Cricket League Review

Ang miniclip.com ay isang beterano pagdating sa game development. Ang website ng Miniclip ay nagsimula noong 2001 at hanggang ngayon ay gumagawa pa rin sila ng games para sa lahat. Noong panahon ng Flash games, Miniclip ang isa sa mga nangungunang websites na naghahatid nito. Ngayon, may mobile versions na ang mga larong ito. 

Maraming laro ang Miniclip at isa sa mga genre na ginagawa nila ay ang sports games. Ang ilan sa mga pinakasikat nilang sports games ay ang 8-ball pool, Basketball, at Golf Battle. Nagustuhan ito ng mobile gamers dahil sobrang simple lang ng mechanics ng mga mobile games na ito. Ngayon, ang tatalakayin nating laro sa Laro Reviews ay ang Cricket League. 

Alamin natin ang katangian ng larong ito at kung nararapat ba ang Cricket League na mailagay sa parehong pedestal kung nasaan ang ibang Miniclip games. 

Cricket League

Ang Cricket League ay isang larong matagal nang na-release ng Miniclip at kagaya ng iba pang Miniclip games, may mobile version na ito kung saan makakapaglaro ka na ng cricket kahit nasaan ka pa. Para sa hindi pa nakakaalam, ang Cricket League ay isang 3D cricket game kung saan makikipaglaro ka ng cricket online laban sa ibang manlalaro. 

Sobrang simple lang ng interface at gameplay ng Cricket League. Sa larong ito, may pagkakataon kang gumawa ng sarili mong cricket team at maglaro sa iba’t ibang stadiums. Sa Cricket League, wala ka nang kailangan intindihin pa kundi ang maglaro. Walang storyline, walang training ng characters, at walang kung anu-anong game features na malayo sa cricket. 

Game features ng Cricket League 

May mga feature ang Cricket League na hindi kumplikado kaya nasabi kong simple lang itong laruin. Una, halos tatlo hanggang limang minuto lang ang itinatagal ng bawat cricket game sa larong ito. Bukod dito, sobrang simple rin ng controls ng Cricket League para sa bowler at batting player. Kaya mong matutunan ang controls ng Cricket League sa loob ng isang minuto. 

Ang isa pang feature ng Cricket League ay ang multiplayer option nito. Sa bawat laro mo ng Cricket League, makakasiguro ka na hindi NPC o Artificial Intelligence ang iyong kalaro kundi totoong tao talaga na gusto ring maglaro ng cricket. Bukod pa rito, maaari ka ring makipaglaro sa iyong mga kaibigan ng cricket sa Cricket League.

Oo, simple lang ang Cricket League pero may game purchases ka ring pwedeng makuha rito. Una, maaari mong ma-unlock ang 25 players na may iba’t ibang skills at stats. May mga bola ka rin na pwedeng mabili sa Cricket League na magpapataas ng iyong tsansang manalo. Sa Cricket League, makakapaglaro ka rin sa iba’t ibang stadiums. 

Maaari mong patunayan ang sarili mo bilang isang magaling na cricket player sa pamamagitan ng paglalaro sa Mumbai, Karachi, Adelaide, Dubai, Johannesburg, Dhaka, Melbourne, at London. Maraming liga sa Cricket League at nasa iyong kamay kung magtatagumpay ka. 

Saan maaaring i-download ang Cricket League? 

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:

Download Cricket League on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.miniclip.cricketleague

Download Cricket League on iOS https://apps.apple.com/nz/app/cricket-league/id1580603339

Download Cricket League on PC https://www.bluestacks.com/apps/sports/cricket-league-on-pc.html

Tips at Tricks para sa Cricket League 

Pagdating sa batting, ang pinakamainam na diskarte ay pakiramdaman kung saang direksyon gustong itapon ng bowler ang bola. Agad na pumunta sa direksyon na ito at kapag handa na ang batter, i-drag ang bat backwards at i-release ito kapag nakita mo nang lumapag ang bola sa lupa. May timing bar sa kaliwang gilid ng screen kapag nangyari ito. Sikapin mo na green at blue ang matamaan. 

Kung gusto mo naman maging isang magaling na bowler, kailangan mong piliin ng maigi ang uri ng bowler na magtatapon ng bola. Mas maganda kung mayroon kang pacer, medium pacer, at spin option sa iyong team. Bukod sa uri ng bowler, mas maganda kung marami kang special balls para sa buffs. Makakatulong rin na piliin mong mabuti ang pitching style. 

Kung ikaw ang bowler, huwag mong itatapon ang bola sa pare-parehong paraan. Dapat mong ibahin ang iyong pitching style at mismong area kung saan mo itatapon ang bola upang hindi ka maging predictable sa mata ng batting player. Kapag fastball ang style ng bowler, dapat mong ibahin ang bilis ng pagtatapon ng bola. 

Pros at Cons ng Cricket League 

Sobrang addictive ng Cricket League at para sa isang taong walang interes sa sport na cricket, ilang oras rin akong nakatutok sa screen ng aking mobile phone. Marahil, ang dahilan kung bakit sobrang addicting ng larong ito ay dahil maikli lang ang bawat game pero agad kang ikokonekta sa ibang manlalaro matapos ang bawat match. 

Dahil sa maiksing oras bawat match, mas namumuo ang thrill para sa mga manlalaro. Sobrang gandang kumbinasyon ng maiksing game time at enjoyable na gameplay upang maadik ang isang tao sa Cricket League. Hindi rin madamot ang Cricket League sa mga rewards na binibigay nito sa mga manlalaro. 

Sa bawat panalo mo, may coins at card pack kang makukuha. Sa bawat packs, may player cards at special balls na para sa iyo. Kung sakaling makakuha ka ng isang player na nasa current roster mo, maaari mong gamitin ang card na ito upang ma-upgrade ang skills at stats ng player. 

Ang isa pang kagandahan ng larong ito ay maaari kang makipaglaro sa iyong mga kaibigan basta i-connect mo ang Cricket League sa iyong Facebook account. Bukod pa rito, kahit sino ay makakapaglaro ng Cricket League. Bata, matanda, marunong maglaro ng cricket, o kahit isang taong gaya ko na walang alam rito ay maeengganyo talaga. 

Maaari mong ilagay lahat ng pinakamagandang features ng isang mobile game sa gagawin mong laro, pero walang silbi ang mga ito kung hindi naman naiintindihan ng mga manlalaro kung paano ito laruin. Simple lang ang Cricket League pero naiintindihan ito ng lahat at hindi boring dahil sa matchmaking nito na sobrang random. 

Pagdating sa controls, sobrang minimalistic lang ng ginawa ng Miniclip sa larong ito. Kung hindi ka magaling sa mobile games, hindi mo kailangang mag-alala dahil ang pinakaimportante lang sa controls ng Cricket League ay ang timing. Makakatulong ang in-game purchases pero hindi mo kailangang umasa sa mga ito upang dumalas ang iyong pagkapanalo. 

Konklusyon 

Sobrang simple ng Cricket League pero imposible na hindi mapukaw ang atensyon mo sa mobile game na ito. Dapat mapunta ang Cricket League sa top sports games ng Miniclip dahil deserving ang mobile game na ito. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...