Devil House Review

Ang Devil House ay isang strategy game na binuo ng Infinite Light Years. Dito ay matatagpuan mo ang natutulog na batang babae. Kakailanganin mong protektahan ang silid ng batang babae hanggang sa dumating ang madaling araw sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tower at depensa laban sa masasamang espiritu na susubukang multuhin ang babae. Ang laro ay may 3 mga mode at una na rito ay ang standard mode kung saan ikaw ay nag-iisa at kakailanganin mong mag-isang ipagtanggol ang iyong silid. Ang group mode ay may maraming kama at maraming tao na gumagawa ng mga barya, ngunit kailangan mong ipagtanggol silang lahat. Panghuli, ang multiplayer mode, makikipaglaro ka sa iba’t ibang tao at kailangan mong iligtas ang iyong sarili laban sa multo. Ang multo ay mas malakas sa multiplayer mode dahil may kakayahan siyang pagalingin ang sarili. Good luck sa paglalaro at ipagtanggol ang iyong silid. 

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay upang ipagtanggol ang silid kasama ang batang babae. Sa bawat segundong ipinagtatanggol mo ang babae, kikita ka ng mga barya na makakabili ng higit pang mga panlaban na maaaring magamit upang ipagtanggol ang iyong silid laban sa mga espiritu. Magagamit mo rin ang perang iyon para bumili ng mga upgrade para sa iyong kama na nagpapataas ng iyong mga barya bawat segundo at ang iyong sariling mga panlaban gaya ng mga tower at pinto. Ang pangunahing layunin ay upang ipagtanggol at gumawa ng higit pang mga depensa, mag-upgrade, at makaabot ka sa madaling araw.

Paano laruin ang laro?

Ang kontrol ng laro ay simple. Sa solo mode, kakailanganin mo lamang na pumunta sa iyong silid, isara ang pinto, at pumunta sa iyong kama. Katulad rin ito ng maaaring mong gawin sa group mode. Ngunit mag-iiba ito sa multiplayer mode dahil kakailanganin mong makipag-unahan sa isang bakanteng kama ng mas mabilis hangga’t maaari upang hindi ka habulin o sugurin ng mga multo. Maaari mong i-click ang mga bagay upang makipag-ugnayan sa kanila. Maaari ka ring pumili ng booster bago magsimula ang laban gaya ng pagtaas ng kakayahan ng iyong mga tower at marami pang iba. Malalaman mo ang iba pang impormasyon kapag inumpisahan mo na itong laruin.

Ang isa pang bagay na dapat tandaan sa Devil House ay pagkatapos mong pumili ng kama, kailangan mong protektahan ito. Maaari kang magtayo ng mga depensa tulad ng mga tower at isang devil tower. Maaari mong itayo ang mga ito gamit ang perang nakukuha mo bawat segundo habang ang iyong karakter ay nakahiga sa kama. Maaari mong pagbutihin ang mga tower na ito, pati na rin ang iyong kama, upang makalikom ng pera bawat segundo at ang iyong pinto upang palakasin ang depensa. Maaari mo ring gamitin ang mga enerhiya mula sa tower na gumagawa nito upang palakasin ang iyong proteksyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga kalasag o upang pahusayin ang bilis ng pag-atake ng iyong mga tower. Ang iyong layunin ay upang mabuhay hanggang madaling araw. Good luck sa iyong horror adventure sa Devil House!

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Devil House sa Android devices ay dapat Android 6.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 75 MB at 99.4 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Devil House on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ily.devil.house

Download Devil House on iOS https://apps.apple.com/my/app/devil-house/id1615561061

Download Devil House on PC https://pcmac.download/app/1615561061/devil-house

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Devil House

  1. Hanapin ang anumang app stower na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Devil House. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Devil House!

Tips at tricks sa Paglalaro ng Devil House

Ang konsepto ng laro ay madali ngunit maaaring mapanghamon. Dito ay susubukan ng Laro Reviews na mabigyan ka ng mga diskarte na magagamit mo upang maging mahusay sa laro. Ang mga diskarte na ito ay madaling gamitin para sa mga nagsisimula at magagawa mo ang mga ito kaagad.

  1. Magtayo ng 4 na tower at i-upgrade ang iyong pinto. Kapag naitayo mo na ang iyong 4 na tower at pinto, subukang i-upgrade ang iyong kama at magdagdag ng 4 pang tower at pinto.
  2. Subukang i-upgrade ang tower na gumagawa ng enerhiya kapag naabot mo na ang 100 energy bar. Malaki ang maitutulong nila sa pagsisikap na talunin ang mga halimaw na may mas mataas na antas. 
  3. Gamitin ang service button kung ang sitwasyon ay mahirap na. Huwag gamitin ito ng basta-basta.
  4. Gamitin ang iyong mga perks kung kinakailangan.
  5. Ipagpatuloy lamang ang pag-upgrade ng iyong mga tower hanggang sa mapuno ang mga ito, malaki ang maitutulong nila sa iyo.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Devil House

Kung naghahanap ka ng genre ng horror game, maaaring ito ang para sa iyo. Ito ay higit pa sa isang nakakatakot na laro. Ang isa pang twist ay dapat mong protektahan ang iyong sariling base gamit ang mga tower at pinto. Hindi ba ito lubhang kawili-wili? Pinagsasama nito ang genre ng tower defense strategy at ng horror game. Talagang namangha ang Laro Reviews sa pagiging epektibo ng laro sa mga mobile device. Gumagana ito nang maayos, kahit na sa mga low-end na device. Mayroon itong nakakahumaling na gameplay pati na rin ang madadaling kontrol, ibig sabihin, kahit na ang isang bagong manlalaro ay maaaring makasabay sa takbo ng laro.

Ito ay isang mahusay na time-killer app na angkop para sa mga nais lamang na manatiling abala. Ang graphics ay hindi masyadong kahanga-hanga, ngunit sapat na ang mga ito upang ihatid ang pangkalahatang horror vibe ng laro. Oo, ang mga sound effect nito ay nagpapataas ng intensity upang ang mga manlalaro ay makaramdam ng isang makakatotohang karanasan habang nilalaro ito. Maaari mong pahusayin ang iyong depensa laban sa mga multo sa pamamagitan ng pag-upgrade ng iyong mga tower at pintuan. Mayroon din itong tatlong mga mode na maaari mong pagpilian. Kita mo? Maaari kang mabilis na maadik dito dahil ang lahat ay napakasimple lamang maunawaan.

Ito ay nagiging lubhang mahirap sa mas mataas na level, kaya patuloy na mag-eksperimento ng mga bagong paraan upang talunin sila. Ang isang bagay na hindi namin nagustuhan sa larong ito ay maraming mga advertisement na patuloy na lumalabas sa laro. Sila ay sobrang nakakainis at nakakaabala sa kasiyahan. Pagdating naman sa visuals nito, ang mga developers ay dapat gumawa ng mga pagpapahusay na lalong magpapabuti sa kalidad nito sa susunod na patch upang ang mga manlalaro ay ganap na maging interesado habang naglalaro nito.

Konklusyon

Ang laro ay parehong nakakahumaling at simple. Ito ay isang mahusay na paraan upang makapagsimula sa tower defense genre, ngunit ito ay may ilang mga problema, tulad ng napakaraming lumalabas na advertisement at kakulangan sa visual effects. Bagama’t hindi ka nito mapipigilan na malayang malaro ito, subukan ito ngayon  at tingnan kung magugustuhan mo ito o hindi.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...