The Lord of the Rings: War Review

Ano ang The Lord of the Rings: War?

Ang Lord of the Rings: War ay isang seasonal tile-based city-building strategic wargame. Ang laro ay inilabas ng Netease Games Global noong Setyembre 23, 2021. Ang larong ito ay may seasonal na aspeto kung saan maaaring umunlad ang mga manlalaro sa pamamagitan ng pagkumpleto ng iba’t ibang kabanata na nakabatay sa storyline ng laro. Habang nagpapatuloy ang mga manlalaro sa mga bagong kabanata, ang mga bagong misyon na nagsisilbing gabay ay makakatulong sa kanila sa kabila ng pagkakumplikado ng gameplay nito. Marami pang feature na tatalakayin sa artikulong ito mula sa Laro Reviews kaya siguraduhing tapusin ang pagbabasa nito hanggang sa dulo.

Paano i-download ang laro?

Ang larong ito ay maaaring i-download gamit ang sumusunod:

Download The Lord of the Rings: War on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.netease.lotr

Download The Lord of the Rings: War on iOS https://apps.apple.com/us/app/the-lord-of-the-rings-war/id1485854536

Mga Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro

The Lord of the Rings - Laro Reviews

The Lord of the Rings – Laro Reviews

Ang digmaan upang mamuno sa middle earth ay nagsimula na! At para magawa ito, dapat mong gamitin ang kapangyarihan ng Ring! Ito ay muling lumitaw sa lumang kastilyo ng Dol Guldur at naghihintay sa nararapat na nagmamay-ari nito upang magamit ang kanyang walang patid na kapangyarihan at sakupin ang lupain sa middle earth! Kaya naman naghahanda na ang iba’t ibang alyansa at paksyon na sumali sa isa pang malaking digmaan.

Ang larong ito ay isang city base building game at resource management strategy game kung saan kailangan mong i-maximize ang iyong mga resources, commander, at equipment upang makipaglaban sa iba pang mga manlalaro. Sa simula ng laro, ang manlalaro ay pipili ng alinman sa mabuti o masamang paksyon na naaayon sa uri ng hiyas at tatak ng kanilang piniling singsing. Pagkatapos noon, gagabayan ni Gandalf ang mga manlalaro sa pamamagitan ng isang serye ng mga tutorial tungkol sa laro. Pagkatapos nito, ituturo sila sa kanilang lungsod sa middle-earth. Ang gameplay na ito ay halos kapareho sa iba pang strategic city building war game kung saan kailangan mong magtayo at mag-upgrade ng mga gusali, kumuha ng mga commander, mag-train ng mga kawal, mag-equip ng mga gears, atbp. Higit pa rito, maaari mo ring pamahalaan ang iyong skills sa ring feature habang nakakakuha ka ng exp sa pag-level up ng iyong Ring.

Related Posts:

Design Home: Real Home Decor Review

Blade & Soul Revolution

Ang mga pangunahing gusali na kailangang itayo ng mga baguhan ay ang Main Hall at ilang pang-ekonomiya at militar na gusali. Ito ang mga pangunahing gusali na nagbibigay-daan sa iyo na palawakin ang iyong mga hukbo at makakuha ng mga kumander. Napakaraming bagay na dapat tingnan sa laro na magiging mahirap para sa mga baguhan. Gayunpaman, maaari silang matuto gamit ang campaign feature ng laro. Sa pamamagitan ng mga misyon na na-unlock nila sa mga kabanata, unti-unti silang magiging pamilyar sa laro.

The Lord of the Rings: Tips at Tricks sa Paglalaro

The Lord of the Rings - Laro Reviews

The Lord of the Rings – Laro Reviews

Ang pagsakop sa middle earth ay nangangailangan ng napakalaking panahon ng paglalaro sa The Lord of the Rings: War. Dapat mong matutunan ang mahahalagang feature ng larong ito para makarating ka sa tuktok. Kaya saklaw ng artikulong ito ang lahat ng dapat mong malaman, lalo na para sa mga baguhan. Narito ang pinakamahusay na tips at tricks mula sa Laro Reviews upang mas mabilis na magkapagpalakas sa larong ito:

  • Maglaro ayon sa iyong istilo

Dapat basahin at pag-aralan ng mga baguhan ang mga Faction sa laro bago pumili ng isa. Mayroong sampung iba’t-ibang faction na mapagpipilian at ang bawat isa ay may kani-kanilang lakas at kahinaan. Dapat piliin ng mga manlalaro ang faction na pinaka angkop sa kanilang istilo. Kung sakaling nagkamali ka ng pagpili ng iyong faction, kailangan mo lang magpatuloy sa mga pangunahing kaalaman ng laro. Ang pinakamahalagang bagay tungkol sa mga ganitong uri ng laro ay ang pag-upgrade ng mga gusali, pagsasanay ng mga hukbo, pagre-recruit ng mga commander at pagkuha ng exp para mag-level up.

