang positibong karanasan para sa lahat ng mga manlalaro.

Konklusyon

Ang laro ay kasiya-siya, nakakaaliw, at nakakatawa. Ito ay maaaring laruin ng lahat. Ang graphics ay malinis, at ang gameplay ay mapanghamon ngunit kawili-wili. Bagama’t mayroon itong ilang mga isyu tulad ng advertisements na maaaring makaabala sa paglalaro mo. Bilang isang baguhan, karaniwan kang maguguluhan dahil ang laro ay walang tutorial bago ka magsimulang maglaro. Gayunpaman, kung ikaw ay interesado rito, subukan mo itong laruin at alamin kung paano ito nilalaro. Sa tulong din ng artikulong ito ay nalaman mo na ang ibang importanteng feature na dapat mong malaman.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...