Fortune Game Review – Paano Laruin ang Fortune Game

Bukod sa kasiyahan at kapahingahang dala ng mga online games sa mga manlalaro, alam mo bang maaari na rin tayong kumita ng pera sa pamamagitan nito? Kung naghahanap ka ng bagong laro na may premyong tunay na pera, tiyak akong magugustuhan mo ang isang ito. Ang Fortune Game ay nilikha ng Fortune Game001 at opisyal na inilabas noong taong 2021.

Ang Fortune Game ay isang larong sugal. Ito ay pangalawa sa pwesto bilang top free casino game sa Google Play Store. Sa larong ito, kailangan mong tumaya gamit ang tunay na pera at kapag ikaw ay nanalo sa mga palaro maaaring doble o triple ang pera na makukuha mo. Bukod sa nasiyahan ka na sa paglalaro, nagkaroon ka pa ng extra income.

Ipaparanas sa’yo ng larong ito kung paano dapat maging madiskarte sa paglalaro. Matututuhan mo rin kung paano bumuo ng estratehiya at pamamaraan para mas madali kang manalo sa laro. Subukan ang larong ito upang madiskubre ang iyong kakayahan sa paglalaro sa casino. Nasa istilo ng iyong paglalaro nakasalalay ang tagumpay. Handa ka na bang maging magaling na casino player?

Fortune Game Review - Paano Laruin ang Fortune Game

Narito ang ilang features, tips at tricks, pros at cons ng larong ito na sigurado akong makatutulong sa iyo. Basahin ang buong artikulo upang malaman ang buong detalye tungkol dito.

Features ng Fortune Game

HD Graphics – Ang Fortune Game ay mayroong maayos at malinaw na disenyo ng graphics. Hindi ka madidismaya sa magagandang graphics na inilapat sa kabuuan ng laro. Mararamdaman mo na parang ikaw ay naglalaro talaga sa isang casino.

Maraming laro – Hindi lang isa o dalawa kundi higit sa limang laro ang maaari mong masubukan sa Fortune Game. Ang ilan sa mga larong ito ay Dragon Tiger, 88 Fortunes Slots, Color Game, Animal World, Luxury Fruits Connection, Egypts Slots, Wonderland Forest Slot at iba pa. Maraming kang pwedeng pagpipiliang laro sa Fortune Game na pwede mong pagkakitaan ng pera.

Agent Commission Sa larong ito, maaari kang maging ahente at magkaroon ng komisyon sa laro. Maaari ka nang kumita ng pera kapag ikaw ay may mga naimbitahan na manlalaro sa larong ito. Mayroong dalawang ahente sa Fortune Game, ang Normal Agents at ang Senior Agents. Sa Normal Agent maaari kang kumita ng pera sa pamamagitan ng Bet Commission at Direct Referral. Samantala, sa Senior Agent naman kikita ka ng pera sa Bet Commission, Direct Referral, Special Bet Commission at Indirect Referral.

Kumita ng pera – Maaari kang kumita ng pera sa larong ito at mag-withdraw hanggang 462.33. Siguraduhin lang na mayroong sapat na balance sa account at sundan ang proseso ng pag-withdraw ng pera para makuha ito.

Ilan lang ito sa mga feature ng Fortune Game. Upang malaman pa ang tungkol dito, mas mainam kung ikaw na mismo ang maglalaro para matuklasan mo ang iba pang detalye ng larong ito.

Saan Pwedeng I-download ang Fortune Game?

Para sa mga nagnanais laruin ang Fortune Game sa inyong mga device, hindi mo na kailangang maghanap kung saan ito matatagpuan dahil narito na ang mga link na iyong kailangan. Maaari mo itong itong i-download sa Android at sa iyong personal computer. Ang laro ay hindi available sa iOS.

Saan Pwedeng I-download ang Fortune Game?

I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Fortune Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.firestar.fortunegame
Download Fortune Game on PC https://www.bignox.com/appcenter/com-firestar-fortunegame-pc.html

Para mai-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang “Install” at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na ito, maaari mo nang buksan at laruin ito.

Kung nagkakaroon ng problema sa pag-download, maaaring magpadala ng mensahe sa email account ng developer. Maaari ring mag-iwan ng komento tungkol sa laro upang malaman ng mga creators ang problema.

