Design Home: Real Home Decor Review

Ano ang Design Home: Real Home Decor?

Ang Design Home: Real Home Decor ay isang masaya at nakakarelaks na simulation game kung saan maaari mong subukan ang paggawa ng interior design. Ang larong ito ay inilabas ng Crowdstar Inc. noong Nobyembre 16, 2016. Maaari mong pagsamahin ang iba’t ibang mga muwebles at iba pang dekorasyon upang mabuo ang iyong dream house gamit ang larong ito! Maaari mong i-customize ang lahat ng detalye tulad ng mga accent carpet at mga wallpaper mula sa iba’t ibang kagamitan na available sa laro. Marami pang feature na tatalakayin sa artikulong ito mula sa Laro Reviews kaya siguraduhing tapusin ang pagbabasa nito hanggang sa dulo.

Paano i-download ang laro?

Ang larong ito ay maaaring i-download gamit ang sumusunod na links:

Download Design Home: Real Home Decor on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.crowdstar.covetHome

Download Design Home: Real Home Decor on iOS https://apps.apple.com/us/app/design-home-dream-makeover/id1010962391

Design Home: Real Home Decor - Laro Reviews

Design Home: Real Home Decor – Laro Reviews

Mga Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro

Sa simula ng laro, tatanungin ka kung gusto mong mag-sign in gamit ang iyong Facebook account. Ang pag-sign in sa iyong Facebook account ay magbibigay-daan sa iyo upang makalaro sa maraming device ngunit maaari mong piliin na maglaro gamit ang isang Local Account sa isang device. Pagkatapos ay lalabas ang mga verbal window message sa iyong screen upang bigyan ka ng maikling impormasyon tungkol sa larong ito. Ang layunin ng laro sa Design Home: Real Home Decor ay makumpleto mo ang mga pang-araw-araw na hamon sa pamamagitan ng pagpapaganda ng mga 3D na kuwarto. Bibigyan ka ng isang bakanteng silid upang pagandahin sa pamamagitan ng mga muwebles at dekorasyon. Tandaan na ang lahat ng mga kasangkapan at mga dekorasyon ay tugma sa tema. Minsan, ang minimalistic view ay nagbibigay ng positibong reaksyon mula sa ibang manlalaro.

Ang iyong unang challenge ay lumikha ng isang fresh at modernong sala para sa New York City Theme. May mga purple na icon na magpa-pop up sa iyong screen na kumakatawan sa mga kagamitan at mga dekorasyon na kakailanganin mo upang malagyan ng design ang bakanteng silid. Ang mga kagamitan ay binubuo ng mga sofa, cocktail table, accent table, accent chair, accent cabinet at iba pa. Kailangan mo lamang i-tap ang mga icon upang simulan ang pamimili.

Ang mga muwebles na ilalagay mo ay hindi basta-basta dahi ang mga ito ay nagmumula sa mga sikat na brand tulad ng Kathy Kuo, Pottery Barn, West Elm at iba pa. Habang namimili ka, makikita mo ang aktwal na item sa kwarto para mapadali ang iyong pagde-design. Makikita mo kaagad kung tumutugma ang mga kagamitan sa kinakailangang tema ng challenge. Ang mga item na iyong binibili ay automatic na idadagdag sa iyong imbentaryo. Maaari mong makita na ang ilan sa iyong napiling kagamitan ay mangangailangan ng karagdagang dekorasyon. Halimbawa, ang ilan sa mga accent table ay maaaring mangailangan ng mga palamuti sa ibabaw nito.

Pagkatapos, ang mga manlalaro sa buong mundo ay boboto para sa iyong disenyo at kakailanganin mo rin na bumoto para sa kanila. Anuman ang kinalabasan ng iyong unang disenyo, ikaw ay gagantimpalaan ng $18,000 na in-game cash, 72 na keys at 8,000 na dyamante. Ang in-game cash ay nakukuha mula sa Challenges at kailangan para makabili ng mga muwebles at dekorasyon. Sa kabilang banda, ang mga susi ay kinakailangan para sa pagsali sa challenges habang ang mga dyamante ay ginagamit upang bumili ng mga premium na item. Ito rin ay maaaring i-convert sa keys o in-game cash. Maaari kang makakuha ng mga dyamante mula sa mga premyo o mula sa Premium Store.

Pagkatapos ng iyong unang disenyo, magsisimula ang tunay na hamon dahil kailangan mong i-budget ang iyong pera at lumikha ng kahanga-hangang disenyo batay sa tema para kumita ng pera, mga susi, dyamante at makakuha ng stars mula sa boto ng mga manlalaro. Tataas ang difficulty at kumpetisyon habang nilalaro mo ito. Ang roadmap sa iyong pangarap sa pagdidisenyo ng mga kwarto ay magsisimula sa larong ito!

