Exos Heroes Review

Ang Exos Heroes ay isang turn-based strategy RPG na available na para sa Android at iOS. Ang mahuhusay na anime-style visual, sobrang dynamic na fighting system, at isang magandang storyline na alok nito ay ganap na perpekto para sa mga tagahanga ng parehong anime at strategic RPG. Bagama’t karaniwang ibinibigay nito ang lahat ng gusto ng mga tagahanga ng RPG, ang Exos Heroes ay may kasamang ilang mga makabagong feature at mekaniks na tiyak na pagmumulan ng mga bagong karanasan para sa mga manlalaro. Kung naghahanap ka ng isang kapanapanabik na pakikipagsapalaran na may daan-daang karakter, dapat mong subukang tuklasin ang virtual na mundo ng Exos Heroes.

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay talunin ang lahat ng mga kalaban at boss sa bawat level. Dapat mong ubusin ang HP ng iyong mga kalaban hanggang sa umabot ito sa zero at tuluyan mo na silang ubusin sa gitna ng digmaan. Ihanda ang iyong mga bayani at simulan ang isang pambihirang paglalakbay sa mundo ng Exos Heroes. Gawin ang iyong mga misyon, bumuo ng isang balanseng grupo, at palakasin ang mga katangian ng iyong mga bayani. Sa ganitong paraan ay mas mataas ang pagkakataon na makontrol mo ang digmaan at makasabay sa bilis ng laro.

Paano ito laruin?

Sa sandaling buksan mo ang app ay kailangan mong i-download ang patch data. Pagkatapos ay dadalhin ka nito sa backstory ng laro kung saan makikilala mo si Zeon, ang treasure hunter. Magsisimula ang iyong kamangha-manghang pakikipagsapalaran sa sandaling harapin mo ang mga unang kalaban sa laro. Nag-aalok ito ng magkakaibang kapaligiran ng labanan pati na rin ang isang awtomatikong sistema ng pakikipaglaban. 

Kapag pagkakataon mo ng umatake ay maaari mong gamitin ang basic attack at special attack ng bayani. Kailangan ang mana para sa paggamit ng mga kasanayan at nakakakuha ng mana habang nagpapatuloy ang labanan. I-tap lamang ang target na kalaban pagkatapos pumili ng skill. Ang susi sa tagumpay ay ang pagpili ng mga tamang kasanayan sa tamang oras at perpektong kumbinasyon. Halimbawa, ang mga kasanayan sa CC ay maaaring gamitin upang pigilan ang mga kaaway, ang healing power ay maaaring gamitin upang gamutin ang mga bayani, ang AoE DMG ay maaaring gamitin upang magbigay ng malakas na pinsala sa lahat ng kalaban at ang back-row na mga kasanayan sa DMG ay maaaring gamitin upang atakehin ang mga back-row na kalaban.

Maaari mo ring i-level up ang mga katangian ng iyong mga bayani at lumikha ng sarili mong hanay ng mga bayani upang lumaban sa iba pang mga kalabang grupo. Maaari kang magsuot ng gear, pumunta lamang sa opsyong “Manage Hero”. Sa unang bahagi ng laro, ang kagamitan ay maaaring makuha sa pamamagitan ng challenge mode, paglalakbay, o paggawa. Ang mga gear ay limang level: common, magic, uncommon, legendary, at fated. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng iyong kagamitan, maaari mong mapahusay ang iyong mga katangian at makakuha ng mga bago. Mayroon ka ring pagpipilian sa pagpapahusay pati na rin ang pagkakaroon ng weapon awakening, kung tawagin. Ito lamang ang ilan sa pangunahing impormasyon tungkol sa laro upang mabigyan ka ng pangkalahatang ideya ng konsepto o gameplay nito. Maaari mong matuklasan ang iba pang mga feature nito habang umuusad ka sa laro.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Exos Heroes sa Android devices ay dapat Android 6.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 105 MB at 584.9 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Exos Heroes on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.linegames.exos

Download Exos Heroes on iOS https://apps.apple.com/us/app/exos-heroes/id1472315054

Download Exos Heroes on PC https://www.bluestacks.com/blog/game-guides/exos-heroes/eh-tips-tricks-en.html

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Exos Heroes

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Exos Heroes pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Exos Heroes!

