Grow Empire: Rome Review

Sa dinami-rami ng uri ng mga mobile game na pwede nating pagpipilian sa mga digital marketplace, kadalasan ay hindi na natin madalas nakikita, o naririnig sa mga patalastas ang mga larong tower defense at war strategy game. Ngunit marahil lingid sa kaalaman ng iba, ang mga nabanggit na genre ng laro ay isa sa may pinakamagagandang gameplay kung battle game lang naman ang pag-uusapan. Sa reyalidad, totoong halos lahat ng mga sumisikat na laro ay mula sa genre ng action game, o hindi kaya’y mula sa puzzle game, pero nasubukan mo na bang maglaro ng isang tower defense na may bonus pang war strategy game? Kung hindi pa, marahil ito na ang tamang panahon upang subukan mong laruin ang Grow Empire: Rome.

Ano nga ba ang mayroon sa larong ito at paano ito dapat laruin? Sa larong Grow Empire: Rome, pamumunuan mo ang pagtatanggol ng iyong imperyo, pag-atake sa mga kalabang hukbo, at pagsakop sa ibang kaharian. Ngunit, bago mo magawa ang mga ito, kailangan mo munang magkaroon ng isang malakas na hukbong kayang wasakin ang depensa ng mga kalaban sa loob lamang ng maikling panahon at hukbong kayang-kayang ipagtanggol ang iyong imperyo mula sa mga nais sumakop dito.

Sa karagdagan, para maipanalo ang lahat ng wave battles sa larong ito, kailangan mong makakolekta ng maraming gold coins upang magawa mong i-upgrade ang iyong mga mandirigma at magapi ang pwersa ng mga kalaban.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Sa pagsisimula ng laro, mayroon ka lamang limitadong pagpipilian na mga mandirigma. Subalit sa kalaunan ay magagawa mo na ring makapili kung anong klaseng mandirigma ang gusto mong isabak sa mga digmaan. Mas higit silang nagiging makapangyarihan kapag ina-upgrade mo sila sa abot ng iyong makakaya. Maaari mo ring makita kung anong klaseng mga kalaban ang iyong makakaharap sa pamamagitan ng wave bar feature ng laro kaya gamitin ang kalakasan at kahinaan ng iyong mga mandirigma upang talunin ang mga kalaban. Narito ang ilan sa mga mandirigmang pwede mong gamitin: 

  • Cavalry – Sila ay higit na mas malakas kaysa Archers ngunit mas mahina kaysa sa Spearmen;
  • Archers – Mas malakas kaysa Spearmen, ngunit mas mahina kaysa Cavalry; at
  • Spearmen – mas malakas kung ikukumpara sa Cavalry ngunit mas mahina kaysa Archers. 

Maaari mo ring i-upgrade ang kahit anong gusto mo sa larong ito. Ngunit dapat mong tandaan na mahalagang alam mo kung anong upgrades ang dapat mong gawin. Halimbawa, kung gusto mong mas patatagin ang pader ng iyong imperyo, maaari mong i-upgrade ito hanggang level 10. Gayundin, mahalagang lagi mong ma-upgrade ang iyong mga archer dahil sila ang may kakayahang umatake mula sa malayo.

Sa bawat pagkakataong ikaw ay nagle-level up, makakatanggap ka ng XP points na magagamit mo upang makapag-upgrade, o bumili ng skins ng iyong mga mandirigma. Pero para sa Laro Reviews, mas makabubuti kung ile-level-up ang iyong Wall Archers Range at Wall Archers Damage upang hindi basta-bastang mapababagsak ng mga kalaban.

Upang makatanggap naman ng kaban ng mga ginto, kailangan mong lusubin ang ibang imperyo. Habang mas marami kang nasasakop na ibang teritoryo, mas lalo ring madaragdagan ang dami ng iyong ginto. Napakahalaga ring alam mo kung paano gumamit ng combo sa laro dahil hindi sa lahat ng oras ay madali mong magagapi ang mga kalaban.

