The Seven Deadly Sins Review

Kilala mo ba ang sikat na anime manga series na The Seven Deadly Sins? Kung ganoon nga, oras na para magdiwang! Ang seryeng anime na ito ay opisyal na ginawa bilang isang turn-based RPG at available na ngayon sa App Stores. Ito ay mada-download sa Android at iOS platform nang libre. Simulan ang iyong epic adventure sa kaharian ng Britannia kasama ang iyong mga paboritong Seven Deadly Sins na karakter, gaya ni Meliodas-sama, ang maalamat na tavern master, at ang kanyang mga kaibigan na sina Ban, Diane, Elizabeth, at marami pang iba. Maaari kang bumuo ng sariling grupo upang labanan ang mga masasamang nilalang. Magmadali at protektahan ang Britannia mula sa mga nakakatakot na demonyo na gustong sumakop rito!

Ano ang layunin ng laro?

Naitatag na ang Britannia! Ang Holy War, na nangyari 3,000 taon na ang nakalilipas, ay muli na naman nangyayari! Maghanda para sa isang matinding digmaan kasama ang mga karakter mula sa “The Seven Deadly Sins,” na may layuning ibalik ang kapayapaan sa Britannia. Ang iyong layunin ay talunin ang lahat ng mga kampon ng Ten Commandments (antagonist). Nilalayon ng mga ito na magpadala ng daan-daang halimaw upang magdulot ng kaguluhan sa buong Britannia. Palakasin ang iyong mga karakter at pagsama-samahin ang mahuhusay na mandirigma na tatalo sa kanilang lahat!

Paano ito laruin?

Sa The Seven Deadly Sins, mararanasan mong lumaban kasama nina Meliodas, Ban, Diane, at iba pang miyembro ng grupo at magtutulungan kayong talunin at kontrahin ang lahat ng masasamang pakana ng mga kalaban sa Britannia. Mula rito ay magsisimula na ang iyong pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng pagharap sa ilang halimaw sa isang maikling tutorial. 

Narito ang mga hakbang na dapat mong sundin upang masimulan ang paglalaro:

  1. Magkaroon ng isang malakas na koneksyon sa internet.
  1. I-download at i-install ang app sa iyong smartphone device.
  1. Pagkatapos makapasok sa isang server ay maghintay hanggang makita mo ang bansang Britannia.
  1. Magsisimula ka sa isang maikling tutorial kung saan gagabayan ka kung paano gumamit ng mga kasanayan, atbp.
  1. Sa wakas, kapag natapos mo na ang tutorial ay maaari mo ng simulan ang iyong paglalakbay sa Britannia!

Ang seksyong ito ay tungkol sa kung paano gamitin ang mga kakayahan ng isang karakter at pag-atake sa mga kalaban:

Maaari mong malaman ang mga susunod na aksyon ng kalaban sa bawat pagkakataon bago ka tumira sa pamamagitan ng pagtingin sa taas ng status bar ng kalaban. I-tap ang kalaban para piliin sila bilang target. Pumili ng target at magpatuloy sa labanan. Gamit ang feature na target-select ay piliin agad ang kalaban na alam mong mag-a-activate sa susunod na round upang maging mas mahusay sa labanan.

Ultimate Skills at Merge Skills:

Ang mga kasanayan ay matatagpuan sa ibaba ng screen. Ang mga ito ay nasa anyo ng mga card na maaari mong pagsamahin upang i-level up ang iyong mga kasanayan. Kung makakita ka ng dalawang parehong card, i-drag ang mga ito sa tabi ng isa’t isa at agad silang magsasama at mag-level up. Ang bawat card ay may tatlong bituin. Sa bawat pagsasama-sama mo sa mga ito, isang bituin ang nadaragdag, at kapag mayroon ka ng tatlo, maaari mong ilabas ang ultimate skill ng karakter.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang The Seven Deadly Sins sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 124 MB at 307.7 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download The Seven Deadly Sins on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.netmarble.nanagb

Download The Seven Deadly Sins on iOS https://apps.apple.com/us/app/the-seven-deadly-sins/id1475440231

Download The Seven Deadly Sins on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/the-seven-deadly-sins-on-pc.html

Hakbang sa paggawa ng account sa larong The Seven Deadly Sins

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong The Seven Deadly Sins pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng The Seven Deadly Sins!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng The Seven Deadly Sins

Narito ang mga diskarte na inihanda ng Laro Reviews upang patuloy na manalo at magsaya sa laro.

