Hero Craft Runner Review

Ang Hero Craft Runner ay isang larong runner na ginawa ng XGame Global. Nakatuon ang laro sa mga hero na sumusubok na talunin ang mga halimaw sa Minecraft gaya ng zombie, skeleton, at mga creeper. Mayroon ding mga malalaking boss paminsan-minsan na kailangan mong talunin. Kailangan mo ring kolektahin ang mga piraso ng iyong suit upang makayanan ang mas maraming pinsala at mapataas ang depensa. Kailangan mong tumakbo para sa suit at kung mali ang nakuha mo, babagal ka at mababawasan ang iyong buffs. Sa dulo ng bawat level, lalabanan mo ang mga halimaw gamit ang iyong mga armas. I-unlock ang mga bagong hero at armas upang talunin sila at magtagumpay.

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng Hero Craft Runner ay talunin ang iyong mga kaaway gamit ang iyong suit at ang iyong armas. Habang tumatakbo ka, makikita mo ang mga iba’t ibang bahagi ng suit na nakalatag sa paligid at kakailanganin mong kunin ang mga ito para sa paghahanda upang labanan ang mga halimaw. Mayroon ding mga boss paminsan-minsan at kakailanganin mo ng tulong ng mga booster upang talunin sila. Ang pangunahing layunin ng laro ay tumakbo, kunin ang mga bahagi ng suit, kunin ang iyong mga tool, at talunin ang mga kalaban. 

Paano laruin ang laro?

Dito sa Hero Craft Runners, ang mga kontrol ng laro ay simple at madali lamang. Ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng maikling impormasyon sa kung paano kontrolin ang iyong karakter pati na rin kung paano gumagana ang laro. Una, i-swipe ang iyong hinlalaki pakaliwa at pakanan upang kontrolin ang galaw ng iyong karakter. Maaari mong ilipat ang iyong karakter sa kaliwa at kanan upang makuha ang tamang suit para sa iyong set. Maaari mong gamitin ang iyong napiling costume sa menu kung gusto mong maging Iron Man, Batman, o sinumang naroroon, at kailangan mong kumpletuhin ang set na iyon. Kung hindi mo makumpleto ang set na iyon o mali ang mga bahagi na nakuha mo ay bababa ang iyong depensa at pinsala sa kalaban. Dapat mong iwasan ang mga bagay na makakapinsala sa iyo at mga bahagi ng suit na hindi akma sa iyong set.

Sa gitna ng labanan ay makakaharap mo ang mga Minecraft mob tulad ng mga skeleton, zombie, creeper, at malalaking boss. Ang layunin ay talunin silang lahat. Kailangan mong gamitin ang sandata na iyong pinili sa pangunahing menu at ang iyong hanay ng mga kasanayan upang talunin sila. Gamitin lang ang joystick na makikita mo sa iyong screen at bitawan lamang ito para umatake o gumamit ng skill. Talunin ang mga kalaban at kumpletuhin ang iyong suit habang tumatakbo ka. Iyan lamang ang kailangan mong tandaan kung paano mo uumpisahang laruin ito.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Hero Craft Runner sa Android devices ay dapat Android 6.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 77 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS users.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Hero Craft Runner on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.xgame.craft.runner3d

Download Hero Craft Runner on PC https://napkforpc.com/apk/com.xgame.craft.runner3d/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Hero Craft Runner

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Hero Craft Runner. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Hero Craft Runner!

Tips at tricks sa Paglalaro ng Hero Craft Runner

Kung gusto mong magsimula sa larong ito, mag-aalok sa iyo ang artikulong ito ng ilang kapaki-pakinabang na tip at trick. Ang paggamit ng mga diskarte na ito ay makakatulong sa iyong pagbutihin ang iyong laro at makakuha ng karanasan upang makabuo ng mga bagong epektibong diskarte. Ipapakita sa iyo ng Laro Reviews ang mga pangunahing pamamaraan na magbibigay-daan sa iyong umusad sa laro nang mas mabilis at madali.