Saan maaaring i-download ang laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user, at i-download ang Bluestacks Android emulator sa PC para malaro ito. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download Grow Empire: Rome on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.empire.grow.rome

Download Grow Empire: Rome on iOS https://apps.apple.com/us/app/grow-empire-rome/id1387541192

Download Grow Empire: Rome on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/grow-empire-rome-on-pc.html

Mga Fetaure ng Laro

    • Optional Ads – Sa pamamagitan ng panonood ng maikling video advertisement, maaari ka nang makatanggap ng libreng mga ginto, kaya maituturing itong isang mabisang paraan upang magawang i-upgrade ang iyong hukbo.
  • Conquered Territories – Lahat ng masasakop mong ibang teritoryo ay maaari mong i-upgrade hanggang level 5 sapagkat kahit offline ay tuluy-tuloy ka pa ring makakatanggap ng libreng in-game currencies.
  • Colony Map – Dito mo magagawang lumusob sa ibang imperyo kung saan magkakaroon ka ng tatlong legions bawat atake na ang bawat isa sa kanila ay mayroong anim na unit slots. Ngunit hindi kagaya sa main game ng laro, hindi ka maaaring makapag-summon ng karagdagang batalyon at ang tanging maaasahan mo lamang ay ang general power ng iyong hukbo.
  • In-game Shop – Sa shop ng laro, maaari kang makabili ng crystal currency upang magamit mo sa pagkakaroon ng commanders at card packs

Pros at Cons ng Laro

Kadalasan nang idinadaing ng mga manlalaro ng mobile games ang labis-labis na pagkakaroon ng maraming laro ng mga video advertisement. Sino nga ba naman ang matutuwa kung madalas kang naiistorbo sa laro dahil kailangan mo pang mapanood ang paulit-ulit at nakakairitang mga ad. Subalit sa larong Grow Empire: Rome, hindi ito problema sapagkat maaari ka pa ring makapaglaro kahit offline.

Bilang karagdagan, nakatitiyak ang Laro Reviews na hindi mo rin mapipigilang mamangha sa napakagandang graphics na tinataglay ng laro. Kung mayroon mang pinakamagandang katangian ang larong ito, ito ay walang iba kundi ang graphics nito. Ngunit maliban sa graphics ng laro, ang isa pa sa magandang katangian ng larong ito ay ang napakarami nitong wave battles, kaya kung ang hanap mo ay hindi lamang isang pangkaraniwang war strategy game, tiyak na magugustuhan mo rin ang ibinibigay na oportunidad ng laro na mas lalong mahasa ang iyong game skills.

Sa kabilang banda, kung mayroon mang tinataglay na malaking problema ang larong ito, marahil ito na siguro ang pabago-bago at pamahal ng pamahal na halaga ng upgrades habang umuusad ka sa laro. Halimbawa, sa umpisa ng laro, maaari ka nang makabili ng isang upgrade gamit lamang ang 800, o 900 coins, ngunit pagdating mo sa matataas na levels, umaabot ng lampas 100,000 coins ang presyo ng bawat upgrade na pwede mong magamit sa laro.

Gayundin, kapag naglaro ka online, tiyak na maya’t maya mong mararanasan ang lag sa laro lalo na kapag nagsisimula ka nang makipagbakbakan. Gayundin, napakahirap na makakuha ng gems sa laro kaya kung gusto mo talagang malampasan ang isang mahirap na hamon rito, kailangan mong gumastos ng pera upang hindi mo na kailangan pang maghintay nang matagal para lamang sa pag-asang magkaroon ng limpak-limpak na gems ang iyong mga treasure box.

Konklusyon

Kung hindi mo pa nasusubukang maglaro ng isang war strategy game, o kung nasubukan niyo naman ngunit hindi kayo nasiyahan sa paglalaro, marahil nais mong bigyan ng pagkakataon ang Grow Empire: Rome na patunayan sa’yo kung gaano nga ba kasaya, action packed, at kawili-wili ang isang magandang war strategy game.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...