Ang Clash Royale ay isang competitive strategy game ng Supercell at na-feature ito sa nakaraang artikulo. Sa pagkakataong ito, itinatampok ng Laro Reviews ang isa pang larong mula sa parehong developer. Ang Hay Day ay isang farming management game na inilabas noong 2012. Nagsimula ito bilang isang laro sa iOS, ngunit nai-publish ang Android version nito pagkalipas ng isang taon.
Tulad ng karamihan sa farming games, kailangan mong magtanim ng crops at pakainin ang mga hayop. Matapos maghintay ng ilang oras, maaari mong anihin at kolektahin ang mga produktong nanggaling sa mga ito. Pagkatapos ay ibenta ang items na ito kapalit ng coins. Wala itong end game, kaya ang pangunahing layunin mo ay mapanatili ang iyong farm sa pamamagitan ng pakikipag-trade.
Contents
Features ng Hay Day
Buildings – Ang mga istrukturang ito ay may iba’t ibang layunin, at bawat isa ay maaaring i-upgrade upang ma-improve ang functions nito.
- Production Buildings– Ang machines na ginagamit para sa paggawa ng mga produktong maaari mong ibenta. Gayunpaman, kakailanganin mo ng farm goods o materyales upang makagawa ng mga produkto.
- Storage Buildings – Binuo upang maging imbakan ng lahat ng iyong mga materyales at resources. Makakakuha ka ng mas malaking espasyo kapag na-upgrade mo ang mga ito.
- Service Buildings – Ito ang mga lugar na magsisilbi sa iyong mga bisita.
Crops – Ang mga produktong maaaring anihin ng players mula sa fields, mga puno, at bushes. Ang mga ito ay maaari lamang itanim gamit ang kanilang mga buto, at ang mga pananim na may mas mataas na halaga ay mas matagal anihin. Bilang karagdagan, makakakuha ka rin ng EXPs kapag na-harvest mo ang mga ito.
Animals – Ang mga buhay na organismong may iba’t ibang layunin depende sa kanilang uri.
- Farm animals – Sila ay ipinanganak lamang upang mag-produce ng mga produkto at kumain ng animal feeds sa loob ng hawla sa buong buhay nila.
- Pets – Hindi tulad ng farm animals, malaya silang nakakagala sa iyong farm. Bukod dito, makakakuha ka ng EXPs kapag pinakain mo sa kanila ang kanilang kinakailangang pagkain.
- Sanctuary animals – Sila ay wild animals na iniingatan sa loob ng isang santuwaryo upang protektahan at mapangalagaan ang mga ito.
Products – Mga bagay na inani mo mula sa crops o nakolekta mula sa iyong sakahan. Maaari mong iimbak ang mga ito sa iyong barn storage at ibenta ang mga ito sa Roadside Shop, sa Truck Orders, o sa mga Visitor.
Supplies – Ito ang items na ginagamit para sa pag-upgrade ng mga gusali, pag-alis ng mga hadlang, at pagpapalawak ng iyong sakahan.
Saan pwedeng i-download ang Hay Day?
Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman ang iyong gamit. I-type ang Hay Day sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install lamang ito at hintaying matapos ang pagda-download.
Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:
Download Hay Day on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.supercell.hayday
Download Hay Day on iOS https://apps.apple.com/us/app/hay-day/id506627515
Download Hay Day on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.supercell.hayday-on-pc.html
Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang MEmu Play emulator mula sa kanilang https://www.memuplay.com/ Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play Store at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.
Tips at Tricks sa Paglalaro
Baguhan ka ba sa farming games at gusto mong i-maximize ang iyong mga produksyon? Kung gayon ito na ang tamang artikulo para lamang sa iyo.
Palawakin ang production slot.
