Criminal Case: Paris Review

Mahilig ka bang manood ng mga dokumentaryo ng krimen sa Netflix? Kahindik-hindik mang isipin, ngunit nakamamangha rin kung paano nagagawa ng mga kriminal ang mga serye ng pagpatay o kaya naman ay matinding panloloko sa kapwa. Kadalasa’y sila iyong mga taong may maamong mukhang hindi mo aakalaing kayang gumawa ng matinding krimen. Gayunpaman, nakakatuwang isipin ding may mga detective ding kayang ikubli ang kasamaang ginawa ng mga masasamang loob. Kahit na ilang beses nilang subukang dayain at i-tamper ang mga clue sa crime scene, nakikita pa rin ng mga propesyonal na ito ang kasinungalingan ng mga kriminal. Sa bandang huli ay nahuhuli ang nararapat na suspect at napapatawan ng karampantang parusa. 

Hindi na rin nakapagtataka kung bakit tanyag din ang mga larong may ganitong tema. Noon pa man ay namamayagpag na ito sa industriya ng gaming at isa na ang Criminal Case: Paris sa kinikilalang laro pagdating dito. Ito ay dinevelop ng Pretty Simple na isang kumpanyang nagmula sa bansang France. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit detalyado ang kanilang pagsasalarawan sa siyudad ng Paris na tampok sa larong ito dahil sila mismo ay isang independienteng French na game developer. Bilang manlalaro, samahan ang mga pulis na resolbahan ang samu’t saring serye ng pagpatay, pag-imbestiga sa crime scene, at pagsuri sa mga ebidensya!

Features ng Criminal Case: Paris

Halughugin ang City of Romance habang nireresolba ang mga serye ng pagpatay! Ang gameplay ng Criminal Case: Paris ay umiikot sa paghahanap ng mga bagay na kinakailangan para malutas ang mga krimen. May iba’t ibang lokasyon at makikita rito ang sandamukal na mga gamit at dito mo iki-click ang mga bagay na nakasaad sa listahan. Bukod dito, tampok din sa gameplay ng Criminal Case: Paris ang iba pang elemento tulad ng pagtatanong sa mga potensyal na suspek, pagsasagawa ng autopsy sa bangkay ng biktima para makakuha ng dagdag clues, at iba pang gawaing makakatulong sa iyong malutas ang kaso. 

Itong mga dagdag na feature na ito ng Criminal Case: Paris ang ilan sa mga dahilan kung bakit nga ba angat ang larong ito kumpara sa ibang mga larong may kahalintulad na tema. Dahil kakaiba ang karanasang masisilayan at tunay ngang maisasapamuhay ang mga gampanin ng isang detective. Mapapagana pa nito ang iyong isipan kung paano malulutas ang mga kaso. Mahahasa rin ang iyong talas ng paningin sa paghahanap ng mga bagay dahil limitado lamang ang nakalaang oras sa bawat lokasyon.

Saan Pwedeng I-download ang Criminal Case: Paris?

Basahing maigi ang bawat hakbang mula sa Laro Reviews kung nais masimulan ang teaching simulation game na ito. Gamit ang iyong mobile device, pumunta sa App Store para sa mga iOS user at Google Play Store naman para sa mga Android user. Ilagay sa search bar ang Criminal Case: Paris. I-click ang icon ng laro matapos itong mahanap. Hindi na kailangang magbayad ng anumang halaga bago makapagsimula. Hintayin lang ang ilang minuto bago ma-download ang app at maaari nang simulan ang paglalaro! 

Narito ang mga link kung saan pwedeng i-download ang laro: 

Download Criminal Case: Paris on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.prettysimple.cityofromanceandroid

Download Criminal Case: Paris on iOS https://apps.apple.com/ph/app/criminal-case-paris/id1517802794

Tips at Tricks sa Paglalaro

Dahil nakaangkla ang istorya ng Criminal Case: Paris sa de-kalidad nitong istorya, tiyaking basahin ang istorya at dayalogo. Bukod sa may mga posible itong clue para matukoy ang tunay na kriminal, maiintindihan mo pa ang daloy ng kwento na makapagbibigay sa iyo ng aktwal na karanasan bilang detective. 

