BIG WIN Soccer: World Football 18 Review

Sa dinami-dami ng soccer games ngayon para sa mobile phones, ang mobile soccer game na aangat kumpara sa iba ay ang mga larong makikita mo online. Kadalasan, dalawang landas lang ang tinutungo ng football games para sa Android at iOS devices at ito ay ang direktang paglalaro ng football o ang pagiging isang manager ng isang football club. 

Pagdating sa football manager games, gusto mo ng laro kung saan nasa iyo lahat ng awtonomiya na kontrolin at buuin ang sarili mong football team. Pero syempre, kailangan din na maging makatotohanan ng laro hangga’t maaari. Ang larong tatalakayin natin ngayon sa Laro Reviews ay ang BIG WIN Soccer: World Football 18. Alamin natin ang mga katangian ng larong ito. 

BIG WIN Soccer: World Football 18

Sa larong BIG WIN Soccer: World Football 18, kailangan mong maging isang team manager ng isang football club. Hindi gaya ng ibang mobile games tungkol sa football, hindi lang isang sports managing game ang BIG WIN Soccer: World Football 18. Ang larong ito ay gumagamit din ng mga elemento na makikita mo sa mga card games. 

Sa BIG WIN Soccer: World Football 18, makukuha mo sa mga card packs ang lahat ng players at skills. Walang storyline ang larong pero ang main goal mo dito ay maging isang mahusay na football manager. Sa BIG WIN Soccer: World Football 18, makikita ng lahat kung hanggang saan mo kayang dalhin ang iyong football team. 

Game features ng BIG WIN Soccer: World Football 18

Ang isa sa mga natatanging features ng BIG WIN Soccer: World Football 18 ay ang mga game modes nito. Ang unang game mode sa larong ito ay ang Friends Mode kung saan maaari kang makipaglaro ng football laban sa iyong mga kaibigan. Para sa game mode na ito, kailangan mong i-connect ang iyong Facebook account sa BIG WIN Soccer: World Football 18. 

Ang susunod na game mode ay ang Events Mode kung saan may limited cup events na pwedeng salihan ang iyong football team. Maraming prizes ang naghihintay sa mga magwawagi sa Event Mode kaya hindi ka dapat magpatalo. Samantala, may Trophy Mode naman kung saan kailangan mong masungkit ang mga amateur at pro trophies ng BIG WIN Soccer: World Football 18. 

At kung gusto mo lang ng isang exhibition match o subukan ang husay ng iyong team, maaari kang maglaro sa Quick Match mode. Hindi gaya ng ibang football games para sa mobile phones, hindi mo malalaro nang direkta ang mga players sa BIG WIN Soccer: World Football 18 tuwing ikaw ay may football game. Sa larong ito, para ka lang nanonood ng football. 

Sa BIG WIN Soccer: World Football 18, ang tanging paraan upang makontrol mo ang iyong pagkapanalo ay sa pamamagitan ng pag-upgrade ng iyong mga manlalaro at sa Big Impact cards na gagamitin mo bago magsimula ang laro. Ang Big Impact cards ay cards na nagsisilbing power-ups at buffs ng iyong team. Malaki ang epekto nito sa resulta ng laro. 

Ang ilan sa mga Big Impact cards na maaari mong magamit sa BIG WIN Soccer: World Football 18 ay ang super strike, crunching tackles, great ball, free kick focus, off the woodwork, penalty power, at iba pa. 

Saan maaaring i-download ang BIG WIN Soccer: World Football 18

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:

Download BIG WIN Soccer: World Football 18 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.hotheadgames.google.free.bigwinsoccer

Download BIG WIN Soccer: World Football 18 on iOS https://apps.apple.com/us/app/big-win-soccer-world-football/id481896903

Download BIG WIN Soccer: World Football 18 on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-21142-big-win-soccer-world-football-18/pc

Tips at Tricks para sa BIG WIN Soccer: World Football 18

Para sa mga nag-uumpisa pa lang maglaro ng BIG WIN Soccer: World Football 18, ang pinakamagandang tip na maaari kong ibigay ay ang paggamit nang wasto sa iyong pera. Mahalagang makuha mo ang silver pack kapag may pagkakataon dahil kung magagawa ito, mas malaki ang pagkakataong makakuha ng mas magagaling na players. 

Kapag nakita mo na may exclamation mark sa card ng isa mong player, agad mo itong pindutin at tingnan kung aling area of expertise ang gusto niyang sanayin. Mainam na sanayin mo ang manlalarong ito sa skill na gusto niya upang mas gumanda ang kanyang paglalaro sa field. Isa pang paraan upang mapataas mo ang iyong tsansang manalo ay kapag pinataas mo ang iyong team chemistry. 

Pagdating naman sa mga kontrata ng mga manlalaro, dapat mong tingnan ang overall rating ng iyong manlalaro at siguraduhin mong nasa kanila ang mahabang contract. Mas gugustuhin mong ibigay ang isang 32-week contract sa isang player na 70 overall kumpara sa isang player na 50 overall. 

Pros at Cons ng BIG WIN Soccer: World Football 18

Sa palagay ko, hindi ganoon ka-impressive ang graphics ng BIG WIN Soccer: World Football 18. Ang graphics ng larong ito ay sapat para hindi mo masabing pangit pero hindi rin ito ganoon kaganda para sabihin mong “mind-blowing.” Sa katunayan, ang una kong naisip noong nakita ko ang itsura ng mga avatar dito ay mistulang fusion ito ng Wii Sports at Roblox avatars. 

Pagdating sa cards, syempre mas matataas ang stats ng players na makukuha mo sa gold cards kumpara sa silver at bronze. Makukuha mo rin sa gold packs ang mas magagandang kits, abilities, at Big Impact cards. Dahil dito, mas pinipilit ng developers na gumastos ka ng totoong pera. Masamang balita para sa mga manlalarong hindi gustong gumastos ng pera. 

Mas okay sana kung ang in-game purchases sa BIG WIN Soccer: World Football 18 ay hindi ganoong nakakaapekto sa mismong gameplay nito. Ang ilan sa in-game purchases na maaari sanang maging alternatibo sa gold packs ay unlimited energy o pagiging ad-free ng laro. Sa ganitong paraan, hindi ganoon kalaki ang lamang ng isang taong may in-game purchases sa isang taong naglalaro lamang ng kaswal. 

Noong una, akala ko ay hindi ako malilibang na manood ng isang simulated soccer game pero mali ako. Kahit papaano, nakakaengganyo namang panoorin ang simulation ng mga laro. 

Konklusyon 

Ang BIG WIN Soccer: World Football 18 ay isang average na laro. Maayos ang pagkakagawa sa mobile game na ito, at pwede mo ring subukan kung iyon ang iyong nais. Ngunit, mas marami pang magagandang football manager games online na kailangan mong masubukan.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...