Sa halip na gastusin ang iyong diamonds upang mapabilis ang paggawa ng iyong mga produkto, gamitin ang mga ito upang madagdagan ang slot sa iyong production buildings. Sa ganitong paraan, makagagawa ka ng mas maraming materyales kahit na kailangan mong maghintay nang mas mahabang panahon. Bukod dito, mas makakaipon ka dahil magiging permanente na ito.
Mag-iwan ng mga buto.
Ang isang rookie mistake na maaari mong magawa ay ibenta ang lahat ng iyong mga pananim dahil puno na ang iyong barn storage, o kailangan mo ng coins. Anuman ang iyong dahilan, laging mag-iwan ng hindi bababa sa dalawang pananim dahil ito ang magagamit mo sa pagtatanim.
Anong crops ang itatanim.
Mas matagal anihin ang crops na may mas mataas na halaga, kaya itanim lamang ang mga ito kapag hindi ka naglalaro sa mahabang panahon. Halimbawa, maaari kang maghasik ng mga buto ng strawberry sa gabi at anihin ang mga ito sa umaga.
Mag-add ng Friends.
Matutulungan ka ng iyong in-game friends na kumpletuhin ang Truck orders, buhayin ang iyong mga patay na bush at puno, atbp. Magagawa mo rin ito sa kanila para makatanggap ng gift cards. Dagdag pa rito, tataas ang slot sa Roadside Shops kung marami kang kaibigan. Kaya simulan ang pagdaragdag ng maraming kaibigan hangga’t maaari.
Sumali sa community groups.
Kung nahihirapan kang magdagdag ng mga kaibigan, maaari kang sumali sa Facebook groups o sa Reddit post upang i-add ang mga user. Gayunpaman, kailangan mong maging maingat kapag nakikipag-ugnayan sa isang estranghero.
Pros at Cons ng Hay Day
Marami kang mga pwedeng magawa sa larong ito. Hindi ito nagtatapos sa pagtatanim at pag-aani ng iyong crops dahil kailangan mo ring mangolekta ng resources mula sa mga puno at bush. Ang farm animals ay hindi mo lamang kailangang alagaan dahil dapat mo ring bantayan ang iyong pets at ang sanctuary animals. Bilang karagdagan, mag-a-unlock ka ng higit pang features habang umuusad ka sa laro. Dahil dito, mahihikayat kang i-level up ang iyong farm.
Ang Hay Day ay isang mahusay na farming game na nagbibigay sa iyo ng isang sulyap sa farming life. Hindi nito ma-represent ang aktwal na mahirap na pamumuhay ng isang magsasaka dahil sa madali lamang ang mga gawain rito. Gayunpaman, makakatulong ito sa iyong maranasan ang sayang naidudulot ng pagkokolekta at pag-aani ng crops na pinaghirapan mo. Bukod dito, mayroon itong relaxing gameplay na nagpaparanas sa iyo ng simpleng pamumuhay sa countryside.
Ang gameplay ay hindi gaanong mahirap matutunan, ngunit matagal matapos ang tutorials. Ang pagtatanim ng iyong crops, pagputol ng mga puno, o kahit pagpapakain sa mga hayop ay may parehong kontrol sa pag-swipe ng kanilang icons patungo sa kanilang tasks. Kaya nawawala ang saya kapag kailangan mong tapusin ang magkatulad na instructions. Mas makabubuti kung maaari mong laktawan ang bahaging ito upang mapabilis ang iyong pag-unlad.
Konklusyon
Ang Hay Day ay hindi lamang isang simpleng farming game. Sa loob ng sampung taon, marami nang mga bagay ang kailangan mong gawin mula noong nagdagdag ang laro ng features. Maaaring may ilang drawbacks ito sa simula, ngunit hindi ito nakakaapekto sa buong karanasan sa paglalaro. Bilang karagdagan, maaari kang makaipon ng resources nang hindi umaasa sa iyong pera dahil ito ay free-to-play game. Para sa Laro Reviews, ang larong ito ay angkop para sa players na naghahanap ng farming games na maaari nilang laruin sa mahabang panahon.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 21, 2022