Heroes of Camelot Review

Maligayang pagdating mga manlalaro. Ngayon ay ipapakilala namin sa inyo ang isang bagong larong tiyak na iyong kagigiliwan hatid sa inyo ng artikulong ito na ginawa ng Laro Reviews. Kung handa ka nang kilalanin ito, basahin pa itong artikulo.

Mga Tampok ng Laro

Ang Heroes of Camelot ay isang online idle game na ginawa ng DECA GAMES. Ang larong ito ay may pinaghalong konsepto ng medieval era at fantasy. Ito ay may 3D graphics ngunit wala itong mga animation dahil parang card game ang setup ng laro. Para laruin ito, kailangan mong bumuo ng isang deck na siyang lalaban para sa iyo. Ang iyong deck ay binubuo ng mga heroes na iyong nakolekta mula sa adventure o mission. Wala kang masyadong gagawin pagdating sa labanan. Ang kailangan mo lang gawin ay i-click ang battle at manuod habang naglalaban ang dalawang panig. Kung pamilyar ka sa mga card games, marahil ay pamilyar ka rin sa larong ito. Sa tuwing magsisimula ka sa iyong Exploration, kailangan mong gumastos ng 3 stamina points depende sa uri ng Eploration na iyong gagawin. Ito ang ilan sa mga mahahalagang tampok na kailangan mong malaman. Kung ikaw ay nasa Home page ng laro, makikita mo sa kanang bahagi ang mga mahahalagang tampok tulad ng Summon. Dito ay maaari kang makakuha ng mga heroes gamit ang gems at special summoning ticket. Ang Duel naman ay isang PvP. Dito ay maaari mong makalaban ang ibang mga manlalaro. Ang pangunahing storyline ng laro ay nasa Quest at dito mo malalaman ang istorya ng mga character at ng buong laro. Sa Party na tampok ay maaari mong baguhin, palitan at dagdagan ang iyong line-up ng mga hero. Sa Upgrade na tampok naman ay maaari mong i-level up at i-upgrade ang iyong mga hero. Mayroon din itong reward system na talagang mapagbigay dahil sa bawat stage na maipapasa mo, maaari kang makakuha ng mga rare na items at crad heroes. Ito ay ilan lamang sa mga tampok nitong laro at maaari pa itong madagdagan sa mga susunod na updates at special events. Sa katunayan, habang pinag-aaralan ko itong laro ay mayroong special event na tinatawag na pirate ship na kung saan ay kailangan mong makakuha ng mga pirate items sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga Quest.

Paano i-download ang Heroes of Camelot?

Hindi na kailangan ng anumang login accounts upang masimulan ang paglalaro nito. Ang kailangan mo lang gawin ay i-download itong laro. Parehong proseso lamang ang pag-download nito sa Android at iOS at upang i-download ito, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at App store naman para sa iOS user, pagkatapos ay i-type sa search bar ang pangalan ng larong ito. Pagkatapos ay i-click ang download o install. Para naman sa PC, pumunta sa Gameloop.com at hanapin ang larong ito sa search bar pagkatapos ay i-click ang download. Para sa mas mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.

Download Heroes of Camelot on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kabam.newcnhoc

Download Heroes of Camelot on iOS https://apps.apple.com/us/app/heroes-of-camelot/id570964996

Download Heroes of Camelot on PC https://www.gameloop.com/ph/game/role-playing/com.kabam.newcnhoc

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Simple lang ang gameplay nito at hindi na nangangailangan ng mga magarbong strategy at tactics upang manalo. Ngunit kung talagang nahihirapan kang maipasa ang ilan sa mga stages, huwag mag-alala dahil tutulungan ka ng Laro Reviews upang mapabilis mo ang pagpapalakas ng iyong mga Hero.