  1. Tumutok sa iyong laro. Ang pagtutok ay makatutulong upang iwasan ang mga maling bahagi ng suit at mga hadlang sa iyong daanan. Kung mas mahusay mong maiiwasan, mas mabilis at mas huhusay ka.
  2. Tiyaking alam mo ang suit na sinusubukan mong kumpletuhin. Kung hindi mo alam ay maaari kang makakuha ng maling suit at maaari mo itong ikatalo.
  3. Kapag nasa laban, subukang i-spam ang “hold and let go” joystick method. Wala itong cool down at madali mong mapapatay ang mga kalaban.
  4. Panghuli, magsaya. Ang laro ay higit na nakakatuwa kung ikaw ay nagsasaya at nagrerelaks. Maaari ka nga lang magumon at laruin ito bawat oras.

Pros at Cons sa Paglalaro ng larong Hero Craft Runner

Sa seksyong ito, ibabahagi namin ang aming mga saloobin sa larong Hero Craft Runner at kung ano ang aasahan mula dito. Sinusubukan ng laro na maghatid ng mga intuitive na kontrol at kawili-wiling gameplay, na tiyak na magpapasaya sa malaking bilang ng mga manlalaro, lalo na sa mga kabataan. Kasama ng mga natatanging feature nito, ang laro ay karaniwang nakakahumaling kapag nilalaro natin ito. Habang ikaw ay naglalaro ay makikita mo na may mga bahagi ng suit na sinusubukan mong kolektahin habang tumatakbo, at ang iyong layunin ay kumpletuhin ang mga kinakailangang bahagi. Hindi ito kasingdali ng iyong iniisip. Ang pagsubok dito ay dapat mong makuha ang mga tamang bahagi.

Malamang maliit lang ang tiyansa mong manalo sa labanan kung sakaling makuha mo ang mga hindi tamang bahagi ng suit. Bilang resulta, dapat kang tumutok habang tumatakbo. Ang ganitong uri ng konsepto ay sadyang nakakahumaling. Ang pagkakaroon ng mga simpleng layunin habang sumusulong ka ay makakatulong sa iyo na magpalipas ng oras. Malamang na mapapawi nito ang iyong pagkabagot. Ang laro ay kadalasang naglalayon akitin ang mga batang manlalaro kaya ganito kadaling laruin. Nakakatuwa ang mga animation, at ang laro ay sapat na simple para masiyahan ang isang bata. Ang larong ito ay tiyak na magpapasaya sa iyo. Sa kasamaang palad, nakakuha lang ang laro ng 5 buong bituin mula sa 4 na review sa Google Play Store.

Ang laro ay naglalaman ng mga feature mula sa larong Minecraft, at sadyang paulit-ulit ang gameplay nito. Para sa mga mature na manlalaro, ang gameplay ay maaaring maging nakakabagot, at ito ay kulang sa pag-optimize. Asahan din ang maraming advertisement sa buong laro, at kailangan mong gumastos ng pera upang maalis ang mga ito. Gayunpaman, hindi ito makakahadlang sa iyong kasiyahan dahil ang lahat ay patuloy na gagana nang normal.

Konklusyon

Ang laro ay nakakahumaling at masaya para sa mga batang manlalaro. Ito ay nakakaakit at mukhang cool para sa kanila at iyon ay walang problema. Ang laro ay may nakakatawang kapaligiran na may mga nakakaaliw na animation. Bagama’t sinusubukan nilang sumabay sa uso at kopyahin ang mga asset mula sa sikat na larong Minecraft. Gayunpaman, hindi nito sinisira ang iyong karanasan dahil gumagana pa rin ang laro nang maayos. Kung gusto mong maranasan ang laro, huwag mag-atubiling laruin ito dahil libre ito.

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...