Ys 6 Mobile VNG Review

Kung hanap mo ay bagong role-playing game na may magandang graphics at storyline, tiyak akong magugustuhan mo ang isang ito. Ang larong ito ay nilikha ng VNG Corporation – Công ty Cổ phần VNG, ang Ys 6 Mobile VNG. Ito ay opisyal na inilabas ngayong taong 2022 kaya naman isa ito sa pinakabagong RPGs na maaari mong laruin sa Google Play Store at App Store.

Ang Ys 6 Mobile VNG ay isang Massively multiplayer online role-playing game o MMORPG. Ibig sabihin, sa larong ito ay maaari mong makasalamuha ang iba’t ibang manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ikaw ang magkokontrol sa mga kathang-isip na karakter sa isang mundong ginawa base sa imahinasyon. 

Ang larong ito ay umiikot sa kwento kung paano nagsimula ang pakikipaglaban ng bawat karakter. Mayroon silang kanya-kanyang misyon na dapat isagawa at tungkulin bilang isang mandirigma na dapat gampanan.

Sa larong ito ikaw ay may kalayaang mamili kung anong karakter ang nais mong gampanan. Ang bawat karakter ay may kanya-kanyang katangian at kapangyarihang taglay. Gamitin ang iyong kasanayan at ibigay ang lahat ng iyong makakaya upang matalo ang kalaban. Handa ka bang makipaglaban?

Features ng Ys 6 Mobile VNG

3D at HD Graphics – Ang larong ito ay mayroong 3D at HD graphics. Ang mga graphic designs na ginamit ay may tatlong dimensyon ng taas, lapad at lalim na naka-set sa loob ng tila totoong mundo. Malinaw at maayos rin ang visual at sound effects na inilapat sa laro.

Story – Hindi katulad sa ibang role-playing games, ang Ys 6 Mobile VNG ay mayroong istorya. Hindi ito nakikipaglaban at naglalakbay lamang subalit mayroon itong misyon na dapat gawin.

Maraming karakter – Sa larong Ys 6 Mobile VNG, maaari kang pumili sa 5 classes at 9 sub-classes na karakter. Kabilang sa 5 classes ng heroes ang Warrior, Mage, Ranger, Assassin and Samurai. Maaari mong i-level up ang iyong mga karakter upang mahati sila sa 9 sub-classes.

Game modes – Ang larong ito ay mayroon ding iba’t ibang game modes. Kabilang dito ang dungeons, story mode, boss raid, treasure hunts at iba pa. Tiyak akong marami kang pwedeng pagpilian na laruin sa Ys 6 Mobile VNG.

Saan pwedeng i-download ang Ys 6 Mobile VNG?

Maaari mo itong mai-download sa Android, iOS at sa iyong personal computer. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Ys 6 Mobile VNG on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=adventure.rpg.anime.game.vng.ys6
Download Ys 6 Mobile VNG on iOS https://apps.apple.com/VN/app/id1593124546?mt=8
Download Ys 6 Mobile VNG on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/ys-6-mobile-vng-on-pc.html

Para mai-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na ito, maaari mo nang buksan at laruin ang Ys 6 Mobile VNG.

Tips at Tricks kung Nais Laruin ang Ys 6 Mobile VNG

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Ys 6 Mobile VNG, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.

Kung ikaw ay bagong manlalaro ngunit hindi alam kung paano magsisimula, huwag kang mag-alala dahil mayroong gagabay sa iyo sa umpisa ng laro. Sundin lamang ang mga itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magkakaroon ka na ng ideya kung paano laruin ang Ys 6 Mobile VNG.

Sa umpisa ng laro, kailangan mo lang sumang-ayon sa patakaran na hinihingi ng laro. Pahintulutan sila na maka-access sa files sa iyong device para sa kinakailangan ng laro. Panoorin ang maikling video sa umpisa ng laro upang maunawaan ang daloy ng kwento. Pagkatapos nito ay maaari ka ng magsisimula sa laro.

