Five Nights at Freddy’s 2 Review

Five Nights at Freddy’s 2 – Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga horror scenes na kadalasang may jumpscare. Bibilis ang tibok ng iyong puso at mararamdaman mo ang pagtagaktak ng pawis sa iyong katawan. Dahil popular ang temang ito, maging sa larangan ng pelikula ay naglipana ang horror themes. Kung kaya’t hindi na rin nagpapigil ang mga video games na halaw sa mga nakakatakot na pangyayari.   

Ilan sa mga kinatatakutan ng tao ay ang pag-iisa sa dilim, mapalapit  sa panganib, at maging mataranta kapag nasa nakababahalang sitwasyon. Ito ang mga pangambang kalakip sa paglalaro ng Five Nights at Freddy’s 2. Kaya naman masusukat ang iyong tapang at tatag ng loob habang nangangailangan ng ibayong estratehiya kapag nilalaro ito. 

Ang Five Nights at Freddy’s 2 ay isang strategy game na binuo ni Scott Cawthon bilang sequel. Inilabas ito isang buwan lamang matapos na maisapubliko ang orihinal nitong laro. Umiikot ang setting ng laro sa isang pambatang pizzeria kung saan mapanglaw at makulilim ang paligid. Ang manlalaro ay isang bagong sekyu na panggabi. Pinalitan nito ang naunang guwardiyang nagreklamo tungkol sa nasaksihan niyang mga animatronic na nagtangkang pumasok sa loob ng opisina at dahil dito, siya ay inilipat sa day shift. Bilang bagong guwardiya, kasama sa trabaho ang pag-monitor ng CCTV sa bawat silid at siguraduhing walang mangyayaring hindi kaaya-aya sa oras ng iyong shift – magmula alas dose hanggang alas sais ng umaga. Bukod pa rito, upang ikaw ay makakalabas ng buhay, mahalagang makaligtas matapos ang nabanggit na oras nang hindi ka salakayin ng mga animatronic na palibot-libot sa bawat silid. 

Five Nights at Freddy's 2

Five Nights at Freddy’s 2

Paano laruin ang Five Nights at Freddy’s 2? 

Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa Google Play para sa Android users, at sa App Store naman para sa Apple users. I-type sa search bar ang Five Nights at Freddy’s 2. Dahil isa itong premium game, may bayad ang laro bago makapagsimula. Matapos na mabili ito, tapusin ang pag-download at kumpletuhin ang sign-in details.

Features ng Five Nights

Animatronic characters – Ang kalaban mo sa larong ito ay animatronic characters o mga puppet na pinapakilos gamit ang electromechanical devices. Sa loob ng matagal na panahon, sila ay nakatira sa Freddy Fazbear’s Pizza na konektado kung saan ka nagtatrabaho. Ang pangunahing villain ay si William Afton o mas kilala sa pangalang “Purple Guy.”                    

Jumpscares – Nagtatapos ang laro na may jumpscare. Ito’y indikasyon ng pagkatalo sa tuwing umaatake na ang animatronics.  Dapat mong iwasan ang mga ito upang ikaw ay mabuhay. 

Mini games – May access ang manlalaro sa serye ng eight-bit mini games matapos mamatay o makumpleto ang isang task. Ang mini games ay kadalasang konektado sa istorya ng laro o mahalagang pangyayari, ngunit isinisiwalat sa cryptic na pamamaraan. Kumbaga, dagdag pananabik ito sa kwento ng laro.                                                                                                 

Saan pwedeng i-download ang Five Nights at Freddy’s 2?

Narito ang mga links na maaaring magamit para ma-download ang laro:

  • Download Five Nights at Freddy’s 2 on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/five-nights-at-freddys-2-on-pc.html
  • Download Five Nights at Freddy’s 2 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.scottgames.fnaf2&hl=en_GB&gl=PH
  • Download Five Nights at Freddy’s 2 on iOS https://apps.apple.com/us/app/five-nights-at-freddys-2/id941143328

Kung sa PC mo naman napiling maglaro ng Five Nights at Freddy’s 2, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa website. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos ma-download, kumpletuhin ang access na kinakailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play. Sa wakas, maaari mo nang simulan ang paglalaro!

