Fieldrunners Attack Review

Nitong mga nakaraang araw, naghahanap ako ng isang strategy game kaso ayaw ko ng mga cliche strategy mobile games na parang ginaya lang mula sa Empires and Allies o Clash of Clans. Naghahanap ako ng bagong mobile game na mapapaglibangan ko kapag wala akong magawa. Miss ko na rin maging isang heneral na namumuno sa isang hukbo. 

Makalipas ang ilang sandali, nakakita ako ng isang mobile game na hindi ko pa nasusubukan. Ang pangalan ng larong ito ay Fieldrunners Attack. Ngayon ko lang nalaman na ang Fieldrunners ay isang mobile game na matagal na palang available. Ito ang larong tatalakayin natin ngayon sa dito sa Laro Reviews. 

Fieldrunners Attack 

Ang Fieldrunners Attack ay isang tower defense game na nai-release sa iOS noong 2008. Nagkaroon ng mga bersyon ang Fieldrunners para sa iba’t ibang platforms at naging available ang mobile game na ito sa Android noong 2011. Ang layunin mo sa Fieldrunners Attack ay bumuo ng isang hukbo ng mga sundalo, magtayo ng mga gusali, at kumuha ng resources. 

Sa Fieldrunners Attack, mabibigyan ka ng pagkakataong ipagtanggol ang iyong base at sakupin ang base ng iba. Hindi sumunod ang Fieldrunners Attack sa orihinal na Fieldrunners. Sa halip, nagmistulang isang light strategy game ito na may halong resource management mission. Ayon sa game critics, isa itong hakbang tungo sa tamang direksyon. 

Game features ng Fieldrunners Attack

Hindi gaya ng ibang tower defense games, maaari kang makapaglagay ng turrets dito kahit saan, at dito pupunta ang mga kalabang sumusugod sa iyong base. Mayroong resources sa Fieldrunners Attack na kailangan mong makuha upang makabuo ng gusali at makapag-recruit ng mga sundalo na makikipaglaban para sa iyong kaharian. 

May heroes ka rin na pwedeng ma-recruit sa Fieldrunners Attack. Ang mga hero na ito ay may unique skills na magagamit mo sa pakikipaglaban. Siguradong hindi ka rin mabibitin sa Fieldrunners Attack dahil may 60+ campaign missions ang larong ito. At kung hindi pa ito sapat, maaari kang makipaglaban sa ibang manlalaro. 

Kung mapatunayan mo ang iyong galing sa digmaan, siguradong tataas ang iyong rank sa global rankings ng Fieldrunners Attack. Ang ilan sa units na maaari mong makuha sa Fieldrunners Attack ay Soldiers, Rocketeers, Tanks, at iba pa. 

Saan maaaring i-download ang Fieldrunners Attack?

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:

Download Fieldrunners Attack on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.flaregames.fieldrunners

Download Fieldrunners Attack on iOS https://apps.apple.com/us/app/fieldrunners-attack/id1008111072

Download Fieldrunners Attack on PC https://www.gameloop.com/game/strategy/com.flaregames.fieldrunners

Tips at Tricks para sa Fieldrunners Attack 

Ang pinakamadaling paraan upang manalo sa Fieldrunners Attack ay alamin kung ano ang kakayahan ng iyong units. May mga lakas at kahinaan ang mga ito na iyong makikita sa troop type. Alamin mo muna ang task na kailangan mong gawin bago mag-train ng troops upang magkaroon ng ideya kung saan sila mahusay. 

Maaaring sanay ka sa ibang strategy games kung saan tapos na agad ang laban kapag nawasak mo ang headquarters ng kalaban. Hindi ganito ang tamang paraan upang manalo sa Fieldrunners Attack. Sa mobile strategy game na ito, kailangan mo munang wasakin ang ibang gusali at ihuli ang pagwasak sa HQ ng kalaban. 

Mas maraming rewards ang mapupunta sa iyo kapag inuna mong wasakin ang ibang gusali ng kalaban bago ang HQ. Subalit, kailangan mo ring tandaan na kung matatalo ka sa paglusob, mas mabuting unahin mong wasakin ang HQ ng kalaban. Mahalaga rin na mag-upgrade ng Loot Transport upang mas marami kang rewards na makuha sa bawat paglusob. 

Pagdating sa pagsalakay, isa sa pinakamagagaling na diskarteng pwede mong magawa ay ang pag-atake sa power stations. Kapag nawasak na ang power stations, mawawalan na rin ng kapangyarihan ang lahat ng defensive towers ng kalaban. At kapag disabled na ang  mga towers, mas madali nang wasakin ang buong base ng kalaban dahil wala nang aatake sa iyo. 

Ang isa pang kaibahan ng Fieldrunners Attack sa ibang base management game ay pwede mong igalaw ang individual squads kahit saan nang walang ginagamit na flare. Ibig sabihin, kung may isang pulutong ka ng sundalo, ang ⅓ dito ay maaaring sumugod sa mga gusali, ang ⅓ ay maaaring magpokus sa defensive towers, at ang ⅓ ay pwedeng umatake sa power stations. 

Pagdating naman sa depensa, sobrang laking tulong ng paggawa ng mga walls upang maprotektahan ang iyong base. Kapag mas mahirap mawasak ang isang pader, mas mataas ang tsansa na mapuksa ang mga kalaban habang winawasak nila ang mga pader mo. Huwag mong kalimutan na bigyan ng upgrades ang iyong pader. 

Pros at Cons ng Fieldrunners Attack 

Ang una kong napansin sa Fieldrunners Attack ay ang 3D graphics nito na sobrang aesthetically-pleasing sa mata. Mula sa mga gusali, units, at characters, sobrang layo ng agwat sa graphics quality ng Fieldrunners at Fieldrunners Attack. Higit na mas pinaghirapan ang Fieldrunners Attack. Subalit, iba ang opinyon ko pagdating sa audio. 

Hindi ganoon kaganda ang audio ng Fieldrunners Attack. Kung tutuusin, average lang naman ang sounds nito pagdating sa sound effects, pero sobrang laking turn-off para sa akin ng gibberish language na ginagawa ng mga characters tuwing may tutorial na lumalabas sa screen. Mas maganda sana kung hindi wala na lang inilagay na audio. 

Pagdating naman sa gameplay, hindi rin ganoon kaganda ang gameplay ng Fieldrunners Attack. Malayung-malayo ang larong ito sa orihinal na Fieldrunners dahil kapag inaatake ang iyong base, hindi ka man lang magkakaroon ng pagkakataong tumulong na ipagtanggol ito. Nawala sa Fieldrunners Attack ang elemento ng tower defense. 

Sa halip, itutulak ka ng laro sa mga path ng pag-a-upgrade sa pamamagitan ng paggawa ng missions at pag-asa sa upgrades upang makausad ng tuluyan sa laro. Ang ilan sa mga misyon na ito ay maaaring maging masaya, ngunit karamihan sa mga ito ay katumbas  lamang ng pagpindot sa isa o dalawang mga pindutan at pagkatapos ay naghihintay na may mangyari.

Konklusyon 

Ang Fieldrunners Attack ay isang laro na tungkol daw sa strategic base management at labanan, ngunit nabigo itong maipakita ang relevance sa parehong  larangan. Higit pa rito, hindi nito lubos na nagagamit ang anumang bagay na naging kaakit-akit sa Fieldrunners noong una. Para sa akin, ang Fieldrunners Attack! ay isang nakakadismayang laro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...