Tips at Tricks sa paglalaro ng Exos Heroes 

Ang Exos Heroes ay puno ng saya at mga sorpresa. Naglalaman ito ng maraming level upang kumpletuhin at ang mga kalaban ay nagiging mas mahirap talunin habang umuusad ka. Huwag mag-alala, aming mandirigma! Ang Laro Reviews ay may inihanda para sa iyo upang manalo. Ang mga sumusunod ay ilan sa mahuhusay na diskarte na maaari mong gawin:

  1. Maaaring ilipat ang mga karakter sa World Map. 
  2. Ang pagkumpleto ng Daily tasks ay makatutulong sa iyo na ma-access ang iba’t ibang secret events at features.
  3. Kumpletuhin ang Daily at weekly event activities para makakuha ng mga reward nang libre. 
  4. Gamitin ang mga coupon code. Matatagpuan sa pangunahing website ng Line Games ang mga activated promo code. Ang mga code ay magagamit dito upang makabili ng mga item or karakter.
  5. Upang mapahusay ang isang bayani, gamitin ang feature na transcend. Ito ay nangangailangan ng ginto pati na rin ang isang duplicate na bayani.
  6. Maaaring epektibo o hindi epektibo ang pagpapahusay. Maaari mong pagbutihin ang daloy ng iyong laro sa pamamagitan ng pagkakaroon ng suporta ng mga bayani o espiritu. Pumili ng mga bayani o espiritu na may parehong elemento upang pataasin ang iyong mga pagkakataong magtagumpay.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Exos Heroes

Ang Exos Heroes ay may mataas na kalidad na 3D visual, anime-inspired na mga karakter, isang dynamic na kapaligiran sa pakikipaglaban, automated battle system, at napakaraming level na maaari mong tapusin. Nag-aalok ito ng kamangha-manghang pagganap sa paglalaro, na nagpapakita ng isang kapanapanabik na paglalakbay, isang kawili-wiling storyline, at napakadaling mekaniks ng laro. Dahil maaari mo lamang itong laruin online, kakailanganin mo ng malakas at maaasahang koneksyon sa internet upang maiwasan ang mga abala habang naglalaro.

Haharapin mo ang masasamang pwersa na nagbabanta sa lugar ng Exos Continent at agad mong sisimulan na tipunin ang lahat ng mga bayani upang gumawa ng diskarte para talunin sila. Kita mo? Dahil sa dami ng aspetong magugustuhan ng mga tagahanga ng anime at RPG, hindi magiging boring ang iyong pakikipagsapalaran sa mundo ng Exos. Ang visual pgraphics nito ay sobrang husay at napaka-cool. Ang special effects ng mga galaw at skill ay mahusay na naisasaganap. Ang sound effects naman ay pangkaraniwan at tipikal na para sa mga RPG, ngunit mahusay itong nailapat sa laro.

Hindi lamang nakatanggap ng positibong komento ang laro, ngunit umani rin ito ng negatibong kritisismo. Ito ay kumukuha ng maraming espasyo sa iyong storage device, na nagreresulta sa mabagal na pagganap at mga paggalaw ng karakter. Hindi ito angkop para sa mga low-end na device at maaaring mangailangan ng isang high-end na device upang mahusay na maranasan ang magandang features nito. Kahit na ang laro ay mapagbigay pagdating sa rewards, ito ay mayroon pa ring mga kakulangan bilang isang game app. Mayroon pa itong ilang mga isyu na dapat masolusyonan. Minsan ang mga server ay masyadong mabagal mag-load. Nagfi-freeze ang mga display nang walang dahilan, na nakakaapekto sa performance ng laro. Upang panatilihing interesado ang mga manlalaro ay dapat gawan ito ng solusyon ng mga developer para magpatuloy ang pagtangkilik nila sa laro.

Konklusyon

Kung ikaw ay mahilig sa anime at strategic RPG, Exos Heroes ang laro para sa iyo. Ang larong ito ay lubos na inirerekomenda ng Laro Reviews dahil sa kawili-wiling storyline nito, automated fighting system, at sari-saring battle environment. Ito ay may iba’t ibang karakter na ibinase sa anime pati na rin ang mga makabagong feature sa paglalaro. Subukan ito ngayon at tingnan kung anong mga posibilidad ang naghihintay sa iyo.

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...