Diggy’s Adventure: Maze Games Review

Mahilig ka ba sa pagso-solve ng puzzles? Kung ganon ay tiyak na magiging interesado ka sa Diggy’s Adventure: Maze Games! Ito ay isang puzzle at adventure game na nilikha ng Pixel Federation Games. Tulungan si Diggy na malampasan niya ang bawat quest. Kabilang sa mga ito ang paghuhukay ng mines, pagso-solve ng puzzles, at marami pang iba. Gamitin ang iyong skills sa pagbuo ng puzzles at gamitin ang clues o key dito para mabuksan ang bagong chests at makakuha ng kakaibang treasures. Patuloy na basahin ang article na ito mula sa Laro Reviews para sa karagdagang impormasyon tungkol dito.

Features ng Diggy’s Adventure: Maze Games 

500+ Levels – Hindi ka mabibitin sa paglalaro nito dahil mayroong itong mahigit 500 levels na pwede mong laruin. Ang mahigit 500 levels na ito ay nasa iba’t ibang level ng difficulty. Kaya kung tagahanga ka ng pagbubuo ng puzzles, tiyak na mae-enjoy mo ang pagso-solve sa mahigit 1,000 mines. I-unlock ang libo-libong mines sa laro!

Fun Gameplay – Iba’t ibang adventures ang pwede mong maranasan sa paglalaro nito. Sa paghuhukay ng mines at pagso-solve ng puzzles, makakukuha ka ng iba’t ibang items at makadidiskubre ng nakatagong objects. Magagamit mo ang mga ito sa pagso-solve pa ng mas mahirap na puzzles, pagre-replenish ng energy kapag ikaw ay offline, o sa pag-a-idle crafting ng bagong items sa camp para sa susunod mong magiging adventure. Sa pamamagitan ng pagka-craft ng bagong items o pagluluto ng ingredients, makakatulong ito sa paghuhukay mo sa mine o maze. Hindi lamang ito, makadidiskubre ka rin ng ancient na mga lokasyon at lihim, treasures, at tombs. 

Suitable for All Ages – Hindi kumplikado ang mechanics ng laro kaya madali itong maiintindihan ng lahat ng manlalaro. Maaari din itong laruin kahit ng bata at makakatulong pa ito upang mahasa ang kanilang pag-iisip. Sa katunayan, ang content rating nito sa Google Play Store ay rated 3+. Ang ibig sabihin nito ay suitable ang laro para sa lahat ng audiences.

Saan Pwedeng I-download ang Diggy’s Adventure: Maze Games?

Nandito ang Laro Reviews para ituro kung saan at paano i-download ang Diggy’s Adventure: Maze Games. Kasalukuyang available ang laro sa Android, iOS, at PC devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pagda-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ng lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Diggy’s Adventure: Maze Games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=air.com.pixelfederation.diggy

Download Diggy’s Adventure: Maze Games on iOS https://apps.apple.com/us/app/diggys-adventure-pipe-puzzle/id1067644352

Download Diggy’s Adventure: Maze Games on PC https://www.gameloop.com/ph/game/adventure/diggy-s-adventure-maze-puzzle-on-pc

Tips at Tricks sa Paglalaro

Kapag sinimulan ang laro, kailangan mo munang pumili ng magiging itsura ng karakter na iyong gagamitin. Mababasa mo ang pahayag ng tatay ni Diggy, kung saan sinabi niyang oras na upang mag-settle down at magpahinga siya sa farm matapos ang ilang taong adventure na dinanas niya sa buhay. Gayunpaman, napansin niyang sira ang pipeline at punung-puno ng buhangin ang farm. Isa sa mga una mong gagawin sa laro ay magdesisyon kung tutulungan mo na ba agad ang tatay ni Diggy o saka na lang muna. Madali lang ang magiging gawain mo rito, kailangan mo lang hukayin ang tiles at ayusin ang sirang pipeline. Sa kaliwang itaas ng screen, makikita roon ang kabuuang bilang ng tiles na kailangan mong hukayin pati na rin ang mga natapos mo nang gawin. Ituturo pa sa iyo kung saang tile ka dapat magsimula at pagkatapos nito, ikaw na ang bahala kung aling tile ang isusunod mong hukayin. Kailangan mo munang hukayin ang ilang tiles para maayos ang pipeline. Mapapansing nakahiwalay ang isang parte ng pipeline. Para maayos ito, pindutin ang parte nitong nakahiwalay at sunod na pindutin ang bahagi kung saan ito ililipat, iyon ang parte kung saan nakikitang dumadaloy ang tubig. 

