Crush Crush Review

Nagsimula ang Crush Crush bilang isang browser game noong 2016 at inilabas sa steam pagkatapos ng ilang buwan. Ito ay isang idle dating sim ng Sad Panda Studios Ltd kung saan kailangan mong manligaw ng anime girls. Gayunpaman, na-publish lamang ito sa Google Play Store noong 2019 at sa App Store noong 2021.

Maaaring nasa iba’t ibang platforms ang laro ngunit pare-pareho ang gameplay nito. Kailangan mong itaas ang iyong affection points sa kanila sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang interactions. Pataasin ang iyong skills sa paggawa ng iyong hobbies at kumita ng pera sa pagtatrabaho. Kaya mo bang makuha ang kanilang mga puso? Alamin yan habang patuloy mong binabasa ito.

Features ng Crush Crush 

Girls – Ang mga karakter na nakilala mo sa pamamagitan ng isang cutscene, at kailangan mo silang ligawan gamit ang iba’t ibang interactions gaya ng:

  • Sorry/Chat/Flirt/Seduce – Tinutulungan ka ng feature na itong makipag-usap sa kanila at makakuha ng hindi bababa sa dalawampung affection points kapag ginamit ito.
  • Stats – Naglalaman ito ng mga detalye tungkol sa mga babae, tulad ng kanilang edad, kaarawan, trabaho, Liked Traits, atbp.
  • Gifts – Ito ang mga bagay na maaari mong ibigay sa kanila, at maaari mong bilhin ang mga ito gamit ang mga coin at diamonds.
  • Date – Ang pinakahuling interaction na maaari mong i-unlock. Gamit ang feature na ito, maaari kang gumugol ng oras kasama ang mga babae sa iba’t ibang lugar. Gayunpaman, kailangan mong gumamit ng coins at Time Blocks upang ma-activate ito.

Jobs – Ito ang careers na maaari mong pasukan upang kumita ng pera, ngunit kakailanganin mo ng Time Blocks upang simulan ang mga ito. Ang iyong unang trabaho ay sa restaurant, ngunit mas marami kang maa-unlock kung maabot mo ang kinakailangang level ng skills. Bilang karagdagan, ang pag-uulit sa mga ito ay magbibigay sa iyo ng promosyon upang kumita ka ng mas malaking pera.

Hobbies – Tinutulungan ka ng mga aktibidad na ito na i-upgrade ang traits na kailangan para ma-unlock ang mga trabaho. Bilang karagdagan, ang bawat isa sa kanila ay nangangailangan ng tatlong Time Blocks upang maisagawa.

Stats – Naglalaman ng achievements na natapos mo at ang mga detalye ng iyong karakter. Bukod dito, maaari mo ring i-customize ang iyong avatar gamit ang avatar items.

Reset – Nire-restart ng feature na ito ang iyong progress nang hindi naaapektuhan ang iyong Time Blocks, achievements, diamonds, at in-app purchases. Makakakuha ka rin ng Reset Boost na magpapababa sa cooldown ng iyong mga trabaho at hobbies.

Texts – Isang espesyal na interaction na magagawa mo sa mga karagdagang babae at sa mga taong nakikilala mo sa pamamagitan ng pagpapadala ng text messages.

Offline earnings – Ito ang coins, hobby points, at hearts na naipon mo depende sa oras na wala ka.

Saan pwedeng i-download ang Crush Crush?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman ang iyong gamit. I-type ang Crush Crush sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install lamang ito at hintaying matapos ang pagda-download. 

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Crush Crush on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.sadpanda.mobile.crushcrush.google

Download Crush Crush on iOS https://apps.apple.com/us/app/crush-crush-idle-dating/id1521761484

Download Crush Crush on PC https://store.steampowered.com/app/459820/Crush_Crush/

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang Steam mula sa kanilang https://store.steampowered.com/about/ Kumpletuhin ang access na kinakailangan para mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Walang anumang tama o maling paraan upang laruin ito. Gayunpaman, maaaring bumagal ang iyong pag-usad dahil hindi mo alam ang tricks na magagawa mo para mapabilis ito. Kaya narito ang tips ng Laro Reviews na magagamit mo sa laro.

