Extreme Golf Review

Ang golf ay itinuturing na isa sa mga pinakamainam na paraan upang maglibang at makapag-relax simula pa noong ito ay madiskubre noong 15th century. Bukod sa ito ay isang uri ng libangan, kinikilala rin ito bilang isang sport. Sa kasalukuyan, marami ng gaming app ang inilabas na hango rito. Kung naghahanap ka ng alternatibo sa paglalaro ng golf, kailangan mong malaman ang tungkol sa Extreme Golf. Ito ay isang sports game na binuo at inilunsad ng HAEGIN Co, Ltd., isang South Korea developer at publisher company. Ang competitive multiplayer game na ito ay inilabas noong 2020 at nakapagtala na ng mahigit sa 500,000 downloads sa Google Play.

Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro rito ay maipanalo ang iba’t ibang golf matches at maging isang ultimate golf mater. Upang manalo sa mga regular na game match, kinakailangan nilang gumamit ng pinakakaunting bilang ng strokes upang maipasok ang golf ball sa hole. Halina’t samahan ang Laro Reviews habang tinatalakay ang mahahalagang impormasyon tungkol dito. 

Paano I-download ang Laro?

Ang larong ito ay maaaring i-download sa mga Android at iOS device. Hanapin lang ang game app sa Play Store o sa App Store at i-click ang install button. Kung nais mo namang maglaro gamit ang laptop o desktop, kailangan mong i-download ang app o ang APK file at gumamit ng isang lehitimong emulator upang i-run ito. Bilang alternatibo, maaari mo ring i-click ang angkop na link sa ibaba:

Download Extreme Golf on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.haegin.extremegolf

Download Extreme Golf on iOS https://apps.apple.com/mt/app/extreme-golf-4-player-battle/id1486519114

Download Extreme Golf on PC https://appsonwindows.com/download/7933155/34736/

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro 

Ang Extreme Golf ay naiiba kung ikukumpara sa karamihang golf gaming app. Ang makatotohanang field settings nito at de-kalidad na graphics at animations ay makalaglag-panga. Maaari mo ng tuparin ang iyong pangarap na makapaglaro sa golf course o kaya ay maging isang sikat na golf player gamit lamang ang iyong gaming device. 

  • Gameplay

Inaanyayahan ka ng Extreme Golf na sumabak sa mga kapanapanabik na real-time golf match. Makikipagtunggali ka laban sa ibang manlalaro. Susubukan nito ang iyong sense of precision at galing sa pag-timing. Maaari kang lumahok sa iba’t ibang matches na binubuo ng hanggang walong mga manlalaro, depende sa game mode na pipiliin mo. Bukod dito, ipinagmamalaki rin nito ang mabilis na matchmaking system dahil hindi mo na kailangan pang maghintay ng mahabang oras para magsimula ang laro. Kahit na bago ka pa lamang dito o kaya ay wala kang alam tungkol sa mga alituntunin ng golf, huwag mag-alala dahil may maikling tutorial din naman dito. 

  • Game Controls

Ang game controls ng laro ay simple at madaling gamitin. Upang makagawa ng tira, kailangan mong i-click at i-drag ang golf ball paatras para makakuha ng momentum. Sa ganitong paraan pwede mong makontrol ang power level ng iyong pagtira. Maaari mo ring i-adjust ang direksyon nito upang mai-target ang golf hole. Kapag nakasentro na ang direksyon at nai-set mo na ang power level, maaari mong i-release ang golf ball upang makagawa ng tira. 