Pagkatapos ng unang quest, mayroong muling ipagagawa ang tatay ni Diggy sa iyo at ito ang pag-aayos ng mas maraming pipes upang punuin ng tubig ang pond. Kung ayaw mo pa itong gawin agad, pindutin lang ang Later button. Ngunit kapag naisipan mo na itong gawin, pindutin lang ang newspaper na icon sa ibaba ng screen para mapunta sa Quests. Makikita sa Story tab nito ang quest na isinasantabi mo muna. Pindutin lang ang Go! button para simulan ang paggawa nito. Ang tip ko sa iyo rito ay pindutin ang gray na pipe at iusog ito upang magkasya ito sa iba pang pipes. Huwag kalimutang gamitin ang levers sa pagbukas ng gates. Tulad ng nauna mong ginawa, kailangan mo ring hukayin ang tiles batay sa bilang na nakalagay.

Para makita ang ibang bahagi ng lugar, ang kailangan mo lang gawin ay i-drag ang screen. Sa bawat tile na nahuhukay mo, nagkakaroon ka ng +5 experience. Kaya importanteng makumpleto ang lahat ng tiles na mayroon sa lugar. Kapag nakita mong may dahon sa ibabaw ng tile, nangangahulugan ito ng herb na iyong makukuha kapag hinukay mo ang tile na iyon. Tignan din kung saan nakapwesto ang gate dahil kailangan mo munang pindutin ang lever para mabuksan ito. Sa bawat quest na natapos mo, makatatanggap ka ng rewards tulad ng coins at energy. 

Bago magsimula ang bawat quest, makikita mo ang bilang ng items na kailangan mong makumpleto. Pindutin ang icon nito para makita ang maiksing detalye. Halimbawa, nakita mo ang icon na baby chick kung saan kailangan mo ng lima nito. Wala ka pang ideya kung ano ang kailangan mong gawin dito pero kapag pinindot mo ang chick, lalabas ang text na kailangan mong iligtas ang baby chicks.

Pros at Cons ng Diggy’s Adventure: Maze Games 

Simple lang ang graphics ng laro kaya mayroon pa itong mai-improve, pati na rin ang text na lumalabas sa tuwing may interaction ang karakter sa iba, tulad ng manok. Kung ang hanap mo ay simpleng laro para magsilbing pampalipas ng oras, maganda itong laruin sapagkat madali lang ang gameplay nito at hindi mahirap ang mga kailangang gawin. Dahil sa pagiging simple at madali nitong laruin, mas lalo itong nakakaadik dahil tuluy-tuloy lang ang iyong paglalaro. 

Gayunpaman, may mga naranasang isyu ang mga manlalaro kung saan bigla na lang nawala ang kanilang progreso sa laro kaya kailangan nilang umulit mula sa simula. Ilang taon na silang naglalaro nito kaya malaki na ang kanilang nagawa at natanggap dito ngunit masasayang lamang ang lahat ng kanilang tinrabaho. Mayroon ding problema ang pop-up ads nito dahil nagdudulot ito sa pag-crash ng laro kung saan nawawala ang kanilang rewards. Masasayang lang ang oras na ginugol mo para tapusing panoorin ang ads. Bukod pa rito, kahit na maganda ang gameplay, ikinadidismaya ng ilang manlalaro ang hirap sa paglalaro nang matagal kapag hindi ka gagastos ng aktwal na pera dahil masyadong matagal mag-recharge ang energy. Hindi rin nagustuhan ng marami ang bagong update na feature pagdating sa notifications. Kumpara noon na ang notification lang ay kapag kumpleto na ang iyong energy, ngayon ay nakatatanggap na sila ngayon ng notifications sa lahat. Kinakainis nila ang sobrang dalas ng kanilang notifications galing sa laro, kung saan umaabot ng dalawa o tatlong notifications ito kada oras.

Konklusyon

Sa Diggy’s Adventure: Maze Games, mararanasan mong mag-solve ng iba’t ibang challenges tulad ng logic riddles, problems, at nakatagong puzzles. Paghusayin ang pagkumpleto ng bawat objective sa laro upang makatakas sa maze at makatanggap ng rewards at experience points. I-enjoy ang adventure na nakaabang sa iyo. Kung napukaw ng laro ang iyong interes at nagtulak ito upang laruin mo ito, huwag magdadalawang-isip na balikan ang article na ito mula sa Laro Reviews!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...