Five Nights at Freddy's 2

Five Nights at Freddy’s 2

Tips at tricks para sa Five Nights at Freddy’s 2

Gamitin ang mga ibinigay ng kumpanya para magkaroon ng dagdag-proteksyon kung sakali mang magtangkang pasukin ng animatronics ang iyong opisina. Ang basyo ng ulo ni Freddy Fazbear ay ginagamit upang malinlang ang mga animatronic na lubayan at hayaan kang mag-isa. Tantyahin at suotin lamang ang ito sa tuwing may papalapit na animatronics sa lugar o kapag biglaan mo silang nakasalubong sa daan. 

Mayroong vents na nagsisilbing medium para makapunta ang animatronics tungo sa manlalaro. Kaya siguraduhing maging alerto tuwing lalapit ka dito. Kailangan mo ring maiwasan ang pag-atake ng animatronics sa pamamagitan ng kanilang jumpscare, upang makasulong ka sa laro. Mainam din na gumamit ng iba’t ibang kagamitan tulad ng CCTV cameras, ilaw, flashlight, pinto, at vents para maprotektahan ang sarili laban sa mga kalaban na umaaligid. Dahil madilim ang setting ng laro, kapag binuksan ang ilaw sa pader ay masisinagan din nito ang iyong blind spots tulad ng doorway o vent exit. Mayroon ding flashlight na maaaring gamitin ngunit tandaan na limitado lamang ang baterya nito. Sa paggamit naman ng CCTV cameras, karamihan ng camera feed ay malabo at minsan ay puti’t itim lamang ang kulay nito. Mahirap man gamitin, ngunit mahalagang i-maximize pa rin ito upang maobserbahan ang galaw at lokasyon ng animatronics. Nakakalungkot na paisa-isang lokasyon lamang ang nakikita at may iba pang lugar na hindi naaabot ng camera. 

Pros at Cons ng Five Nights at Freddy’s 2

Bagaman may impresyong nakakatakot laruin ang Five Nights at Freddy’s 2 dahil horror ang tema nito, hinahasa nito ang abilidad ng manlalaro upang maging listo sa pagbuo ng estratehiya. Dahil dito, naeensayo ang pag-iisip at diskarte. Nahahasa rin ang iyong reflex at ang kakayanang maging alerto sa lahat ng pagkakataon. At dahil wala kang ideya sa posibilidad ng susunod na mangyayari, natututo kang pumaraan upang makaligtas sa anumang sitwasyon na iyong haharapin. 

Related Posts:

O2Jam – Music & Game

Lucid Dream Adventure 2 Review

Five Nights at Freddy's 2

Five Nights at Freddy’s 2

Isa sa mga negatibong komento sa larong ito ay malaki ang pagkakatulad nito sa naunang Five Nights at Freddy’s. Bilang isang horror video game, ito ay nakapagdudulot ng labis na takot, pagkagulat at kaba. Kaya hindi ito inirerekomenda sa mga taong madaling nerbyusin, matakot, o kaya’y may kondisyong medikal. Hindi rin ito iminumungkahi na laruin ng mga bata sapagkat wala pa silang kakayanang makilala ang kaibahan ng totoo sa hindi. Kadalasan, nagdudulot ito ng labis na pagkatakot o trauma na maaari nilang madala hanggang sa paglaki. 

Konklusyon

Sa kabuuan, ang larong Five Nights at Freddy’s 2 ay tunay ngang nakakatakot pagdating sa usapin ng graphics, visuals, at background sounds. Ang kagandahan nito ay sinasanay ang mga manlalaro na mag-isip ng madiskarteng plano at agarang makapag-adjust sa anumang sitwasyon. Kaya ano pa ba ang hinihintay mo? I-download na ang Five Nights at Freddy’s 2! 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...