GETCHA GHOST – The Haunted House Review

Ang GETCHA GHOST-The Haunted House ay isang entertaining puzzle adventure game na may one-of-a-kind puzzle design. Magaganda ang mga karakter at ang iyong misyon ay i-kontrol sila upang wasakin ang evil spirits at panatilihing ligtas ang lahat. Ang laro ay may simpleng combat system na ginagawang madali para sa mga manlalaro na maintindihan ito. Makakasagupa ang iba’t ibang monsters at ang isa sa kanila ay magiging partner mo na tutulong sa iyo sa pagkumpleto ng mahirap na misyon. Susubukin ng laro ang iyong kakayahan sa match-3 gameplay habang nakapagbibigay din ito ng brief flashes of relaxation.

Dahil ang larong ito ay may kakaibang features, mangangailangan ka ng gabay sa pagsisimulang laruin ito at ang Laro Reviews ay makapagbibigay sa iyo ng pangunahing impormasyon na kakailanganin mo para sa maayos na pagsisimula.

Gameplay ng GETCHA GHOST-The Haunted House 

Iba’t iba ang monster souls na nakapaligid sa iyo; kailangang maging maingat at adaptable upang matalo sila sa labanan. Maaari mong tawagin ang pinakamalakas na mga soul upang masimulan ang matinding labanan gamit ang mga abilidad at labanan ang kahit anong evil. Ang gameplay nito ay simple, mag-stack up lang ng blocks upang paghiwalayin sila at mapakawalan ang malakas na tira sa kalabang soul. Mas maraming bagay ang tatamaan, mas malaki ang magiging pagkawasak ng kalaban.

Gayunpaman, ang mga creature na ito ay may kakayahang saktan ka rin. Huwag maghintay lang sa mga sitwasyong darating kundi iwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari. Ang mahuhuling ghosts ay maaaring gamitin bilang battle tools, at ang isa sa kanila ay maaaring makatulong sa iyo sa pakikipaglaban at makapagbigay ng pambihirang kapangyarihan.

Layunin sa Paglalaro ng GETCHA GHOST – The Haunted House 

Sa kabuuan ng laban, makakasagupa ang iba’t ibang ghosts, at ang pangunahing layunin ay mapababa ang kanilang life marks. Dito papasok ang mga puzzle dahil ang iyong team ay sasalakay at titira sa tuwing makakakuha ng hindi bababa sa tatlong piraso ng puzzle. Upang maka-strike, i-solve ang match-3 puzzle. Ang iyong karakter ay bibigyan ng kulay na nakatalaga at ang pagsubok na i-match ang components nito na may parehong kulay ay makakapag-boost ng kanilang energy. Sa tuwing mapupuno ito makakamit ang partikular na kakayahan upang makapagbigay ng karagdagang damage.

Sa single-player fights ng Getcha Ghost– The Haunted House ang layunin ay alisin ang maraming ghost hanggang sa daming makakaya upang makakuha ng maraming puntos. Mayroong Duel Mode kung saan makikipaglaban sa iba pang mga manlalaro gayundin ang Friendly Mode na maaaring makipaglaban sa mga kaibigan.

Iba’t ibang Ghosts sa GETCHA GHOST – The Haunted House

Ang mga ghost sa GETCHA GHOST-The Haunted House ay kakaiba at malalakas at may kakayahan silang tirahin ang karakter mo sa pinakamalakas at mapanganib na tira. Ang Japanese ghosts ay halimbawa nito na mapapangit at nakakatakot.

Ang ghosts ng Europe, sa isang banda ay mas nakakatakot at patuloy na tinatakot ang lahat. Kasabay nito, madali nilang mahuhuli ang karakter at mas mabilis sila kaya dapat itong iwasan sa mas mabilis na paraan. Kahit ganito, kung wais ka mag-isip, maaari mo silang maturuan na maging alaga mo at tulungan ka sa mga kakaharaping laban. Ang mga manlalaro na magaling na sa larong ito at may kakayahan na sa pagkolekta ng ghosts ay makakahuli ng mas maraming ghosts.

Pag-Download ng GETCHA GHOST-The Haunted House

Ang GETCHA GHOST-The Haunted House ay maaaring i-download ng direkta mula sa Google Play Store para sa Android devices at sa App Store naman para sa iOS devices. Maaaring gumamit ng emulator upang ma-enjoy itong laruin sa PC.

Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:

Download GETCHA GHOST-The Haunted House on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dev3factory.shinbiApart

Download GETCHA GHOST-The Haunted House on iOS https://apps.apple.com/us/app/getcha-ghost-the-haunted-house/id1477789090

Download GETCHA GHOST-The Haunted House on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-18665-getcha-ghost-the-haunted-house/pc

Tips at Tricks sa Paglalaro ng GETCHA GHOST-The Haunted House

Ang character advancement ay kailangan sa GETCHA GHOST-The Haunted House upang matulungan ang mga manlalaro na makakuha ng karagdagang rewards. Maaaring i-boost ang iyong character’s danger at strike strength upang matalo ang nakakatakot na monsters. Kasabay nito maaari ring i-boost ang kakayahang kumulekta habang pinoprotektahan ang nasa paligid mula sa invasion. Upang mapanatiling buhay ang komunidad, kailangang gawin ang trabaho ng maingat, iwasan ang pagkakamali at mangulekta ng maraming souls na tutulong sa iyo upang makakuha ng mas maraming bagay para sa iyong karakter.

Upang makahuli ng monsters, kailangang maglakbay sa iba’t ibang lugar tulad ng kitchen, living room, bedroom, at iba pa o gamitin ang camera upang kuhanan sila ng litrato. Gamitin ang lens ng iyong phone upang palabasin ang tunay nilang anyo at pilitin silang magpakita sa ganitong anyo. Ito ay isang skilled tool sa paghuli ng evil spirits. Ang tool na ito rin ang tutulong sa iyo na makahanap ng mas maraming monsters at makadagdag sa enjoyment ng adventure. Ang mga ghost ay lilitaw anumang oras at kahit saan kaya kailangang maging alerto. Turuan ang nahuling monsters upang makatulong din sila sa iyo. Makikita mo ang monsters na nakapaligid sa iyo at at makakabuo ng network of pets upang ipagtanggol ka gamit ang mga kakayahan mo at ang sa kanila.

Pros at Cons ng GETCHA GHOST-The Haunted House

Ang ideya sa likod ng GETCHA GHOST-The Haunted House ay maganda. Ang kakayahang makahuli ng Ghosts gamit ang camera ng phone sa pagtapat sa iyong tunay na kapaligiran ay isang makabagong teknik. Gagamit dito ng AR technology sa paghanap at paghuli ng ghosts sa paligid. Gayunpaman, ang pagsunod at patuloy na paglalaro ng iba pa ay may kahirapan. Ang dangling hand na magtuturo ng dapat mong gawin ay hindi lubos na nakatutulong kundi mas lalo lang nagpapagulo at nagpapahirap na maintindihan ito.

Ang GETCHA GHOST-The Haunted House ay entertaining at immersive. Ang karamihan sa ads nito ay nakapagbibigay ng rewards at ang visuals ay seamless. Maaaring makipag-team up upang labanan ang ghosts online, at iba pang mga bagay. Ang tunog na nanggagaling sa ghosts ay nakakatakot ngunit entertaining din.

Ang isang maganda sa GETCHA GHOST-The Haunted House ay kahit na baguhan ka sa larong ito, hindi mo kailangang mag-alala dahil may tutorial na available sa simula ng laro. Maaari itong hindi pansinin kung naiintindihan na o alam na itong laruin. Ang unang bagay na matututunan sa tutorial ay kung paano humuli ng ghosts. Kailangang magkaroon muna ng item para rito na makukuha sa pamamagitan ng pakikipaglaban o pagkumpleto ng tasks.

Konklusyon

Ang konsepto sa likod ng GETCHA GHOST-The Haunted House ay kakaiba. Ang paggamit ng AR technology sa paghuli ng monsters ang naging isang bagong atraksyon sa larong ito, isang bagay na hindi pa masyadong ginagamit sa iba pang mga laro. Gayunpaman, may pagkakumplikado ang laro at kailangang pag-aralan upang maging masaya ang karanasan sa paglalaro nito.

Kung nabasa mong buo itong Laro Reviews, siguradong nagkaroon ka na ng ideya tungkol sa GETCHA GHOST-The Haunted House at nakahanda nang simulan ang iyong ghost hunting adventure. Kaya ano pa ang hinihintay mo, i-download na at i-enjoy na ang laro bago pa ikaw ang hunting-in ng mga ghost!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...