Hollywood Story®: Fashion Star Review

Pinangarap mo bang maging tanyag na Hollywood star? Sa Hollywood Story®: Fashion Star, mabibigyang-katuparan mo ang iyong pinapangarap na Hollywood lifestyle! Magsisimula ka rito bilang aspiring movie star kung saan unti-unti kang makikilala at sisikat. Matinding sipag at tiyaga ang ibubuhos mo para marating ang minimithi mong tagumpay sa iyong Hollywood career.

Ang Hollywood Story®: Fashion Star ay isang lifestyle casual game na ginawa ng NANOBIT. Dito ay magkakaroon ka ng pagkakataong ipamalas ang iyong fashion sense. Pati na rin ang oportunidad na ma-improve ang iyong skills para lalong tumaas ang status mo bilang movie star. Kasama rin dito ang pag-shoot ng scenes sa movie na iyong pinagbibidahan kaya kailangan mong galingan para pumatok ito sa madla.

Features ng Hollywood Story®: Fashion Star

Fashion Style – Malaking bahagi sa iyong star status ang pagsusuot mo ng magagandang damit sa lahat ng pagkakataon. Kailangan mong maging handa sa iyong susuoting damit dahil marami kang magiging paparazzi kapag sumikat ka na. Gamitin ang iyong hilig at galing sa pagpili ng pinakabagay na fashion styles para sa iyong karakter!

Makeover – Bukod sa pagsusuot ng magagarbong damit, kailangan mo ring pagandahin pa lalo ang itsura ng karakter sa pamamagitan ng makeup. I-customize ang face shape, hairstyle, mata, kilay, at lipstick na pinakabagay sa iyong karakter. Kailangan mong paglaanan ng pera ang pagpapaganda sa iyong pisikal na kaanyuhan dahil magsisilbi itong investment sa iyong journey patungo sa pagiging Hollywood star.

Hollywood Lifestyle – Tuparin ang pangarap mong pamumuhay sa Hollywood! Importanteng isabuhay mo ang marangyang pamumuhay upang magkaroon ka ng maraming fans. Kabilang dito ang pagsu-shoot ng movie, pagsa-shopping ng magagandang mga damit, pakikipag-date sa kapwa mo celebrity, at iba pa.

Saan Pwedeng I-download ang Hollywood Story®: Fashion Star?

Narito ang Laro Reviews para magbigay ng instruction kung paano i-download ang Hollywood Story®: Fashion Star. Kasalukuyang available ito sa Android, iOS, at PC devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos nito, pwede mo na itong laruin!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Hollywood Story®: Fashion Star on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=org.nanobit.hollywood

Download Hollywood Story®: Fashion Star on iOS https://apps.apple.com/us/app/hollywood-story-fashion-star/id876656488

Download ​​Hollywood Story®: Fashion Star on PC https://napkforpc.com/apk/org.nanobit.hollywood/

Tips at Tricks sa Paglalaro

Kapag sinimulan mo ang laro, ang una mong kailangang gawin ay i-customize ang magiging itsura ng karakter. Ikaw ang pipili ng kanyang face shape, hairstyle, mata, kilay, at labi, kasama na rin dito ang susuotin niyang damit at sapatos. Pagkatapos mong ayusan ang karakter, i-click lamang ang Complete button sa kaliwang-ibabang bahagi ng screen para simulan na ang iyong journey sa pag-abot ng pangarap. 

Ang una mong makakausap sa laro ay ang iyong matalik na kaibigan noong high school na si Amber Dean. Siya ang tutulong sa iyo sa tinatahak mong career sa movie industry, lalo na’t kakalipat mo lamang sa New York City. Hindi magiging instant ang pagkamit mo ng tagumpay sa iyong career. Magsisimula kang manirahan sa hindi gaano kagandang lugar sa Harlem apartment, ngunit unti-unti kang aangat sa buhay hanggang sa maabot mo na ang iyong pangarap. Kaya importanteng magkaroon ka ng kamalayan kung ano ba ang mga dapat mong gawin para makamit ito. Ang pinakaimportante sa lahat ay ang iyong star status. Makikita mo ito sa iyong Profile kung nasaan ka na sa kasalukuyan. Kailangan mong magpatuloy sa paglalaro dahil isa sa paraan para tumaas ang iyong star status ay sa pamamagitan ng mataas na level.

