Dungeon: Age of Heroes Review

Ang Dungeon: Age of Heroes ay isang adventure game na ginawa ng 4Fan Studio Games. Sasabak ka sa isang kapanapanabik at mapanganib na pakikipagsapalaran sa buong kaharian ng Jatran at iba’t ibang mga piitan. Mahahanap mo ang iyong daan sa mga kagubatan, lungsod, bayan, kastilyo, at marami pang iba, habang tinatalo ang iba’t ibang halimaw sa magkakaibang lugar. Hindi ka mapag-iiwanan sa karanasan, salamat sa madaling mga kontrol at gameplay. Kilalanin ang mga bagong karakter at bagong boss, at dumaan sa mga misteryo at pakikipagsapalarang hindi mo pa nararanasan. Nasa sa iyo na ngayon ang pagpapasya kung susubok ka o palalampasin ang pagkakataong ito. Kaya ano pang hinihintay mo? Tara na at maglaro!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay simple, iyon ay upang alamin ang mga bagay na hindi pa natatapuan o nasisiyasat. Maaari kang tumuklas ng mga bagong nilalang at lugar. Hanapin ang pinakamahalagang bagay at talunin ang lahat ng iyong mga kaaway. Mayroong ilang mga mapa at dungeon upang galugarin, pati na rin ang hindi mabilang na mga kaaway upang labanan. Ang kailangan mo lang gawin ay magtatag ng isang layunin para sa iyong sarili at salakayin ang mga piitan tulad ng isang magiting na hero. Dumako sa isang pakikipagsapalaran at magtagumpay sa bawat pagsubok. Magsisimula ka sa pagpapalakas ng iyong mga hero at kagamitan. Magagawa mong matuto ng mga bagong bagay habang naglalakbay ka.

Paano ito laruin?

Ang laro ay maaaring maging kumplikado minsan, lalo na para sa mga bagong manlalaro. Kung hindi mo naiintindihan kung paano ito laruin, maaaring masira ang iyong karanasan at makapagpabagal sa usad mo. Huwag mag-alala, tutulungan ka ng Laro Reviews sa iyong alalahanin. Ituturo namin sa iyo kung paano laruin ito, mula sa mga kontrol hanggang sa mga feature. Ang mga kontrol ay madaling maunawaan: i-tap lang para pagalawin o kontrolin ang iyong karakter. Maaari kang mag-swipe para gumawa ng landas at mag-tap sa mga kaaway para direktang atakihin sila. 

Madali lamang kumpletuhin ang bawat level sa piitan. Kailangan mo lang talunin ang mga kalaban sa iyong sariling pamamaraan at tapos ka na. Maaari mong gamitin ang mga coin at item na natatanggap mo sa mga natapos mong level upang bumili ng kagamitan at mga pagpapahusay bilang paghahanda sa mga susunod na level. Dahil sa AoE, maaari mo ring gamitin ang kakayahang ito para pumatay ng mas maraming kalaban. Gumamit ng iba’t ibang armas at kagamitan para mapalakas ang iyong mga istatistika. Magkakaroon ka ng kaalaman sa paglalaro nito sa oras na umpisahan mo ang pagdiskubre sa mga feature nito. Ang laro ay mahusay, kaya tumalon at magsaya!

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Dungeon: Age of Heroes sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 81 MB at 110.7 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Dungeon: Age of Heroes on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.funstudio.dungeonheroes

Download Dungeon: Age of Heroes on iOS https://apps.apple.com/us/app/dungeon-age-of-heroes/id1524184858

Download Dungeon: Age of Heroes on PC https://appsonwindows.com/apk/7906091/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Dungeon: Age of Heroes

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Dungeon: Age of Heroes. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Dungeon: Age of Heroes!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Dungeon: Age of Heroes

Napakahalaga ng mga tip at tricks sa mga gustong matuto kung paano mas mahusay at mabilis na umusad sa laro. Ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng mga diskarteng magagamit mo sa panimulang yugto ng iyong pakikipagsapalaran. Maaari kang matuto nang higit pa kapag nakakuha ka ng karanasan dito. Narito ang mga diskarteng magagamit mo.