  •  Game Mode

Ang larong ito ay naglalayon na magbigay ng kapanapanabik na gaming experience sa mga manlalaro. Ang golf game na ito ay may anim na game modes. Ang bawat isa ay may kakaibang ganap at iba’t ibang game mechanics. Sa Classic Mode, makakapaglaro ka sa mga real-time na golf match, kalaban ang tatlong iba pa. Upang manalo, kailangan mong gumamit ng pinakakaunting bilang ng strokes upang maipasok ang golf ball. Sa kabilang banda, kung nais mong subukan ang iyong bilis at precision skills, ang Rush Mode ay para sa iyo. Ito ay isang 8-player golf match na hindi mo dapat palampasin. Samantala, kung sa palagay mo ay dapat mong pagbutihin pa ang iyong skills bago makipagtunggali sa iba, ang Practice Mode ang dapat unahin. Dito, pwede kang magsanay hanggang gusto mo. Kung nais mo namang makakuha ng mas bonggang rewards, kailangan mong sumali sa Tournament Mode. Makakatapat mo rito ang pinakamagagaling na mga manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Kung nais mo namang makipaglaro kasama ang iyong mga kaibigan at kakilala, piliin ang Friendly Mode. Sa Near-Pin Challenge Mode naman, ang bawat manlalaro ay may tig-isang pagkakataon lamang para tumira. Upang manalo rito, kinakailangan mong tirahin ang golf ball na pinakamalapit sa hole.

  • Clan Feature

Ang Extreme Golf ay may Clan feature na nanghihikayat sa mga manlalaro na makipag-ugnayan sa iba. Maaari kang sumali sa iba’t ibang clans o kaya ay bumuo ng bago at mag-recruit ng mga miyembro. Kailangan mong makipagtulungan upang mas mapalaki at kilalanin ang inyong clan sa larangan ng larong ito. Bukod pa rito, magkakaroon ka rin ng mga eksklusibong access sa special events at makakakuha ng rewards. 

Pros at Cons ng Extreme Golf

Marami ang nahuhumaling sa larong ito dahil sa iba’t ibang game modes na maaaring pagpilian. Kung sakaling sawa na sa mga regular game matches ay pwede namang sumubok ng iba. Malaking bagay din ang pagkakaroon nito ng interactive features, dahil bukod sa paglalaro ng golf, ang mga manlalaro ay maaari ring makipag-ugnayan at makahanap ng mga bagong kaibigan online. Bukod dito, ang mga nakakamanghang graphics, golf course design at animations ng laro ay de-kalidad at makatotohanan. Ang game controls nito ay simple, madaling gamitin at gumagana ng maayos. At ang pinakamahalaga sa lahat, pwede itong laruin ng kahit na sino. Ang gameplay at game mechanics nito ay madaling intindihin kung kaya’t kahit wala kang alam tungkol sa golf ay pwede ka pa ring matuto at maglaro nito. 

Sa kabilang banda, may iba’t ibang mga isyu din ang larong ito. Maraming manlalaro ang nadidismaya sa hindi patas nitong gameplay. Sa halip na makadagdag sa realistic effects ng laro, ang wind mechanics nito ay patuloy na nagpapahirap sa mga manlalaro. Ito kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit napakahirap mai-hole ang golf ball – bigla na lamang “nagbabago ang ihip ng hangin”. Mayroon din itong ilang technical issues tulad ng hindi angkop na distansya kaya napakahirap makagawa ng epektibong pagtira. Medyo may katagalan din ang pag-load ng app at real-time matches nito, taliwas sa ipinapahayag ng advertisement tungkol sa laro. May mga nagsasabi na parang sinasadya ng larong matalo sila upang mapilitan ang karamihan na gumamit ng in-app purchases. Puno rin ang larong ito ng bots, na ginagawang mas mahirap at hindi gaano ka-challenging ang laro. 

Konklusyon

Ang Extreme Golf ay may average rating na 4.5 stars mula sa mahigit 25,000 reviews sa Play Store. Sa kasalukuyan, wala pa itong available na ratings o reviews sa App Store. Kung nais mong subukan ang iyong talento sa paglalaro ng golf, pwede ito sa’yo. Sa kabuuan, para sa Laro Reviews, ito ay isa sa mga pinakamainam na apps para maglaro ng golf. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...