Golf Clash Review

Ang Golf Clash ay isang golf simulation game na inilabas ng Playdemic noong Enero 18, 2017. Ang gameplay nito ay simple lamang. Makikipaglaban ka sa mga manlalaro sa buong mundo sa mga match kung saan ay salitan ang turn ng mga manlalaro sa pagtira. Maaaring pumili sa 1v1 na match o sumali sa mga tournament para manalo ng mas magagandang rewards. Kakailanganin mong piliin ang iyong bola at club depende sa lugar at hangin. Tapos, susubukan mo nang i-shoot ang iyong bola sa butas bago ang iyong kalaban. Ang mananalo ay ang makakakuha ng pot money at iba pang mga reward tulad ng mga tropeo at chests. Marami pang feature na tatalakayin sa artikulong itong mula sa Laro Reviews kaya siguraduhing tapusin ang pagbabasa nito hanggang sa dulo.

Paano I-download ang Laro?

Ang larong ito ay madaling hanapin sa Google Play Store and Apple App Store. Narito ang mga link upang ma-download at ma-install ang larong ito:

Download Golf Clash on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.playdemic.golf.android

Download Golf Clash on iOS https://apps.apple.com/us/app/golf-clash/id1089225191

Golf Clash - Laro Reviews

Golf Clash – Laro Reviews

Mga Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro

Ang paglalaro ng Golf Clash ay katulad ng paglalaro ng Golf sa totoong buhay. Para sa mga baguhan, kakailanganin mong kumpletuhin ang isang practice hole tutorial bago makipaglaban sa mga manlalaro. Ituturo sa iyo ng tutorial na ito ang mga pangunahing kaalaman sa laro. Ang layunin ng laro ay maipasok ang bola sa butas sa pinakamabilis na paraan. Upang gawin ito, kailangan mong i-tap ang bola at i-aim patungo sa butas sa pamamagitan ng dahan-dahang pag-drag sa icon ng bola upang tantsahin ang lakas ng palo. Lalagyan mo rin ng spin ang iyong tira sa pamamagitan ng pagpoposisyon ng bola sa direksyon ng spin na nais mo. Meron ding isang release meter na nagsisilbing gabay sa iyong tiyempo sa pagpalo. Dapat mong i-tap ang screen kapag tumama ang pointer sa gitna ng metro. Ang isang perpektong timing ay tumutukoy na ikaw ay relax kapag naglalaro. Itatala ng laro ang bilang ng mga yardang iyong naabot. Pagkatapos nito, ang iyong susunod na layunin ay i-shoot ang bola ng marahan sa butas sa pamamagitan ng pag-drag pababa sa bola nang bahagya. Dapat mong bitawan ang bola kapag nakahanay na ang mga arrow sa butas.

Pagkatapos kumpletuhin ang practice hole tutorial, susubukan mo na ngayon ang iyong unang 1v1 match. Ang premyo para sa iyong unang laban ay isang wooden chest at 100 coins. Mayroong limang uri ng chests mula wooden hanggang sa platinum. Ang bawat chest ay naglalaman ng mahahalagang items at ang mga rare items ay depende sa uri ng chest. Ang mga coin ay ang in-game na perang makukuha mo kapag nanalo ka sa mga laban at tournament. Ginagamit ang mga ito para i-upgrade ang iyong mga bola at club. 

Bukod sa 1v1 matches, may mga tournament na hinati-hati mula sa beginners hanggang pros. Merong mga requirement na dami ng panalo upang makasali sa mga tournament. Kailangan rin ng coins para sumali sa tournament. Kaya dapat mong sanayin muna ang iyong sarili sa mga 1v1 na laban bago mo subukan ang tournament. Mayroon ding iba’t ibang mga mapa at topograpiya sa laro kaya dapat ka ring maging pamilyar sa mga ito para maging Golf Clash King!

Golf Clash: Tips at Tricks sa Paglalaro

Golf Clash - Laro Reviews

Golf Clash – Laro Reviews

Ang gameplay at mechanics ng larong ito ay madali lang sa umpisa ngunit ang hamon ay darating habang ikaw ay umaasenso sa mga tournament. Kaya tinalakay namin ang pinakamahusay na tips at tricks mula sa Laro Reviews upang maging Gold Clash King: 

  • Maglagay ng spin sa iyong mga tira.

Habang ginagawa ang iyong unang tira sa bawat match, makakakita ka ng isang bilog na may mga arrow sa paligid ng bola upang ipahiwatig kung saan mo gustong paluin ang bola. Hindi maipapayo ang pagtama ng bola sa gitna dahil mababawasan nito ang spin ng bola. Ang spin ang dahilan kung bakit malayo ang hagis ng bola kapag tinitira ito. Ang pagpoposisyon ng bola sa ibaba ay maglulunsad ng bola nang mas mataas habang ang pagpoposisyon nito sa itaas ay maglulunsad naman dito sa mas mababang trajectory. Katulad nito, ang pagpoposisyon ng bola sa kaliwa o kanan ng bilog ay magdaragdag ng sidespin upang lumikha ng pagliko ng bola papunta sa nais mong direksyon. Ang pag-master ng iyong mga spin ay magbibigay sa iyo ng malaking kalamangan sa larong ito.