Mahalaga ring mag-improve at lalong gumaling ang iyong skills kaya isa sa mga kailangan mong gawin ay sumailalim sa Drama Factory. Sa pamamagitan nito, mas mabilis mong matututunan ang skills na kailangan mo. Ang kailangan mo lamang gawin ay makipag-interact sa items na matatagpuan sa loob ng factory. Makakadagdag ang lahat ng ito sa progress ng iyong total skill knowledge. Makukuha mo na ang skill kapag napuno na ang iyong skill progress bar.

Kailangan mo ng pera para makabili ng mga gamit at mapanatiling maganda ang iyong itsura. Kaya importanteng sundan mo ang quest line dahil ito ang magsisilbing source mo ng perang kikitain at XP points sa laro. Lumilitaw sa ibaba ng screen sa tuwing mayroon kang bagong task na kailangang gawin. Ang purple stars na iyong nakikita ay XP points na kailangan mo para pataasin ang iyong level. Napakahalaga ito para ma-unlock mo ang panibagong star status. Malaking bahagi ng tagumpay mo sa laro ang pagpapanatiling mayroon kang ginagawa sa lahat ng pagkakataon, maging ito man ay pagsu-shoot ng scenes o pagsa-shopping. Walang limitasyon ang oras para gawin ang quests na ito kaya nasa sa iyo kung kailangan mo kayang kumpletuhin ang mga nasa listahan.

Pros at Cons ng Hollywood Story®: Fashion Star 

Kung hilig mo ang pagiging kikay, tamang-tama ang Hollywood Story®: Fashion Star sa iyo. Bahagi ng laro ang pag-shopping at pagdadamit sa karakter kaya nakakaengganyo itong laruin. Lalo na kung pangarap mong mamili ng mga damit sa bawat shop, pwede mo nang gawin at tuparin ito rito. Samantala, kung nais mo lamang maranasan kung ano ang buhay ng pagiging isang movie actress, maganda itong laruin dahil talagang mararanasan mo ang hirap pati ang karangyaang kaakibat ng Holywood lifestyle. 

Gayunpaman, hindi masyadong nagustuhan ng mga manlalaro ang energy system sa laro. Sapagkat nababawasan ng energy ang karakter sa tuwing pinipindot mo ang mga bagay na matatagpuan sa streets para makuha ang collectibles na kakailanganin mo sa auditions. Kaya kapag naubos na ito, nalilimitahan na ang pagkakataon mong mag-shoot. Bagaman madali itong nababawasan, mabilis din namang marecover ang iyong energy dahil nadadagdagan ito ng isa sa bawat limang segundo at nakakakuha ka rin ng energy bilang reward mula sa mga bagay-bagay. Bukod dito, masyadong mahal nga lang ang presyo ng mga damit sa tuwing ikaw ay nagsa-shopping. Dahil dito, hindi mo rin ganoong ma-eenjoy ang pamimili dahil hindi naman sobrang laki ang kinikita mo sa bawat task na nakukumpleto mo.

Konklusyon

Nais mo bang mamuhay bilang isang sikat na Hollywood star? Kung gano’n ay pwede itong magkatotoo sa Hollywood Story®: Fashion Star! Tiyak na magugustuhan ito ng mga manlalarong mahilig sa fashion, acting, shooting, o ang pamumuhay sa Hollywood. Asahang tuluy-tuloy ang mga kailangan mong gawin sa laro upang pataasin ang iyong star status at kasikatan. Kung napukaw ng Laro Reviews ang iyong interes, malamang ay isa ka sa mga manlalarong ma-eenjoy itong laruin!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...