Pagdating sa paghahanap ng mga kagamitan, mainam kung oobserbahan mo muna ang mga nakalatag na gamit sa lokasyon ng krimen at tingnan ang mga bagay na nakasaad sa listahan. Huwag mo munang pindutin ang mga ito dahil mas maganda kung sunud-sunod itong pipindutin para makahanap ng bonus points. Maisa-suggest din ng Laro Reviews na taasan ang brightness ng mobile device na iyong gagamitin para sa swabeng gaming experience. Makakatulong ito upang mapadali ang iyong paghahanap. Lagi ring antabayanan ang oras para hindi lumagpas. Kung sakaling may ilan pang mga gamit na hindi pa nahahanap, gumamit ng help objects para matulungan kang matukoy ang lokasyon ng mga ito. Ngunit huwag bara-bara ang pag-consume ng mga ito dahil limitado lamang ito. 

Habang nagsasagawa ng pagtatanong sa witness at mga suspek, obserbahan ang kanilang sinasabi kung tugma ba ito sa clues at logs na mayroon ka. Siyasatin din ang kanilang body language dahil madalas ay makikita kung sila nga ba ay nagsasabi ng totoo o hindi. Kung may alibi man silang ibibigay, i-cross reference ito sa ilang pruwebang naitala. Oras na isinagawa mo ang mga ito, mas magiging madali na para sa iyo ang paghahanap ng tunay na kriminal. 

Pros at Cons ng Criminal Case: Paris

Ang Criminal Case: Paris ay isang halimbawa ng napakahusay na larong may tema ng puzzle at paghahanap ng mga bagay. Tunay ngang binigyang hustisya ng larong ito ang buong serye ng Criminal Case. Nagtatampok ito ng de-kalidad na gameplay, malikhaing plot at setting, at matingkad na visual. Bukod pa rito, masinsinan ding ipinaliwanag ng larong ito ang pundasyon sa pamamagitan ng detalyadong tutorial. Tiniyak na ang mga bagong mga manlalarong hindi pamilyar patungkol dito ay hindi magkakaroon ng anumang problema oras na magsimula sa paglalaro. Dagdag pa rito, talaga nga namang hindi nagkulang pagdating sa usapin ng graphics ang Criminal Case: Paris. Nagtatampok ito ng mga magagandang disenyong puno ng detalye. Binigyang-buhay rin nito ang tanyag na lungsod ng Paris. Hinaluan pa ng swak na background music, matingkad na mga kulay, at kahanga-hangang visuals. 

Sa kabila ng mga papuri para sa larong ito, may mga kailangan pa ring pag-ibayuhin dito. Kagaya na lamang ng mahabang oras na kinakailangan sa paghihintay ng lab results. Tinatayang umaabot ito ng humigit kalahating araw para lamang makuha ito. Madalas ay nauubusan ka na ng gawain kaya wala nang masyadong gagawin matapos nito. Mainam sana kung babawasan ng game developers ang oras ng paghihintay para hindi masyadong mabagot ang mga manlalaro sa paghihintay. Kaya itong tiisin sa umpisa, ngunit habang umuusad sa laro ay mapapansing masyado nga itong mahaba. 

Konklusyon

Kung ikaw ay naghahanap ng de-kalidad na larong may tampok na paghahanap ng mga bagay, at sinamahan pa ng nakakaintrigang pagresolba ng mga krimen, ito na ang kasagutan! Kahanga-hanga ang Criminal Case: Paris pagdating sa visuals, istorya, detalyadong lokasyon, at higit sa lahat ay mala-totoo nitong mga kaso. Mapapatawa ka rin sa ilang mga linya dahil ang witty ng mga palitan sa dayalogo. Gayunpaman, kung hindi ka sanay maghintay nang matagal ay baka mabagot ka sa larong ito. Upang makuha ang lab results, umaabot ng halos kalahating araw ang kailangang hintayin upang makuha lamang ito. Bagama’t maaari ka namang maglabas ng aktwal na pera para mapabilis ang resultang hinihintay. Handa ka na bang resolbahin ang mga kaso sa Paris? I-download na ang Criminal Case: Paris!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...