Mergeland Review

Ang Mergeland ay idinisenyo upang magawa ng mga manlalarong i-combine ang iba’t ibang bagay sa garden upang makalikha ng bagong item. Hindi magiging limitado ang mga bagay na maaaring gawin ng mga manlalaro rito. Ang lugar na pinangyayarihan ay kamangha-mangha na noon pa mang early civilization at marami ang naiinggit dito. Dahil nakikinabang ang araw mula pa nang ito ay magsimula, madalas na ito ay puno ng maaliwalas na sikat ng araw buong taon. Dahil dito, napakaraming hindi pangkaraniwang nilalang ang naninirahan dito.

Isa sa mga naiinggit dito ang witch at ang lugar na ito ay nalalagay sa panganib. Pumunta siya rito isang madilim na gabi nang lagim upang isumpa ang mundong ito sa pinakamasamang maaaring mangyari sa lugar na ito. Di nagtagal, sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang napakagandang hardin ay biglang naging frozen na ginagawang halos imposible sa kahit anong nilalang at goblins ang patuloy na magparami.

Mergeland Gameplay

Ang mga manlalaro ay magiging SAGE ng lifeforms sa lugar na ito. Ang mga manlalarong mag-co-convert sa pagiging hero ay makakapagligtas ng maraming nilalang sa mundong ito. Pagkatapos ay magsisimula ka ng isang pakikipagsapalaran upang mahanap ang mga nilalang na ito ng magiging home base at tulungan silang mamuhay sa panibagong lugar na ito. Hindi lang ito, ang iyong mga kamay ay gagamitin upang makalikha ng bagong monster legend na makapangyarihan at nakamamangha. Hindi mo sila uutusang sumugod sa digmaan sa Mergeland, kaya hindi magkakaroon ng patayan o nakawan. 

Ang mga manlalaro ay may kapangyarihang mag-merge ng iba’t-ibang bagay upang makabuo ng panibagong nilalang na higit na makapangyarihan. Una sa lahat, kailangan munang i-combine ang tatlong itlog. Ito ang magiging pundasyon kung saan magmumula ang pagbibigay buhay sa marami pang fairy beings. Kasama dito ang unicorns, butterflies, elves, at higit sa 200 na iba pang species ng lifeforms ang maisisilang, mabibigyang buhay at maaaring gamitin sa pag-merge.

Pagsisimulang Maglaro ng Mergeland

Sa pagpasok sa mundo ng Mergeland, dadalhin ka nito sa isang hidden goblin garden. Ang nabanggit na lugar ay totoo sa kahulugan ng pangalan nito. Mamamangha ka sa higit 200 na iba’t ibang nilalang gayundin ang higit sa 300 puzzles sa bawat challenging level. Ang mga manlalaro ay magpapatuloy sa pag-merge ng mga bagay sa field upang makalikha ng nilalang na may maraming kapangyarihan. Kasabay nito, higit sa 600 tasks na may katapat na infinite bonuses ang naghihintay sa’yo sa pagkumpleto ng mga pagsubok na ito kasama ang iyong mga kaibigan.

Pag-Download ng Mergeland

Ang Mergeland ay maaaring i-download ng direkta mula sa Google Play Store para sa Android devices at sa App Store naman para sa iOS devices. Ang pamagat nito para sa iOS devices ay may pagkakaiba, ngunit pareho lang ang laro. Maaaring gumamit ng emulator upang ma-enjoy ang paglalaro nito sa PC. 

Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:

Download Mergeland on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.LiliJoy.DragonLand

Download Mergeland on iOS https://apps.apple.com/us/app/mergeland-ever-merging-games/id1493618992

Download Mergeland on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-36740-mergeland/pc

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Mergeland

Halos lahat sa Mergeland ay maaaring i-merge, mula sa gems, coins, at dragons, hanggang sa nakuhang stars pagkatapos makumpleto ang target na level. Ang patuloy na pag-me-merge ay makapagbibigay ng mataas na score at mas magandang resulta kaya mag-merge lang ng tuloy-tuloy at tingnan kung ano ang mga malilikha at makukuha.

