Bloons TD 5 Review

Ang Bloons tower defense ang isa sa mga pinakanaunang tower defense games. Sobrang laki ng impluwensya nito sa isang genre na kinahihiligan ng marami. Noong ako ay bata pa, isa ang Bloons sa mga nilalaro ko sa mga flash game websites. Sobrang sayang maglaro ng Bloons noon at tama lang na tagurian ito bilang isang classic na video game. 

Sa kasalukuyan, mayroong anim na Bloons Tower Defense games at may iba pang spinoff games sa ilalim nito. Ang layunin mo sa Bloons ay iwasan na makarating sa dulo ng iyong mapa. Ngayon, ang larong tatalakayin natin sa Laro Reviews ay ang ikalimang installment sa Bloons Tower Defense series – ang Bloons TD 5. 

Bloons TD 5

Gaya ng ibang Bloons TD games, may pagkakataon kang bumuo ng mga tower, pumili ng upgrades, at paputukin ang mga Bloons na nagtatangkang salakayin ang iyong base. Walang storyline ang Bloons TD 5 subalit, siguradong puno ng mga pagsubok ang mobile game na ito. Ang Bloons ay akma para sa casual gamers na gustong maglibang. 

Sa ngayon, hindi lang sa mobile maaaring laruin ang Bloons TD 5. Maaari rin itong laruin sa Nintendo Switch, MAC, at XBOX One. 

Game features ng Bloons TD 5 

Maraming features ang Bloons TD 5 para sa mga manlalaro nito. Pagdating sa tracks, may limang difficulty ang tracks sa Bloons TD 5 at ito ay ang beginner, intermediate, advanced, expert, at extreme. Pagdating sa game modes, may easy, medium, hard, impoppable, apocalypse, deflation, sandbox, at mastery na pwede mong paglibangan. 

Pagdating sa rank 10, pwede kang makipaglaro sa ibang Bloons players dahil may cCo-op mode ang mobile game na ito. May 10 special agents at 10 special missions ang Bloons TD 5 para sa mga gustong maglaro nito. Pagdating sa graphics at audio, ang Bloons TD 5 ay may improved na 2D graphics kumpara sa ibang bersyon ng Bloons. 

Ang isa pang feature ng Bloons TD 5 ay ang events. Sa events, mananalo ka ng mga rewards kapag ginawa mo ang challenges na nakatakda para sa partikular na event. May mga bagong kalaban rin sa Bloons TD 5 na hindi mo pa nakikita sa ibang Bloons Tower Defense games. 

Saan maaaring i-download ang Bloons TD 5? 

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:

Download Bloons TD 5 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ninjakiwi.bloonstd5

Download Bloons TD 5 on iOS https://apps.apple.com/us/app/bloons-td-5/id563718995

Download Bloons TD 5 on PC https://store.steampowered.com/app/306020/Bloons_TD_5/

Download Bloons TD 5 on XBOX One https://www.xbox.com/en-US/games/store/bloons-td-5/C3Z7H6LR7223

Download Bloons TD 5 on Nintendo Switch https://www.nintendo.com/store/products/bloons-td-5-switch/

Tips at Tricks para sa Bloons TD 5

Ang pinakamabisang paraan upang maubos ang mga Bloons sa Bloons TD 5 ay ang paglalagay ng mga tower sa lugar kung saan sila pakkikinabangan nang lubos. Halimbawa, pinakamagandang ilagay ang Ninja Monkey at Tack Shooter sa gilid dahil kaya nilang umubos ng maraming lobo sa loob ng maikling oras. Samantala, magandang ilagay ang Ice Towers sa lugar kung saan maraming Bloons ang sumusulpot upang makontrol nito ang traffic. 

Dapat marami kang towers na ginagamit sa Bloons TD 5. Oo, may mga tower kang magiging personal mong paborito pero dapat mo ring subukan ang iba pa. Kailangan mong maunawaan na magkakaiba ang mga towers. Ang bawat isa ay may iba’t ibang abilidad. Nakakatulong din ang ibang towers upang mas lumakas ang paborito mong tower. 

Ang isa pang dahilan kung bakit dapat marami kang tower na ginagamit ay dahil hindi rin pare-parehas ang mga Bloons. May mga Bloons na nangangailangan ng isang partikular na tower upang pumutok. Halimbawa, hindi basta-basta puputok ang mga metal-coated Bloons kaya kailangan ng mga tower na kayang butasin ang mga ito. 

Sa Bloons, may tinatawag na kill zones kung saan dito napupuksa ang halos lahat ng Bloons. Kailangan mong magkaroon ng isang kill zone sa bawat stage. Magandang magkaroon ng kill zones sa tight turns dahil marami kang mapupuksang Bloons nang sabay-sabay. Sa larong Bloons TD 5, mas mainam na well-placed ang iyong towers kumpara sa pagkakaroon ng marami nito. 

Kailangan mo ring mag-upgrade ng towers kapag dumating ka na sa mas mataas na level. Sa kasamaang palad, kailangan mo ng in-game coins upang magkaroon ng upgrades. Dahil limitado lang ang pagdating ng coins, kailangan mong malaman kung anong tower ang dapat mong i-upgrade sa umpisa pa lang. 

Hindi ka magkakamali kapag inuna mong bigyan ng upgrade ang Monkey Dart, Tack Shooter, Monkey Village, Ice Tower, at Ninja Monkey. 

Pros at Cons ng Bloons TD 5

Ang iba pang mahalagang bahagi ng anumang Tower Defense game ay ang mga mapa. Salarong ito, maraming mapa ang mapagpipilian, at bawat isa ay may kanya-kanyang hamon. Sa mas madaling mapa, kadalasan ay maraming paikut-ikot na mga landas na nagbibigay sa iyo ng maraming oras upang alisin ang mga Bloons. Gayunpaman, habang gumagaling ka, nagiging mas kumplikado ang mga bagay-bagay. 

Maaaring kailanganin mong ipagtanggol ang higit sa isang teritoryo ng sabay-sabay, o maaaring mangailangan ka ng mga mapa na mayroong maraming tubig o mga pirate ship na karapat-dapat sa dagat. Maraming mgapagkakaiba-iba sa mga mapa upang mapanatili itong kawili-wili, at ang mga track ay nagiging mas mahirap sa isang mahusay na paraan. 

Magkakaroon ka ng maraming oras upang subukan ang iba’t ibang mga tore sa mga madadaling track bago lumipat sa mas mahirap. Mayroon ding iba’t ibang mga mode ang laro, tulad ng nakakatuwang mga mapa na may mga espesyal na panuntunan at ang odyssey mode, na nangangailangang malampasan mo ang ilang mga yugto na may isang hanay lamang ng mga buhay. 

Mayroong mga mapa para sa bawat mood at maraming iba’t ibang mga paraan ang Bloons TD 5 upang mabigyan ng hamon ang manlalaro. Ang mga mapa ay mapipilit ang mga manlalaro na mag-isip nang mabuti sa pamamagitan ng pagpapagamit sa kanila ng mga tore na hindi nila nakasanayan.

Konklusyon 

Ang Bloons TD 5 ay resulta ng improvements sa tower defense bawat taon. Ang larong ito ay maraming content, mapa, at game modes na hindi pagsasawaan ng mga lubos na humahanga rito. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...