Fashion Queen Catwalk Review

Marami sa atin ang nakasanayan nang sinusuri muna nang maiigi ang suot na mga damit kapag aalis ng bahay at may dadaluhang selebrasyon, o hindi kaya ay gagala sa mga pasyalan tulad ng mall, park at maging sa mga trabaho at paaralan. Lahat naman siguro ng tao ay naghahangad na magmukhang kaaya-aya sa harap ng ibang tao. Kaya kung isa ka sa mga taong gustong i-level up ang iyong sense of fashion, inihahandog ng Game Another ang Fashion Queen Catwalk para sa iyo. Ngunit ano nga ba ang larong ito at paano ito dapat laruin?

Sa larong Fashion Queen Catwalk, gagampanan mo ang character ng isang magandang babaeng maglalakad kagaya ng mga model sa isang runway. Sa karagdagan, hindi lamang paglalakad ang gagawin mo sa larong ito dahil kailangan mo ring pumili ng mga nababagay na mga kasuotan para sa iyong character na aakma sa ibibigay na tema ng laro. Halimbawa, kung ang tema ng laro ay ‘beach’ kailangan mong piliin ang mga kasuotang nababagay sa beach kagaya ng swimsuit, pares ng tsinelas, sunglasses at beach hat. Sakali namang ang tema ay ‘wedding’, syempre ang mga dapat mong piliing kasuotan ay ang mga karaniwang nakikita sa kasalan kagaya ng wedding dress, bouquet of flowers, at low-heels.

Ang mas kaabang-abang pa ay hindi ka nag-iisa sa laong ito dahil mayroon kang makakalabang isang babae sa run way. Magpapagalingan kayo sa pagpili ng mga kasuotan hanggang sa makarating kayo sa dulo ng run way kung saan bibigyan kayo ng marka ng mga hurado. Kung sino ang makakakuha ng mas mataas na marka ay siyang panalo at kung sino naman ang may mababang marka ay makakatikim ng isang sipa mula sa nanalo, kaya kung ayaw mong masipa at tumilapon, kailangan mong galingan sa pagpili ng mga kasuotang aakma sa temang ibibigay ng laro.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Bago ka pa man mag-umpisang maglakad sa runway, ibibigay na kaagad ng laro kung ano ang magiging tema, kaya siguraduhing mabasa mo ito bago ka pumili ng mga damit, istilo ng buhok, at kilay. Kung hindi ka pamilyar sa ibang tema ng laro, mayroon kang ilang segundo upang subukang suotin nang saglit ang mga pagpipiliang damit. Upang hindi naman malito sa mga pipiliing isusuot, ugaliin ang laging pagtingin sa tema. Hindi mo rin dapat gayahin ang pinipiling damit ng iyong kalaban dahil kapag ginawa mo ito ay siya ang makakakuha ng mataas na marka mula  sa mga hurado.

Sa pagdedesisyon naman kung ano ang pipiliin mula sa mga option, laging isaalang-alang kung nababagay ba ang pipiliin mo sa tema. Kung ‘Nightclub’ ang magiging tema, hindi mo maaaring piliin ang mga damit na sinusuot tuwing winter kagaya ng winter jacket, boots, makapal na long pants at sombrero. Gayundin, hindi mo dapat piliin ang shorts, sleeveless dress, at high-heel na sapatos kung ang tema ng laro ay ‘Snow.’

Huwag ring mangambang subukan ang lahat ng option at palitan ang una mong napiling kasuotan hangga’t hindi ka pa umuusad sa susunod na section ng runway dahil sa ganitong paraan mo malalaman kung bagay at akma nga ba ang iyong pinipili lalo pa at may ilang temang siguradong hindi pamilyar sa iyo.

Saan maaaring i-download ang larong ito?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, i-download naman ang MemMu Play android emulator sa PC para malaro ito rito. Sa kasalukuyan, hindi pa available ang larong ito para sa mga iOS user. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download Fashion Queen Catwalk on Android https://m.apkpure.com/fashion-queen-catwalk/com.fashion.queen.star

Download Fashion Queen Catwalk on PC https://www.memuplay.com/gr/how-to-play-com.fashion.queen.star-on-pc.html

Mga Feature ng Laro

  • Different Characters Hindi lamang isa, o dalawang characters ang makikilala mo sa larong ito dahil higit sa sampung characters ang makikita mong naglalakad sa gitna ng runway.
  • Hundreds of Fashionable Clothes Kung mga kasuotan lang naman ang pag-uusapan, tiyak na magugustuhan mo ang mga kasalukuyang trending na mga fashion style at clothes.
  • Free Fashion Tutorial Hindi mo na kailangan pang sumangguni sa mga eksperto sa fashion dahil sa pamamagitan lamang ng paglalaro ng Fashion Queen Catwalk, tiyak na kayang-kaya mo nang matutunan ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagpili ng isusuot na mga damit at cosmetic.

Pros at Cons ng Laro

Kung isa kang taong mahilig sumubok ng iba’t ibang fashionable na mga kasuotang may iba’t ibang istilo, nakatitiyak ang Laro Reviews na magugustuhan mo at maaadik ka sa larong ito. Hindi naman kasi maaaring ipagkailang nakakatuwang magkaroon ka ng kalayaang pumili ng sarili mong istilo ng pananamit. Bukod pa rito, tiyak na matututunan mo rin ang ilang tips kung paano pumili ng mga isusuot na damit kapag may pupuntahan kang handaan, o simpleng gagala lamang.

Sa karagdagan, bawat game level sa larong ito ay nagtatampok ng iba’t ibang challenges kaya hindi paulit-ulit ang iyong mga pagpipilian. Masarap din sa pakiramdam tuwing ikaw ang makakakuha ng mataas na marka mula sa mga hurado. Maliban pa rito, napakarami ring game levels sa larong ito kaya magsasawa ka talaga sa paglalaro, lalo na ng mga batang babaeng manlalaro.

Sa kabilang banda, masasabi ng Laro Reviews na tila ginawa ang larong ito na eksklusibo lamang sa mga kababaihan dahil mula umpisa hanggang dulo, wala man lamang mga lalaking character na itinatampok sa larong ito at kahit pa siguro magkaroon ng mga lalaking character, hindi pa rin ito papatok sa panlasa ng maraming kalalakihan lalo na ng mga manlalarong nasa hustong gulang na.

Isa pa sa mga hindi kanais-nais na katangiang mayroon ang larong ito ay ang labis-labis na dami ng ads. Sa loob ng ilang minutong paglalaro, tiyak na mapapagod ang iyong daliri sa kapipindot ng exit button ng mga pop-ad. Gayundin, paminsan-minsan ding nagkakaroon ng glitching sa laro lalo na bago magsimula ang panibagong game level.

Konklusyon

Panahon na upang ipakita sa buong mundo kung gaano kaganda ang iyong panlasa pagdating sa usaping fashion style. Ngunit kung kabilang ka naman sa mga taong gustong matutunan kung paano manamit nang maayos, tiyak na marami ka ring matututunan sa larong ito. Ngunit kung isa kang lalaking manlalaro, marahil makakahanap ka pa ng ibang laro kung saan nagtatampok ng men’s fashion. Sa kasalukuyan, nawa ay mapag-isipan sana ng developer ng larong itong idagdag sa feature ng laro ang mga lalaking character at mga kasuotan upang hindi lamang ang mga kababaihan ang mawiwili rito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...