Pagdating naman sa merging, mas mainam na mag-merge ng items sa grupo ng 5 kaysa sa clusters of 3 lang. Kapag pinagsama-sama ang 5 bagay, makakukuha ng dobleng resulta. Halimbawa nito ay kung mag-merge ang manlalaro ng 5 clovers, makakukuha ng 2 life flowers at hindi 3 clovers. Hangga’t makakaya magpokus sa pag-save ng bagay para sa 5-way merge.

Kapag umabot na sa home camp, inirerekomenda ng Laro Reviews na subukang iayos ang mga bagay upang madaling ma-i-merge ang mga ito. I-grupo ang mga bagay ng magkakasama ngunit may sapat pa ring pagkakalayo upang maiwasan ang hindi sinasadyang merging at muli, siguraduhing mag-save ng mga bagay hanggang sa may sapat na para sa 5-way merge!

Ang Bricks ay isang mahalagang currency sa Mergeland dahil magagamit ito upang makabili ng chests, isang bagay na malaki ang maitutulong para sa iyong camp gayundin sa structures, at nagpapahintulot din makakuha ng mas maraming dragons, nakakatulong na makapagpahinga nang mas mabilis, makakuha ng mas maraming coins, o mapanatili ang mas maraming bricks. Iwanan ang mga dragon sa kahit saang bato upang mangulekta ng mas maraming bricks nang mas mabilis.

Panghuli ngunit higit sa lahat, magpatuloy sa merging ng bricks by 5. Malamang na makarating ka sa strong brick stones na mag-aalok ng hanggang 25,000 bricks sa pag-tap.

Pros at Cons ng Mergeland

Ang Mergeland ay matagal ng available ngunit hindi lang napapansing gaano. Ang laro ay base sa pangunahing konsepto ng merging ng iba’t-ibang mga bagay upang makalikha ng panibagong bagay at magawa itong isa mahusay na pamamaraan. Kahit na ang matitingkad na kulay at pinagandang gameplay nito ay pananatilihin ka sa paglalaro ng ilang araw may mga ilang katangian ito na mas maganda sana kung na-improve pa. Idagdag pa rito na ang ilang aspeto ng laro ay may pagkakumplikado para sa ilang manlalaro na ma-i-master hanggang umabot sa puntong hindi na nagiging kaaya-aya ang karanasan sa paglalaro.

Ang Mergeland ay isang merging puzzle game. Simple lang ang ideya nito: i-merge ang mga bagay upang mabuksan ang mas maraming bagay na maaaring makapagligtas sa land. Ang aspeto ng puzzle nito ay light lang. Hindi mahirap na malaman kung ilang duplicates ng isang bagay ang kailangan upang ma-i-merge at kung kailan ito gagawin. Ang Mergeland, katulad ng iba pang mga laro ay hindi masyadong malalim. Nasa mga manlalaro na kung ang kawalan ng depth na ito ay magiging isang advantage sa kanila o hindi.

Ang Mergeland ay hindi kaakit-akit sa paningin ng mga manlalaro. Wala sa mga design ng karakter nito ang partikular na kapansin-pansin o pagkakaabalahang talakayin ng may lalim. Ang tanging napansin ng Laro Reviews ay kung gaano ito ka-repulsive. Nagiging mukhang plastic ang iba’t ibang karakter dahil sa kulay nito kaya mukhang hindi sila makatotohanan.

Konklusyon

Ang Mergeland ay isang smartphone game na magdadala sa iyo sa isang magical place na puno ng mystical items, dragons, at evil “Zomblins” na kailangan mong talunin upang mabawi ang land.

Walang labanan o pagwasak na mangyayari. Ang Mergeland ay ganap na mapayapang laro. Sa tulong ng ilang adorable partners, ito na ang panahon upang maisakatuparan ang pangunahing layunin; ang makalikha ng magandang tahanan. Bilang karagdagan sa paglikha ng Mergeland, kailangan ding tumulong na tapusin ang ilang stage puzzles sa kabuuan ng paglalaro nito.

Ang pinakamagandang aspeto ng Mergeland ay gumagana ito ng maayos kung paano siya dapat malaro maliban sa paminsan-minsang glitch sa ad bonuses nito, wala namang iba pang kapansin-pansing bugs o mga isyu sa pagiging epektibo ng laro.

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...