  • I-check ang iyong golf bag.

Ang iyong golf bag ay naglalaman ng iyong mga espesyal na bola at golf clubs. Ang mga ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng mga chest o sa pamamagitan ng pagbili sa premium store gamit ang mga ruby o totoong pera. Ang bawat bola at golf club ay may kanya-kanyang specialty. Ang pagsusuri sa iyong golf bag ay magbibigay-daan sa iyong mahanap ang tamang bola at club na gagamitin bago magsimula ang isang laban. Ang paggamit sa tamang golf club ay kinakailangan sa umpisa pa lamang habang maaari mong ipagpaliban ang paggamit sa iyong mga espesyal na bola hanggang sa maabot mo ang mahihirap na tournament. Maaari mo ring i-upgrade ang iyong mga golf club kapag natugunan mo na ang kanilang mga requirement. Ang pag-upgrade ay magpapabuti ng kanilang control at makakatulong sa tamang paggamit ng hangin.

  • Unawain ang epekto ng hangin.

Mayroong wind indicator sa itaas na kanang bahagi ng iyong screen. Sinasabi ng indicator ang direksyon at lakas ng hangin. Katulad ng paglalaro ng golf sa totoong buhay, hangin ang isang pangunahing inoobserbahan upang maging mas mahusay sa paglalaro ng golf. Naaapektuhan ng hangin ang trajectory ng paglipad ng bola, ang tagal nito sa hangin at ang lakas ng impact ng bola bago ito lumapag sa lupa. Dagdag pa rito, ang topograpiya ng lugar ay maaari ring palakasin ang epekto ng hangin sa iyong mga tira.

Related Posts:

Kingdom Guard

Perfect World VNG: Fly with me review

Golf Clash - Laro Reviews

Golf Clash – Laro Reviews

Golf Clash – Pros at Cons ng Laro

Ang Golf Clash ay isang mahusay na simulation game tungkol sa golf. Ginawang simple ng mga developer ang gameplay nito para mas ma-enjoy ng mga mahilig sa golf ang laro. Kahit na ang mga manlalarong bago sa sport na ito ay maaaring matuto ng maraming bagay mula rito. Madaling ma-master ang mechanics nito dahil kailangan mo lang mag-tap at mag-drag sa iyong screen. Kailangan lang matutunan ng mga manlalaro ang mga salik na nakakaapekto sa kanilang mga match gaya ng hangin, mga golf club at bola.

Ang pangkalahatang mga visual ng laro ay nagdadala sa mga manlalaro sa totoong environment ng larong golf. Ang graphics ay tumutugma sa pangkalahatang konsepto ng laro. Ang lahat ng content nito ay mahusay na iginuhit at ang mga visual effect ay nai-render sa real time. Ang mga manlalaro ay siguradong magkakaroon ng magandang karanasan sa paglalaro nito. Dagdag pa rito, ang mga laban ay tatagal lamang ng ilang minuto depende sa oras na ginugugol ng mga manlalaro sa paggawa ng kanilang tira, kaya ito ay perpektong laruin kapag ikaw ay nababagot.

Ang playability ng larong ito ay may pangmatagalang halaga. Ang mga manlalaro ay hindi magsasawa sa paulit-ulit na gameplay nito dahil napakaraming mga tournament na dapat i-unlock. Bukod pa riyan, napakaraming golf club at bolang kailangang kolektahin at i-upgrade. Ang tanging masamang bagay tungkol sa mga tournament ay ang pagiging mahal nito sa mga pro level na halos imposible nang sumali sa mga ito. Gayunpaman, ang mga gantimpala sa mga tournament na ito ay mga platinum chest na naglalaman ng mga rare na item. Kaya sulit ang iyong pagsisikap na sumali sa ganoong klaseng tournament.

Ang kailangan lang ayusin sa larong ito ay may malaking kalamangan ang mga manlalarong nagbabayad para sa mga item kumpara sa mga naglalaro lamang para sa kasiyahan. Napakababa lang ng iyong pagkakataong manalo kapag nakipaglaban ka sa mga manlalarong ito. Ang laro ay libre ngunit maraming magagandang item sa premium store. Gayundin, susubukan ng mga developer na ubusin ang iyong pera sa pamamagitan ng panunukso sa iyo ng magagandang item sa premium store. Gayunpaman, ang pag-master sa mga pangunahing kaalaman sa laro ay makakatulong sa iyong paglalakbay upang maging Golf Clash King!

Konklusyon

Ang Golf Clash ay isang nakaka-relax ngunit mapanghamong golf simulation mobile game. Ang gameplay at mechanics nito ay simple at madaling i-master. Ito ay lubos na inirerekomenda para sa mga mahilig sa golf maging sa mga manlalaro na gustong matuto kung paano maglaro ng golf. Pinag-aralan ng developer ang mga pangunahing kaalaman ng isport na ito at ang mga manlalaro ay magkakaroon ng magandang karanasan sa paglalaro nito. Kung hindi mo pa nasubukan ang larong ito, i-download na ang Golf Clash ngayon!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...