Bride Race Review

Ang Fried Chicken Games ang lumikha ng Bride Race, isang runner game. Habang tumatakbo ka sa mga riles, sasalubungin ka ng mga karpet na may iba’t ibang kulay at dapat kang makarating sa iyong kasal sa oras. Upang magpatuloy, dapat kang magdamit na tugma sa mga kulay ng karpet. Magkakaroon ka ng tatlong pagpipilian sa damit at ang bawat isa ay may sariling animation effects na batay sa kulay nito. Dapat kang makipag-kumpitensya sa iba pang mga babae upang manalo. Ang laro ay may nakakatawang konsepto at sobrang simple lamang laruin. Mas marami kang matutuklasan kapag nasubukan mo na ito. Laruin na ito ngayon para subukin ang iyong tatag at bilis!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay makarating sa lalaking ikakasal bago ito magawa ng ibang babae. Dapat kang tumakbo sa iba’t ibang kulay na daanan upang mabilis na makagalaw at maabot ang iyong patutunguhan. Ang layunin ay madali lamang makamit. Bibigyan ka nito ng mga diamante pagkatapos mong makumpleto ang isang level. Tumakbo at pumunta sa tugmang kulay ng iyong pakakasalan, mag-make-up, magbihis pangkasal, at magtatagumpay kang makuha ang iyong nobyo! Umpisahan mo na itong laruin at alamin ang iba pang kaganapan sa laro. 

Paano ito laruin?

Ang mga kontrol ay simple at madali lamang. Kung gusto mong malaman ang mga kontrol ng laro bago ito laruin, narito ang isang gabay na makakatulong sa iyo na umusad at manalo rito. Tandaan na ang laro ay medyo madali at walang anumang mga advanced na kontrol na kailangan mong tandaan. Magkakaroon ng 3 button sa iyong screen at bawat isa ay may kaukulang kulay ng damit. Mapapansin mo na may iba’t ibang kulay na landas ang iyong dadaanan, itugma mo lang ito sa kulay ng damit mo. Magbabago ang make-up at pananamit mo. Sa ganitong paraan ay malalagpasan mo ang mga pagsubok nang mabilis. 

Naglalaman ang bawat level ng iba’t ibang kasuotan at may kulay na mga landas. Dapat kang maging mabilis at lampasan ang iba pang mga ikakasal na babae na kalaban mo sa karera. Tulad ng tinalakay natin kanina, ang iyong layunin ay dapat mong maabot ang lalaking ikakasal na naghihintay sa dulo ng karera. Napakasimple lang talaga. Lahat ay madaling matutunan. Ang kailangan mo lang gawin ay subukan ito at maranasang laruin ito.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Bride Race sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 57 MB at 208 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Bride Race on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.fcg.bride.race.wedding.dressup.run

Download Bride Race on iOS https://apps.apple.com/us/app/bride-race/id1564416522

Download Bride Race on PC https://www.gameloop.com/game/role-playing/com.fcg.bride.race.wedding.dressup.run

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Bride Race

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Bride Race. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Bride Race!

Tips at tricks sa Paglalaro ng Bride Race 

Ang tips at tricks ng Bride Race ay lubos na makakatulong para sa mga bagong manlalaro. Bagama’t napaka-simple ng larong ito, ibibigay pa rin sa iyo ng Laro Reviews ang mga pangunahing diskarte na magagamit mo para makapagsimula at manalo sa laro. Narito ang mga pangunahing diskarte na magagamit ng lahat ng baguhan at may karanasang manlalaro. 

  1. Tandaan ang mga kulay na ibibigay sa iyo sa simula bago simulan ang level. Makakatulong ito sa iyong malaman kung aling mga kulay ang mayroon ka at kung kailan lilipat ng destinasyon.
  1. Muli, alamin kung saan ka dapat pupunta. Kung ikaw ay magkamali, ito ay magpapabagal sa iyo at magbibigay ng pagkakataon sa iyong mga kalaban na makahabol.
  1. Ang laro ay sobrang madali. Magsaya ka lang at tamasahin ang kalokohan ng larong ito. Ang gameplay ay napakasaya at mapanghamon din. Hindi naman talaga nangangailangan ng matinding pokus para matapos ang laro. Maglibang lamang sa buong laro.

Ang laro ay sobrang dali lalo na’t AI ang kalaban at hindi nangangailangan ng maraming kasanayan upang manalo. Kaya lang medyo simple ang tips and tricks na ito ngunit ito ang pinaka-epektibong sundin upang manalo. Magsaya ka lang sa buong laro!

Pros at Cons sa Paglalaro ng Bride Race

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa pros at cons ng laro ay malaking katulungan para sa mga manlalaro. Dito ay malalaman niyo ang tungkol sa kung ano ang aasahan at mararanasan habang naglalaro nito. Maaaring may mga feature ito na susurpresa sa iyo o problema na sasalubong sa iyo. Babanggitin din namin ang glitches at game-breaking bugs upang matulungan ang mga user na maunawaan kung ano ang mga problema kapag naglalaro. Ito ang feedback o karanasan ng ilang kritiko at dalubhasang manlalaro.

Ang laro ay nakakaaliw. Tiyak na matatawa ka sa umpisa dahil sa kalokohan nito. Kasama rin dito ang madali at nakaka-relax na gameplay, kaya hindi mo na kailangang magsikap para ma-enjoy ang laro. Ito ay kasiya-siya para sa mga nais ng walang hirap na gameplay. Sa Play Store, ang laro ay may 4.1 out of 5 stars at may mahigit na 3K review.

Ang Play Store review page para sa larong ito ay hindi masyadong maganda. Mayroon itong 1-star na rating at ilang reklamo tungkol sa fat-shaming sa mga thumbnail nito. Ang isa pang 1-star na rating ay nag-aalala tungkol sa spam ng advertisement ng laro habang naglalaro ka. Ang gameplay ay medyo matamlay at maaaring nakaka-boring minsan. Kailangang palagi mong talunin ang iyong kalaban, at ito ay paulit-ulit na lamang. Ang laro ay may mababang kalidad pagdating sa visuals at disenyo. Ang gameplay ay boring at basic, kaya hindi mo kailangang mag-isip o tumuon. 

Bagama’t ang mga isyung ito ay hindi pumipigil sa iyo na i-download ang laro, maaari kang bumuo ng iyong sariling opinyon sa pamamagitan ng iyong sariling karanasan dito. I-download at laruin ang laro nang libre para masubukan mo ang performance nito.

Konklusyon

Ayon sa karanasan ng Laro Reviews, ang laro ay kasiya-siya, basic, at simpleng maunawaan. Hindi nangangailangan ng pagsisikap upang maglaro. Nakatanggap din ito ng maraming negatibong feedback at batikos dahil sa fat-shaming sa mga thumbnail nito. Hindi lamang iyon ngunit ito ay pinuna dahil sa kakulangan ng pagsisikap na mabigyan ang laro ng mas maayos na mga visual at disenyo. Kahit na ang gameplay ay nakakapagod ding laruin dahil sa paulit-ulit nitong sistema ng paglalaro. Gayunpaman, hindi ka nito mapipigilan na subukan ang laro dahil ito ay libre lamang. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...