Tips at Tricks Kung Nais Laruin ang Fortune Game

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Fortune Game, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Kung ikaw ay bagong manlalaro, mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundin lamang ang itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magiging madali na sa iyong laruin ito.

Sa simula ng paglalaro, mag-register lang gamit ang iyong phone number. Pagkatapos nito ay maglagay ng password para sa iyong account. Magpapadala ng verification code sa iyong phone at ilagay ang code sa laro para masiguro na sa iyo nga ang numerong ibinigay mo. Huwag rin kalimutang ilagay ang Referral ID na ipapadala sa iyong numero. Kapag nagawa mo na ang prosesong ito, magkakaroon ka na ng sariling account sa Fortune Game.

Para makapaglaro ng mga casino games, kailangan mo munang maglagay ng tunay na pera sa iyong wallet sa laro. Upang makapag-cash-in sa Fortune Game, dapat mayroon kang Gcash account para dito mo kukunin ang perang ilalagay mo sa iyong game account. Maaari kang mag-cash in ng ₱100 at magkakaroon ka ng libreng 10 coins sa laro. Subalit kung 200 naman ang iyong babayaran, magkakaroon ka ng 200 coins at libreng 50 coins sa iyong account. Pwedeng mas malaking pera pa ang ilagay mo dito at umabot hanggang ₱30,000. Depende sa iyo kung magkano ang nais mong ilagay, subalit ang pinakamababa na presyo ay ₱100.

Sign up and get free coins Fortune Game

Sa paglalaro ng Fortune Game, kailangan mo ring gumamit ng estratehiya at pamamaraan upang manalo. Mas mainam kung mayroon ka na ring kaalaman kung paano maglaro ng mga casino games para sulit ang perang gagamitin mo. 

Ang lahat ng nabanggit ay ilan lamang sa mga gabay, tips at tricks kung paano ito laruin. Tandaan, huwag masyadong sumobra sa paglalaro upang hindi ito maging sanhi ng anumang adiksyon. Gamitin ang laro sa tamang paraan at magsilbi lang itong libangan.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Fortune Game

Para sa Laro Reviews, ang Fortune Game ay nakalalamang sa ibang casino games dahil nakuha nito ang pangalawang pwesto sa Google Play Store bilang top free casino games. Isa lang ito sa patunay na marami na ang nakapaglaro nito simula noong ito ay ilunsad at patuloy na tinatangkilik hanggang ngayon.

Simple at madali lang din intindihin kung paano laruin ang Fortune Game. Kailangan mo lang galingan at paghusayan sa iyong paglalaro upang manalo. Marami ka ring pagpipilian na mga casino game kaya naman hindi ka mababagot sa paglalaro nito. Mababa lang rin ang panimulang pera na kailangan sa laro na nagkakahalaga ng ₱100 kumpara sa ibang casino games.

Dagdag pa rito, nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, kasiya-siya ang larong ito. Nagpasalamat rin ang ibang manlalaro dahil nagkaroon sila ng extra income dahil sa Fortune Game. Ngunit marami ang nagsasabi sa kanilang reviews na hindi nila inirerekomenda ang larong ito dahil sa lag at bugs na naranasan nila sa paglalaro. Nagkaroon din daw sila ng problema sa pag-withdraw ng perang kanilang napanalunan na naging dahilan upang tawagin nila itong scam. Nagpadala na rin daw ang ibang manlalaro ng mensahe sa problemang kinakaharap sa laro subalit hindi raw ito sumasagot sa kanilang hinaing.

Samantala, sa kanilang bagong update noong Abril 2022, isinasaad nito na inayos na nila ang problemang nararanasan ng mga Android 12 version na hindi makapag-install ng laro. Subalit hindi pa rin nila sinasagot ang mga iniwang komento ng mga manlalaro sa Google Play Store tungkol sa mga problema nito.

Konklusyon

Sa ngayon, mayroon itong 3.9 stars out of 5 ratings sa Google Play Store. Samantala, umabot na sa mahigit 100 milyon downloads ang larong ito kahit noong taong 2022 lang ito inilabas. Kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Fortune Game!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...