Siguraduhing makuha ang lahat ng bagay na makikita sa paligid. Ito ay magiging kapakipakinabang. Maaari silang maging isang health bottle na makakatulong sa iyong madagdagan ang iyong buhay. 

Maging maingat sa iyong buhay. Maaari nilang maubos ang iyong buhay dahil nagdudulot ito ng pinsala. Dapat agad mong pagalingin ang iyong sarili. Tandaan, mahalaga ang iyong kalusugan. Maaari mong gamitin ang health pot na ibinigay sa iyo na makikita sa paligid.

Gamitin ang iyong mga kasanayan sa Area-on-effect (AoE) kapag nakikipaglaban sa maraming kaaway. Ang mga kasanayang ito ay mabisa lalo na sa malawak na pag-atake sa kalaban.

Dumepensa kapag ikaw ay nasa isang mahirap na sitwasyon o kapag ang iyong buhay ay mabagal bumalik.

Panghuli, magsaya. Ang pagkakaroon ng kasiyahan ay nagbibigay sa iyo ng motivation na ipagpatuloy ang laro at tapusin ito hanggang sa dulo. Magrelaks lang at i-enjoy ang laro.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Dungeon: Age of Heroes

Ang mga kalamangan at kahinaan ay dapat na i-highlight nang maaga upang malamanng lahat ang mga isyu ng laro at mga feature nito. Ayon sa aming karanasan, ang laro ay karaniwang mahusay sa sarili nitong pamamaraan. Ito ay medyo mapanghamon at tiyak na pananatilihin kang naaaliw hanggang sa huli. Makakaharap mo ang iba’t ibang kalabang susubok sa iyong mga kakayahan pati na rin sa iyong kapangyarihan. Ang pag-equip ng mga armas, pag-upgrade ng mga ito, at pagkuha ng mga item ay mga magagandang paraan upang manalo rito. Isa rin itong nakakalibang na gameplay na tiyak mong kahuhumalingan.

Ang konsepto ng laro ay kakaiba. Nag-aalok ito ng mabagal na gameplay na tiyak na maiintindihan kaagad ng karamihan. Ang mga visual ay sapat na at ito ay gumagana nang mahusay sa iyong device. Ang gameplay ay sobrang user-friendly at simpleng maunawaan. Samakatuwid, kung ikaw ay isang baguhan, wala kang dapat ipag-alala. Mayroong iba’t ibang mga mapa upang galugarin, at asahang makatatagpo ka ng mga nakakatakot na nilalang. Ang laro ay patuloy na ina-update, at ang mga developer ay tunay na nagmamalasakit sa kanilang komunidad. Higit pa rito, ang bilang ng mga karakter na maaari mong makaharap ay walang limitasyon.

Ang laro ay parehong nakatanggap ng positibo at negatibong feedback. Siyempre, walang bagay na perpekto. Ang laro ay kailangang pagbutihin pa upang mabigyan ang lahat ng mahusay at tuluy-tuloy na pagganap. Mayroong itong ilang mga isyu sa script at maaaring nakakasira ng laro. Ang mga microtransaction ay isa ring problema na mayroon ito. Ang mga bagay ay halos magkakapareho lang din sa bawat level kaya asahan na ang mga ito ay pareho lang din sa bawat oras. May mga pagkakataon ding hindi ito gumagana nang maayos, at dito lumalabas ang mga alalahanin sa transaksyon. Kaya, kung ang mga alalahaning ito ay hindi nakakaabala sa iyo, maaari mo pa ring subukan itong laruin. Ito ay malalaro nang libre at maaaring i-download mula sa mga app store.

Konklusyon

Ang laro ay mabagal ngunit nakakaaliw na laruin. Ang konsepto, gameplay, at mga feature ay mahuhusay lahat. Ang mga visual ay sapat, at ang setting ay angkop para sa konsepto ng laro. Bagama’t may ilang mga problema at kakulangan, ang karamihan naman sa mga ito ay likas na teknikal at walang kinalaman sa gameplay. Masisiyahan ka nang lubusan sa laro kapag inumpisahan mo na itong laruin.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...