Mag-focus sa requirements

Ang bawat babae ay may iba’t ibang tasks upang mapataas ang kanilang affection points. Kumpletuhin ang lahat ng nasa listahan, kung kailangan mo silang bigyan ng limang rosas o makipag-date sa kanila sa beach. Bukod dito, makikita mo ang mga ito sa ibaba ng Date button.

Makipag-usap sa mga babae

Maaari kang makaipon ng hearts sa pamamagitan ng pag-tap sa mga babae, ngunit hindi mo kailangang umasa rito. Tataas ang mga kailangan mong ipunin kung mas mataas ang iyong affection point, kaya mapapagod ka sa pag-tap sa iyong screen para lamang makakuha ng mahigit isandaang libong hearts. Samakatuwid, gumamit ng iba pang interactions tulad ng Flirt button.

I-manage ang iyong Time Blocks

Hindi ka maaaring mag-apply para sa lahat ng mga trabaho o gawin ang lahat ng hobbies sa simula dahil limitado lamang ang iyong Time Blocks. Kaya gamitin lamang ang mga ito para sa mahahalagang aktibidad. Halimbawa, magtrabaho sa isang job na may pinakamababang kailangang resources ngunit maaaring magbigay ng mas maraming pera. Dagdag pa rito, gawin lamang ang hobbies na kasama sa requirements para ligawan ang mga babae.

Gamitin ang reset feature

Ang pag-reset sa laro ay magpapababa sa cooldown para sa iyong jobs at hobbies. Nangangahulugan itong mapapabilis ang pag-level up ng iyong stats at pag-unlock ng promotions. Kaya gawin ito kapag naramdaman mong mabagal ang iyong pag-usad.

Pros at Cons ng Crush Crush 

Nagdagdag ang developer ng humor sa ilan sa mga dialogue nito, at mahahanap mo ang mga ito sa tutorials. Halimbawa, sasabihin sa iyo ni Q-piddy na wala kang anumang mga skill o credentials, kaya kailangan mong magluto ng burgers sa isang restaurant. Ang pagdaragdag ng personalidad sa nagbibigay ng tutorials ay isang mahusay na paraan upang panatilihing interesado ang players sa paglalaro.

Nakakapagod at nagiging repetitive ang pag-tap sa screen upang paramihin ang hearts. Buti na lang, may iba pang pagpipilian para ligawan ang mga babae, tulad ng pakikipag-usap sa kanila, pagsama sa kanila sa isang date, at pagbibigay sa kanila ng mga regalo. Gayunpaman, may mga pagkakataong ang tanging opsyong mayroon ka lamang ay i-tap ang iyong screen.

Ang text feature ay isang masayang interaction sa mga karagdagang babae. Nakakaaliw basahin ito dahil ang bawat pag-uusap ninyo ay may iba’t ibang sagot depende sa dialogue na pipiliin mo. Bukod rito, para kang nakikipag-text dahil kailangan mong maghintay sa sagot nila.

Nakakatuwang makita ang mga babae at ang kanilang mga reaksyon sa iba’t ibang lugar, ngunit magsasawa kang makitang muli ang parehong larawan. May kulang sa dating interaction. Kaya iminumungkahi ng Laro Reviews ang pagdaragdag ng isang opsyon kung saan maaari kang makipag-usap sa kanila at pumili ng response kapag tinatanong ka nila. Mas mainam kung maidaragdag ito sa susunod na update dahil karamihan sa dating games ay may ganitong feature.

Konklusyon

Mas namumukod tangi ang pagiging casual game ng Crush Crush kaysa isang dating simulation game. Ito ay may naiibang gameplay kumpara sa iba pang mga larong katulad ng genre nito. Ang mga babae ay may isang disenteng character designs ngunit mas maari pang maipakita ang kanilang personality. Bilang karagdagan, gugugulin mo ang halos lahat ng iyong oras sa pagga-grind para sa resources upang makuha ang kanilang affection points dahil sa idle feature nito. Kaya kung gusto mo ng dating simulator game kung saan kailangan mong mag-grind para sa mga materyales, ito na ang larong para sa iyo.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...