Related Posts:

Blade & Soul Revolution

Ulala: Idle Adventure Review

Design Home: Real Home Decor - Laro Reviews

Design Home: Real Home Decor – Laro Reviews

Design Home: Real Home Decor – Tips at Tricks sa Paglalaro

Bagama’t simple at madaling sundin ang gameplay ng Design Home: Real Home Decor, itinuturing na mahirap at mapanghamon ang aspeto ng pamamahala ng mga pera sa laro. Narito ang pinakamahusay na tips at tricks mula sa Laro Reviews para magtagumpay ka sa larong ito:

  • Mangolekta ng freebies

Maituturing na mahirap na trabaho ang pamamahala ng iyong kaunting funds. Ang mga premium na muwebles na nagpapaganda ng iyong disenyo ay nagkakahalaga ng mga dyamante na sadyang limitado ang bilang. Maliban diyan, ang iba pang mga kagamitan ay magkakahalaga pa rin ng hindi bababa sa isang libong in-game cash. Sa iyong limitadong supply ng mga pondo, dapat araw-araw mong kinokolekta ang iyong libreng mga dyamante at mga tiket. Ikaw ay gagantimpalaan ng may 20 na keys at 500 na dyamante para sa araw-araw na pagbubukas ng app.

  • Sumali sa daily challenges

Mayroon ding daily challenges kung saan maaari kang kumita ng hindi bababa sa $2,500 at kapalit ng 20 na keys. Iyon ay ang parehong 20 na keys na makukuha mo mula sa iyong daily freebies! Kaya dapat palagi kang sumali sa daily challenges na ito upang makaipon ka ng malaking pondo. Mahusay din ang mga challenge na ito upang masanay ang iyong kakayahan sa pagdidisenyo.

  • Magsimula sa mga murang kagamitan

Para sa mga baguhan, mainam na magsimula sa mga mumurahing muwebles at bumili lamang ng mga mamahalin kapag naipon mo na ang iyong pondo. Ito ay maaaring nakakadismaya dahil ang mga mamahaling item ay maaaring lumikha ng mas magandang resulta sa iyong disenyo. Gayunpaman, ito ay isang katotohanan sa buhay kung saan palagi kang nagsisimula sa maliit na puhunan at sa iyong pamamahala, makakaipon ka ng mas maraming pondo para i-upgrade ang iyong mga kagamitan sa pagdidisenyo.

Design Home: Real Home Decor - Laro Reviews

Design Home: Real Home Decor – Laro Reviews

Design Home: Real Home Decor – Pros at Cons ng Laro

Ang Design Home: Real Home Decor ay isang magandang simulation sa career path ng isang interior designer. Hindi lang iyon, kahit na ang mga normal na tao na nangangailangan lamang ng inspirasyon para sa kanilang mga ideya sa pagsasaayos ng bahay o silid ay maaaring mag-explore sa pamamagitan ng larong ito. Maaari mo ring ipahayag ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng iyong mga disenyo. Gamit ang features ng laro, ito ay itinuturing na isa sa mga nangungunang simulation game tungkol sa interior designing.

Ang isa pang makatotohanang feature ng laro ay ang mekanismo ng pagboto. Dito nagsisimula ang kumpetisyon pati na rin ang pakikisalamuha sa ibang manlalaro na makikita rin maging sa totoong buhay ng isang interior designer. Tinitignan ng iyong mga customer ang iyong kakayahan pati na rin ang iyong social skills. Nakakaakit ito ng mas maraming customer. Sasanayin ng larong ito ang mga taong may pangarap na maging interior designer.

Ang pinakamagandang feature ng larong ito ay ang artwork. Ang lahat ng mga nilalaman sa laro, kahit sa mga pinakamaliit na detalye, ay napakaelegante tingnan. Ang kakaiba sa laro na ito kumpara sa iba pang simulation game ay ang paggamit nito ng mga sikat na brand ng mga kagamitan sa buong mundo. Maaaring gamitin ng mga manlalaro ang mga high-end na kagamitan sa kanilang mga disenyo habang ang mga kumpanya ay nakakakuha rin ng libreng ads sa pamamagitan ng larong ito. Napakahusay din ang user interface ng larong ito. Kailangan mo lang i-tap ang mga purple na icon ng muwebles na gusto mong gawin at maaari ka nang pumili ng disenyo na akma sa iyong tema at badyet.

Ang larong ito ay isang nakakarelaks na laro at ito ay lubos na inirerekomenda para sa mga manlalaro na hindi pa natutupad ang kanilang dream house o para sa mga manlalaro na mga interior designer. Matututo kang maging malikhain at maging maingat sa iyong pondo. Makakakuha ka rin ng mga ideya mula sa mga disenyo ng mga manlalaro sa buong mundo. Totoo na ang mga manlalaro na nagbabayad ng totoong pera ay may kalamangan sa larong ito ngunit kaya mong gawin ang iyong nais na disenyo sa pamamagitan ng iyong pagkamalikhain!

Konklusyon

Ang Design Home: Real Home Decor ay isang nakakarelaks na interior designing game. Ang mga nilalaman ng larong ito ay mula sa mga sikat na brand ng kagamitan sa buong mundo upang masubukan mo ang kanilang mga produkto. Lalabas ang iyong pagkamalikhain sa larong ito. Matututo ka ring maging responsable sa iyong pera. Kung naghahanap ka ng libre ngunit mahusay na simulation game sa pagdidisenyo, subukan na ngayon ang Design Home: Real Home Decor!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...