Ang larong ito ay online game, ibig sabihin kailangan mo ng data o internet connection para makapaglaro nito. Kaya naman nakakaapekto rin ang mahinang interconnectivity sa laro dahil napapabagal nito ang progreso. Siguraduhin malakas o sapat ang connection na mayroon upang maayos na makapaglaro ng Ys 6 Mobile VNG.

Upang hindi malito sa umpisa ng laro, sundin lang ang sinasabi ng direksyon at basahin ang dayalogo ng mga karakter. Kapag naunawaan mo ito, magiging madali sa iyo kung ano ang daloy ng kwento. Mayroon kang makakasama sa paglalaro na ibang mga karakter subalit dapat mong tandaan kung ano ang iyong misyon at yun ay patayin ang mga halimaw na makikita mo upang makapagpatuloy sa paglalakbay.

Marami kang makakaharap na iba’t ibang uri ng kalaban kaya’t huwag magpatalo upang makarating sa dulo ng laro at makaharap ang boss ng level. Kapag natalo ninyo ang pinakamalakas na halimaw, makakakuha ka ng gantimpala at makakapunta na kayo sa susunod na level ng laro.

Hindi gaanong madaling laruin ang Ys 6 Mobile VNG tulad ng ibang RPGs. Subalit maganda ang kalidad ng laro at sulit itong subukan. Tiyak akong masisiyahan ka kapag natutunan mo na itong laruin.

Pros at Cons ng Ys 6 Mobile VNG

Para sa Laro Reviews, ang larong ito ay nakalalamang sa ibang mga role-playing games pagdating sa mahusay na graphics. Ang visual effects nito ay maayos at malinaw, pati na rin ang sound effects na ginamit sa laro ay angkop para sa isang action game. Ang mga karakter na ginamit ay base sa sikat na anime o manga characters. Maganda rin ang animation na inilapat sa bawat karakter dahilan upang mahikayat ang mga manlalaro.

Ang Ys 6 Mobile VNG ay pwedeng laruin ng mga batang edad labing dalawa pataas lamang. Hindi pinahihintulutan ang mga bata dahil mayroon itong mga nilalaman na hindi angkop sa murang edad katulad ng banayad na karahasan sa pakikipaglaban. Patnubay at gabay ng magulang o mas nakatatanda ang kailangan.

Dagdag pa rito, nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Pinuri nila ang magandang graphics, characters, designs, story at ang kabuuan ng laro. Nagustuhan rin nila ang mahusay na animation at storyline na inilapat sa laro. Subalit marami silang mga bug at lag na naranasan sa kanilang paglalaro. Ang iba naman ay nawala ang data na kanilang nilaro kaya ilang beses silang umulit. Nagbigay naman ng komento ang developer ng laro at nagpasalamat sa feedback na ibinigay dahil nalaman nila ang kanilang dapat ayusin at pagbutihin sa laro.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱49 hanggang ₱4,990 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.

Ngunit maaari ka pa ring makapaglaro nito at makakuha ng mga items kahit hindi ka gumamit ng tunay na pera o bumibili ng mga in-app na produkto. Ito ay libre lang na i-download sa Google Play Store at App Store. Para naman makakuha ng mga items at rewards, kailangan mo lang maglaro at ipanalo ang bawat laban.

Konklusyon

Kahit inilabas lang ang larong ito ngayon 2022, mayroon na itong 3.2 stars out of 5 ratings sa Google Play Store at may mahigit 3,000 reviews. Samantala, umabot na sa mahigit 100 libong downloads ang larong ito. Ito rin ay nasa ikatlong pwesto bilang top free in role playing game na laro. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong device ang Ys 6 Mobile VNG!

Ang Ys 6 Mobile VNG ay opisyal na lisensyado ng Falcom at inilathala ng VNG Games. Ang larong ito ay isa sa magandang likha ng VNG Corporation, ang isa sa nangungunang game developer sa bansang Vietnam.

Kaya naman ang larong ito ay magandang subukan at sulit laruin. Sigurado akong magugustuhan mo ito kapag naranasan mo mismo ang maglaro nito. Isa ka rin sa magrerekomenda ng larong ito gaya ng ibang manlalaro. Kaya ano pang hinihintay mo? Maglaro ka ng Ys 6 Mobile VNG.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...