  1. Palakasin ang mga katangian ng iyong mga karakter.
  1. Piliin ang pinakamahusay na mga miyembro para sa iyong grupo. Mas mainam na maging balanse ang pagbuo ng grupo.
  1. Maging pamilyar sa mga kakayahan ng iyong mga karakter.
  1. Lumikha ng perpektong kumbinasyon ng mga kasanayan ng iyong mga bayani.
  1. Ang pagkumpleto ng Achievements ay nakakatulong sa iyo na makakuha ng mga libreng diamante, stamina, at enhance stone.
  1. Huwag kalimutang i-claim ang iyong Daily Rewards.
  1. Palakasin ang kagamitan ng iyong mga bayani.
  1. Unawain ang buong sistema ng labanan ng laro.

Ito ang lahat ng mga diskarte na dapat mong tandaan upang patuloy na umusad sa laro. Tandaan na magsaya at maglibang lamang habang sinisiyasat ang mundo ng Britannia!

Pros at Cons sa Paglalaro ng The Seven Deadly Sins

Pag-usapan natin ang mga positibong bahagi sa larong The Seven Deadly Sins. Pagdating sa gameplay nito, totoong naghahatid ito ng madaling mekaniks na kahit ang mga baguhang manlalaro ay madaling maunawaan. Nag-aalok ito ng maikling tutorial na gagabay sa iyo kung paano gumamit ng mga kasanayan, pag-merge, at gamitin ang ultimate skill. Sa bawat pagkakataon mong tumira, magagawa mong pumili kung aling karakter ang mahusay para umatake sa kalaban. Maaari mong gamitin ang feature na target-select kung saan ay malaman mo kung sinong kalaban ang mag-a-activate sa susunod na round. Pagkatapos nito, magpapatuloy ang labanan hanggang sa maubos ang kanilang buhay. Ito ay napakadali lamang, diba? Walang kahirap-hirap sa pagkontrol ng mga karakter at iba pang feature ng laro.

Sa visual graphics ng laro, maayos nilang nagawa ang bawat animation at ito ay mayroong 3D high-resolution cutscenes na ibinase sa isang anime manga series. Ang mga karakter ay detalyado magmula ulo hanggang paa. Makikita mo si Meliodas, ang tavern master, na isa sa pinakamamahal na karakter sa serye. Mae-enjoy mo ang isang dynamic na fighting scene na angkop sa maliit na screen ng iyong device.

Ang laro ay nakakakuha ng maraming magagandang feedback mula sa mga manlalaro, ngunit nangangailangan pa rin ito ng improvement pagdating sa performance nito. Ang ilang mga manlalaro ay nahihirapang kumonekta sa server at nakakaranas ng mga pagkaantala sa gitna ng paglalaro. Bumabagal ang bilis ng pagkilos, gayundin ang mga sound effect. Ang tunog ay biglang humihinto at nagiging matamlay na lamang bigla ang mga boses. Dapat ayusin ng mga developer sa susunod na patch ang lahat ng isyung ito na inirereklamo ng mga manlalaro. Gayunpaman, nag-aalok pa rin ito ng natatanging sistema ng pakikipaglaban, at lubos na iminumungkahi ng Laro Reviews na subukan ito para masuri ang buong performance ng laro. 

Konklusyon

Ang The Seven Deadly Sins ay sobrang nakakaengganyong laro na may mataas na kalidad na mga cut action sequence, matindi at kakaibang battle mechanics, at isang nakakamanghang RPG. Subukan na ito kaagad at simulan ang isang epikong pakikipagsapalaran sa lupain ng Britannia.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...