Crazy Plants: Random Defense Review

Isa ang Plants vs Zombies sa pinakatanyag na tower defense games sa buong mundo. Sa larong ito, kailangan mong mangolekta ng mga sunlight upang makabili ng mga halaman. Ang mga halamang ito ang iyong gagamitin upang puksain ang mga zombies na sumusubok na kuhanin ang iyong utak. 

Sa kasalukuyan, mayroong isang tower defense game na gumagamit din ng mga halaman bilang karakter ng laro. Hindi mo maiiwasang itanong kung katulad lang ba ng Plants vs. Zombies ang larong ito. Sa ngayon, ang larong tatalakayin natin sa Laro Reviews ay Crazy Plants: Random Defense. Aalamin natin ang detalye tungkol sa larong ito at kung kagaya ito ng Plants vs. Zombies. 

Crazy Plants: Random Defense

Ang Crazy Plants: Random Defense ay isang tower defense game kung saan kailangan mong tumagal at pumuksa ng mga halimaw gamit ang mga halaman. Kung nagustuhan mo ang larong Plants vs. Zombies, siguradong magugustuhan mo rin ang Crazy Plants: Random Defense. May pagkakahawig ang dalawang laro pero walang kinopya. 

Sa main screen ng Crazy Plants: Random Defense, makikita ang storyline kung saan may mga halimaw na dumakip sa prinsesa ng isang kaharian. Ang kaharian na ito ay ang kaharian ng mga halaman at kailangan mong magpalakas upang masagip ang prinsesa. Kilala rin ang Crazy Plants: Random Defense sa distinct 3D art style nito. 

Game features ng Crazy Plants: Random Defense

Ang game feature ng Crazy Plants: Random Defense na makikita mo sa umpisa pa lang ay ang 3D graphics nitong sobrang unique at hindi mo makikita sa ibang tower defense games. Ang karamihan ng tower defense games ngayon sa Play Store ay may 2D graphics pero pinili ng Crazy Plants: Random Defense na mas pagandahin ang itsura ng kanilang laro. 

Maraming halaman at prutas na featured sa larong ito kaya masusubok ang iyong kakayahan sa pagbuo ng isang solidong line-up. Ang mga prutas at halaman sa Crazy Plants: Random Defense ay may kanya-kanyang kapangyarihan. Sa mahigit 40 na halamang available, siguradong makakabuo ka ng isang team na angkop sa iyong play style. 

May dalawang game modes na available para sa Crazy Plants: Random Defense. Ang mga game modes na ito ay ang PVP at Co-op mode. Sa PVP mode, kailangang mas marami kang mapaslang na halimaw kumpara sa kalaban upang mas dumami ang halimaw sa kanyang base. Samantala, kailangang magtulungan ang mga manlalaro sa Co-op mode. 

May iba’t ibang arena rin sa Crazy Plants: Random Defense. Hindi gaya ng ibang tower defense games para sa mobile phones, may epekto ang arena sa mga manlalaro rito. Random ang arena kung saan kayo maglalaban sa Crazy Plants: Random Defense kaya dapat mabilis kang mag-isip at bumuo ng strategy upang manalo. 

Saan maaaring i-download ang Crazy Plants: Random Defense? 

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:

Download Crazy Plants: Random Defense on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gametaiwan.cp&hl=en&gl=US

Download Crazy Plants: Random Defense on iOS https://apps.apple.com/th/app/crazy-plants/id1589910247

Download Crazy Plants: Random Defense on PC https://www.gameloop.com/game/strategy/com.gametaiwan.cp

Tips at Tricks para sa Crazy Plants: Random Defense

Ang dapat matutunan ng isang manlalaro sa Crazy Plants: Random Defense ay ang pagkolekta at pag-upgrade ng mga hero upang makabuo ng isang malakas na deck. Sa pagkolekta ng hero, ang pinakamadaling paraan upang magkaroon ng hero ay kapag nananalo ka sa mga PvP battles. Sa bawat panalo, may chest na naglalaman ng isang hero at ibibigay ito sa iyo. 

Ang mga chest ay naglalaman ng isang bagong hero o ‘di kaya’y duplicate hero na pwede mong gamitin na pang-upgrade. Ang isa pang paraan upang magkaroon ng mga hero ay ang pagbukas ng mga chest gamit ang seeds. Maaari mong bilhin ang seeds sa in-game shop ng Crazy Plants: Random Defense o mapanalunan ito sa Co-op mode matapos ang ilang waves. 

Mahalaga ring matutunan ng isang manlalaro ang halaga ng hero upgrades sa Crazy Plants: Random Defense. Maaari kang mag-upgrade kapag may duplicate copy ka ng iyong hero. Makukuha mo ang mga hero sa chests o in-game store. Makakatulong ang upgrades sa pagpapataas ng damage, attack speed, at iba pang stats ng iyong hero. 

Mahalaga ring matutunan ang pagbuo ng deck sa Crazy Plants: Random Defense. May limang heroes kang pwedeng ilagay sa isang deck. Ang mga hero ay maaaring maging attack type, support type, at CC type. Dapat na magkaroon ng balanse sa pagitan ng mga hero types na ito upang mas lumakas ang iyong deck. 

Mataas ang damage at attack speed ng mga attack type. Samantala, buffs ang maibibigay sa iyo ng mga support type heroes. At panghuli, crowd control at AoE naman ang silbi ng mga CC type heroes. 

Pros at Cons ng Crazy Plants: Random Defense

Kung ikukumpara sa iba pang mga tower defense games, ang isang ito ay mas mahirap dahil susubukan nito ang iyong mga kasanayan sa pagtatanggol sa isang tower sa abot ng iyong makakaya. Sa Crazy Plants: Random Defense, ang kailangan mo lang gawin ay i-level up ang iyong mga halaman at labanan ang mga parating na iba pang mga halimaw. 

Sobrang saya. Ipagmamalaki mo ang iyong sarili kapag kinaya mong talunin ang lahat ng mga halimaw na sinusubukan kang paslangin. Hindi mo na kailangang mag-isip ng kahit ano pa habang naglalaro ka ng Crazy Plants: Random Defense. Piliin lamang ang iyong pinakamahusay na mga hero at simulan ang laban. 

Ang totoo ay hindi ganoon karahas ang larong ito. Ang mga prutas at halaman, sa kabilang banda, ay medyo cute. Maaari mo lamang ipaglaban ang iyong hukbo ng prutas sa mga halimaw na iyon. Ngunit hindi mo dapat kalimutan na ang larong ito ay higit pa sa paggamit ng brute force at pakikipaglaban sa mga halimaw. 

Kailangan mo ring mag-isip ng mga pinakamahusay na paraan upang harapin ang iyong mga kaaway. Kailangan mong subukan ang iba’t ibang mga lineup at lumaban sa iba’t ibang paraan. Sa tower defense game na ito, napakahalaga na panatilihing upgraded ang iyong mga hero. Kailangan mong maging matalino upang talunin ang iyong mga kalaban. 

Sa prosesong ito, masasabik ka dahil magagawa mong pangunahan ang iyong hukbo ng prutas laban sa mga halimaw.

Konklusyon 

Parehas lang ang genre ng Crazy Plants: Random Defense at Plants vs. Zombies na tower defense. Pareho ring ginagamit ng dalawang laro ang konsepto ng mga halaman pero hindi kinopya ng Crazy Plants: Random Defense ang Plants vs. Zombies. Isang magandang mobile game ang Crazy Plants sa sarili nitong paraan. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...