  • I-level up ang Ring

Ang pinakamahalagang bagay sa larong ito ay i-level up ang iyong Ring dahil naglalaman ito ng iyong basic skill tree. Ilalarawan ng Ring na ito ang karamihan ng iyong playstyle sa laro. Sa larong ito, ang pag-level up ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga pananakop. Ginagawa ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng iyong mga hukbo upang sakupin ang mga tile sa labas ng iyong lungsod. Ang bawat tile ay nagbibigay ng Ring Power. Syempre, ang mga tile ay inuri ayon sa kanilang kahirapan. Ang mahihirap na tile ay magbibigay ng mas maraming Ring Power at mga resources. Mayroong ilang walang mga laman na tile na madaling sakupin ngunit gagantimpalaan ka ng kakaunting resources. Samakatuwid, kailangan na palakasin ang iyong mga hukbo upang masakop ang mas mahirap na mga tile.

  • Sumali sa mga alyansa

Imposibleng masakop ang kabuuan ng middle earth kapag nag-iisa ka. Kailangan mong sumali sa mga alyansa sa iba pang mga manlalaro sa pamamagitan ng isang Fellowship o isang Warband. Ang pakikisama sa ibang mga manlalaro sa pamamagitan ng mga alyansa ay makakatulong sa iyo sa maraming bagay. Maaari mong sakupin ang mga mahihirap na mga tile pati na rin talunin ang mga boss kapag kasama ang iyong mga ka-alyansa. Ito ang magpapabilis sa iyong pagpapalakas. Gayunpaman, ang iyong lakas ay nakasalalay pa rin sa iyong personal na pagsisikap. Ang mga alyansa ay maaaring makatulong sa ilang mga bagay tulad ng proteksyon laban sa iba pang mga manlalaro ngunit kailangan mo pa ring magsumikap upang makarating ka sa tuktok.

The Lord of the Rings: Pros at Cons ng Laro

The Lord of the Rings - Laro Reviews

The Lord of the Rings – Laro Reviews

Ang Lord of the Rings: War ay isang mahusay na adaptasyon ng sikat na award-winning na serye ng pelikula na The Lord of the Rings. Ang audio at visual ng laro ay maaaring ituring na napakahusay! Ang mga developer ay lumikha ng isang kamangha-manghang laro na may kahanga-hangang cinematic content. Ang mga tile, resources, mga character at pangkalahatang kapaligiran ng laro ay mahusay ang disenyo. Direktang kinuha ang audio at visual na content nito mula sa serye ng pelikula. Bukod pa rito, maganda ang pagkakasulat ng script ng storyline!

Ang larong ito ay lubos na inirerekomenda para sa mga manlalarong naghahanap ng city-building strategic wargame. Kailangan ng mga manlalaro nito ng isang malalim na pag-unawa sa mga features ng laro upang ma-maximize nila ang mga ito. Bukod pa rito, ang mga manlalaro ay maaaring umunlad sa bawat kabanata kaya ang pag kumpleto sa mga campaign missions ay kailangan upang mas maunawaan ang konsepto ng laro. Dagdag pa rito, ang lisensya ng laro upang gamitin ang konsepto Lord of the Rings ay tiyak na magpapahumaling sa mga manlalaro kung saan para silang gumaganap sa isang pangunahing karakter ng serye ng pelikula!

Ang bagay na kailangan pang ayusin sa laro ay ang pagiging komplikado ng gameplay nito. Ito ay isang malaking sagabal lalo na sa mga baguhan. Maraming mga menu na kailangang tingnan. Bagama’t ang ganitong uri ng mekanismo ay matatagpuan sa karamihan sa mga tile-based strategic wargame, may ilang mga menu na halos hindi na mabasa mula sa maliliit na screen, lalo na kapag naglalaro ka gamit ang iyong mga mobile phone. Maaaring pagbutihin ng mga developer ang ilan sa mga content na hindi nababasa.

Gayunpaman, ang larong ito ay isang pinag-isipang strategic wargame. Ang bawat maliit na detalye mula sa pamamahala ng resources hanggang sa detalyadong istilo ng labanan ay mahusay na plinano. Ito ay isang pangmatagalang laro kung saan ang mga manlalaro ay kailangang magsumikap ng ilang buwan o taon upang makuha ang pinakamahusay na pag-unlad. Oo, maaaring mahirap at nakakadismaya sa simula ngunit ang pagsisikap ay tiyak na magbubunga.

Konklusyon

Ang Lord of the Rings: War ay isang maaksyong strategic game para sa mga tagahanga ng serye ng pelikulang The Lord of the Rings. Nangunguna ang musika at visual ng laro dahil sa paggamit nito ng lisensya mula sa sikat na pelikula. Ang laro ay nangangailangan ng oras at dedikasyon upang makarating ka sa tuktok kung saan maaaring magsawa ang mga kaswal na manlalaro. Ngunit kung naghahanap ka ng tunay na strategic wargame experience, ang larong ito ay angkop para sa iyo!

Related Posts:

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...