Unang bagay na dapat mong isaalang-alang ay ang level at uri ng iyong hero. Sikaping makabuo ng five-star hero lineup at i-level up ito sa abot ng makakaya. Ang iyong deck ang pangunahing susi upang maipanalo ang bawat stage kaya nararapat lang na bigyang halaga ang pagpapalakas sa mga ito. Upang makakolekta ng maraming materials na kakailanganin mo sa pag-upgrade ng iyong mga hero, may dalawang bagay ka lamang na dapat gawin. Una ay ang pag-kumpleto ng mga quest at pangalawa ay ang pag-kumpleto ng mga Exploration. Talakayin muna natin ang Quest. Maraming quest sa larong ito na makapag-bibigay sa iyo ng malaking rewards, ngunit ang problema ay limitado lamang ang iyong galaw dahil kailangan mo ng stamina points upang lumahok sa anumang activity ng laro kaya dapat piliin mo lang ang mga quest na mayroong malaki at kapakipakinabang na rewards. Halimbawa, dapat mong pagtuunan ang mga quest na magbibigay sayo ng gold at hero card dahil ang kailangan upang i-upgrade at i-level up ang mga hero ay Gold coins at Hero cards. Tandaan na sa pagpili ng quest na gagampanan, dapat mong unahin ang mga quest na magbibigay sayo ng reward na kinakailangan upang ma-upgrade at ma-level up ang iyong mga hero. Panghuling payo at ang pinaka-importante sa lahat ay ang hero line up. Tandaan na kahit gaano pa kalakas ang iyong hero, malaki pa rin ang tsansang matalo ito kapag mali ang lineup na iyong nagawa dahil hindi mo magagamit ang kanilang passive skills at active skills kung hindi mo sila naitugma sa mga tamang hero. Kaya ugaliing magbasa ng mga descriptions ng bawat hero. Halimbawa, may ilan sa mga hero na maaaring ma-activate ang kanilang passive at active skills kung sila ay mayroong kasamang particular na hero sa iisang lineup tulad ng Vanguard na hero. Magagamit mo lang ang kanyang skills kapag mayroong Archmage at Paladin sa lineup. Tiyakin na masusunod mo ito ng maigi kung gusto mong lumakas sa madaling panahon.

Kalamangan at Kahinaan

Hindi maipagkakaila ang ganda ng 3D graphics nito ngunit, dahil wala itong masyadong animation, medyo nakakabagot ito. Maganda din ang storyline ng laro na halatang pinag-isipang mabuti. Sa unang paglalaro nito ay tila nakakalito ang setup ng mga mode dahil sa lalim ng detalye ng mga designs ngunit masasanay ka rin kalaunan. Sa usapin ng gameplay, kung ikukumpara sa ibang idle games ay napaka-basic nito. Bukod sa walang animation ang battle scene, wala rin gaanong tampok ang mga heroes at fighting scene ngunit, maganda naman ang konsepto nito. Sa tingin ko, kung bibigyan lamang ng mga developer ng mas maraming attention ang battle concept at animation nito, tiyak na papatok ito sa panlasa ng mga pihikang manlalaro. Wala itong mga nakakainis na pop up ads kaya siguradong hindi ka ma-iistorbo sa paglalaro. Sa kabuuan ng kalamangan at kahinaan nito, masasabi kong kulang ito sa mga animation at character movements na siyang magpapahumaling sa mga manlalaro. Para sa isang idle game, nakakabagot ang gameplay nito kaya nararapat lamang na magkaroon ito ng mga character animation upang kahit papaano ay maaliw ang mga manlalaro sa panunuod ng mga laban. Ang larong ito ay may potensyal na maging isang sikat na laro kung gagawin lang na mas kawili-wili ang ilang mga tampok nito. Sa katunayan, maganda rin ang konsepto nito kaya sana ay ma-upgrade ng mga developer ang larong ito dahil saying ang potensyal na taglay nito.

Konklusyon

Sa kabuuan, ang larong ito ay nakatanggap ng star rating na 4.2 sa Google Play Store at 4.3 naman sa App Store. Hindi naman gaanong nakakabagot itong laro – sa katunayan ay ang kulang lamang nito ay mga visual outputs at sigurado akong pagtutuunan ito ng pansin ng mga developer. Kaya kung gusto mong maging parte ng kasaysayan ng larong ito, i-download na ang Heroes of Camelot ngayon!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...