Foot Clinic – ASMR Feet Care Review

Kung naghahanap ka ng kakaiba subalit masayang laro na maaari mong makuha sa Google Play Store, tiyak akong magugustuhan mo ang isang ito. Ito ay nilikha ng CrazyLabs Ltd, ang Foot Clinic – ASMR Feet Care. Dalawang taon na simula ng opisyal itong inilabas noong taong 2020 subalit hanggang ngayon ay patuloy na nilalaro ng marami.

Ang Foot Clinic – ASMR Feet Care ay isang role-playing, simulation at casual game na mayroong single-player mode. Mula sa pangalan ng laro, ito ay tungkol sa pagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga paa ng tao. Ang larong ito ay umiikot sa foot clinic na ang mga kadalasang ginagawa ay foot spa, nail care, surgery at marami pang iba.

Sa larong ito, ikaw ay magiging isang doktor at layunin mong tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente pagdating sa pangangalaga ng kanilang mga paa. Handa ka na bang maging isang magaling na doktor at ibigay ang nararapat na serbisyo para sa iyong mga pasyente? Kung handa ka na, basahin ang buong artikulo upang malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa larong ito.

Features ng Foot Clinic – ASMR Feet Care

Offline game – Bukod sa libre mong makukuha ang larong ito sa Google Play Store at App Store, ang Foot Clinic – ASMR Feet Care ay isa ring offline game. Ibig sabihin hindi mo na kailangan ng data o internet connection para makapaglaro nito. Kaya naman kahit anong oras o nasa ibang lugar ka man ay maaari mo itong laruin.

HD Graphics – Ang Foot Clinic – ASMR Feet Care ay mayroon ding HD graphics. Malinaw at maayos ang kabuuang disenyo na inilapat ng creators sa laro. Simple lang ang mga ginamit na elemento sa laro para sa isang role-playing game na tungkol sa foot clinic at foot care.

Easy controls – Ang Foot Clinic – ASMR Feet Care ay may easy controls kaya hindi ito mahirap laruin. Ito rin ay one-touch control kaya naman posible mong gamitin kahit ang isang kamay lamang sa paglalaro.

Items – Sa larong ito, maaari kang makakuha ng iba’t ibang item na magagamit mo para sa iyong foot clinic. Ang ilan sa mga item na maaari mong mapanalunan sa iyong paglalaro ay ang thorn tweezers, nail polish, at marami pang iba. Samantala, mayroon ka na ring item na sarili sa umpisa ng laro. Kabilang dito ang scraper & foot rasp, tweezers & pedicure scissors, orthosis, leech, soap & flusher, shaver, pedicure pliers at iba pang mga kagamitan sa clinic.

Saan pwedeng i-download ang Foot Clinic – ASMR Feet Care?

Maaari mo itong mai-download sa Android, iOS at sa iyong personal computer. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Foot Clinic – ASMR Feet Care on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.crazylabs.foot.doctor
Download Foot Clinic – ASMR Feet Care on iOS https://apps.apple.com/us/app/foot-clinic-asmr-feet-care/id1513557574
Download Foot Clinic – ASMR Feet Care on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.crazylabs.foot.doctor-on-pc.html

Para mai-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na ito, maaari mo nang buksan at laruin ang Foot Clinic – ASMR Feet Care.

Tips at Tricks kung Nais Laruin ang Foot Clinic – ASMR Feet Care

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Foot Clinic – ASMR Feet Care, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.

Sa larong ito, ikaw ay mag-uumpisa na agad laruin ang unang level subalit mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundin lamang ang mga itinuturo sa direksyon. Kapag nalagpasan mo na ang ang unang antas, magkakaroon ka na ng ideya sa larong ito at mabilis mo nang maiintindihan kung paano laruin ang Foot Clinic – ASMR Feet Care.

Sa Foot Clinic – ASMR Feet Care, mayroon mga kagamitan na ginagamit para sa mga paa ng pasyente katulad ng thorn tweezers, pedicure pliers, scraper at marami pang iba. Para sa mga bago at ordinaryong manlalaro, ang mga kagamitang ito ay hindi ganoon kapamilyar. Subalit ituturo naman ng laro kung paano mo ito gagamitin sa iyong mga pasyente. Kaya naman bukod sa masisiyahan ka na sa paglalaro, matutunan mo pa kung para saan ang mga gamit na iyon.

Simple lang at madaling maintindihan ang larong ito. Hindi ito nalalayo sa totoong sitwasyon kung paano mong pangalagaan ang iyong mga paa. Kaya hindi ka mahihirapang unawain kung paano mo ito lalaruin. Tiyak akong magugustuhan mo rin ito gaya ng ibang manlalaro.

Dagdag pa rito, maaari ka ring makakuha ng iba pang items na magagamit mo sa iyong foot clinic. Sa kada tapos ng level, mayroong item na naghihintay sa iyo bilang premyo bukod sa perang makukuha mo. Maglaro lang at ibigay ang pangangailangan ng mga pasyente sa kanilang mga paa. Gamitin ang mga perang mapapanalunan upang mabuksan ang items at ma-upgrade ang station, furniture at decoration ng iyong foot clinic.

Pros at Cons ng Foot Clinic – ASMR Feet Care

Para sa Laro Reviews, ang larong ito ay naghahatid ng kasiyahan para sa mga manlalarong naghahanap ng libangan at pantanggal ng stress. Mabilis din itong matutunan ng kahit na sino dahil simple lang ang mechanics at gameplay ng laro. Bukod pa riyan, maganda rin ang graphics, visual at sound effects na inilapat ng mga developer sa larong ito. Hindi ka madidismaya sa maayos at magandang larong likha ng CrazyLabs Ltd.

Ang Foot Clinic – ASMR Feet Care ay pwede ring laruin ng mga batang edad tatlo pataas. Walang anumang karahasan o masamang nilalaman ang larong ito na nakakaapekto sa isipan ng bawat indibidwal. Bagkus, kapupulutan pa ito ng aral dahil matututo ka sa mga kagamitang ginagamit sa foot clinic. Kaya naman pinahihintulutan itong laruin ng mga bata. Sigurado akong magugustuhan rin ito ng mga kabataan at matatanda.

Dagdag pa rito, nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa reviews, tinawag nila itong ‘fun’, ‘satisfying game’, ‘addicting’ at ‘entertaining’. May nagkomento rin na maganda raw itong laro dahil mayroon kang matutunan tungkol sa foot care. Matututuhan mo rin kung paano maging isang foot doctor. Subalit ang karaniwang problema naman na nararanasan ng ibang manlalaro ay ang dami ng ads na lumalabas. Nakakaabala raw ito dahil bigla na lang silang tumitigil sa kanilang paglalaro. Ayon naman sa isang manlalaro, binubuksan lang niya ang airplane mode sa kanyang device upang walang ads na lumalabas. Ngunit, ang ibang manlalaro ay patuloy pa ring nakakaranas ng ganitong problema.

Ang larong ito ay wala ring mga in-app na produkto na gumagamit ang tunay na pera. Hindi mo na kailangang bumili ng mga item at gumastos. Lahat ng maaari mong makuha ay dapat mong paghirapan sa paglalaro.

Konklusyon

Ang larong ito ay nasa unang pwesto bilang top free in role playing game sa Google Play Store. Mayroon na itong 3.6 stars out of 5 ratings at may mahigit 121,000 reviews. Umabot na sa mahigit 50 milyong downloads ang larong ito simula ng inilabas ito noong taong 2020. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong device ang Foot Clinic – ASMR Feet Care!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...