Maituturing mo ba ang sarili mo na malakas ang attachment sa mga bagay dahil sa mga alaalang mayroon ka sa mga ito? Kung gayon, huwag mag-alala dahil hindi ka nag-iisa! Tulad mo, ang karakter na si Emma sa Home Cafe – Mansion Design ay nakakaranas din nito. Tumututol siya sa pagbebenta ng mansion dahil maraming mga alaalang nangyari doon. Ito ay parehong pagmamay-ari ng kanyang lolo na si Mr. Clarke at ang kaibigan nitong si Mr. Taylor. Dahil dito, nais niyang tignan kung pwede pang i-reestablish ang lugar bagaman sobrang luma at naging abandonado na ito sa loob ng mahabang panahon. Nagbabakasakali sila ng kanilang tatay na sa pamamagitan nito ay magbago pa ang pasya ng isa sa may-ari nito na si Max, ang anak ni Mr. Taylor.
Ang Home Cafe – Mansion Design ay Android match-3 adventure game kung saan mararanasan mong mag-decorate ng bahay habang sinusubaybayan ang magiging daloy ng kwento nito. Basahin ang article na ito para malaman kung ano ang isinasaad na mga detalye ng Laro Reviews tungkol dito.
Contents
Features ng Home Cafe – Mansion Design
Decorate the Mansion – Bukod sa paglalaro ng match-3 puzzles, nagpapamalas din ng sari-saring disenyo ang laro para makapili ka ng disenyong tutugma sa iyong gusto. May kakayahan kang magpasya kung ano ang magiging bagong itsura ng mansion. Kaya naman maipapamalas mo na ang iyong galing sa pagdidisenyo.
Hundreds of Levels – Napakaraming levels ang pwede mong malampasan dito. I-challenge ang sarili sa daan-daang levels na nakahanda para sa iyo! Hindi ka mabibitin sa paglalaro at mayroong panibagong challenge na kakaharapin mo sa bawat level.
Vast Place – Dahil sa malawak ang mansion, maraming mga lugar ang pwede mong mapuntahan. Dumarami rin ang areas na pwede mong i-unlock habang patuloy kang nagkakaroon ng progress sa laro. Samahan ang karakter na balikan ang kanyang alaala habang nililibot ang lugar.
Offline Mode – Pwedeng-pwede mo itong laruin kahit saan sapagkat hindi mo na kailangan i-connect sa Wi-Fi o mobile data ang iyong mobile device para laruin ito. Dahil dito, mae-enjoy mo pa rin ang paglalaro kung naghihintay ka man sa pila o sa iyong kasama. Bukod pa rito, simple lang din ang mechanics nito kaya maganda itong pampalipas-oras at pang-relax habang free time mo. Tuluy-tuloy lang ang paglalaro mo ng kada level at ang pag-decorate ng bahay anumang oras!
Saan Pwedeng I-download ang Home Cafe – Mansion Design?
Dito ituturo kung saan at paano i-download ang Home Cafe – Mansion Design. Kasalukuyang available lamang ang laro sa Android at PC devices. Kaya hindi pa ito posibleng mai-download sa iOS devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store at ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Pwede mo rin namang i-click ang link sa ibaba. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ay pwede mo nang simulan ang paglalaro!
Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:
Download Home Cafe – Mansion Design on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.playmobi.homecafe
Download Home Cafe – Mansion Design on PC https://napkforpc.com/apk/com.playmobi.homecafe/
Tips at Tricks sa Paglalaro
Napakahalaga sa laro na makahanap ka ng tatlo o higit pang magkakaparehong pieces kung saan pwede mong gawing batayan ang kulay ng mga ito. I-swipe lamang ang pieces para mai-match at ma-eliminate ito. Kapag nag-match ka ng apat na pieces para maging hugis na kahon, makakagawa ka ng Rocket. Samantalang kapag isang linya naman ng apat na pieces ang iyong ipinag-match, magiging Firework ito. I-swipe ang special pieces na ito papunta sa kahit anong direksyon para makita ang kanilang epekto. Pwede mo rin i-tap para mai-activate ang mga ito.
Kapag limang magkakaparehong pieces ang ipinag-match, makakagawa ito ng Bomb. Maaari itong maging T-shape o L-shape dahil pareho lang ang magiging resulta nito alinman ang pattern na iyong gagawin. Ngunit kapag nasa iisang hilera ang limang pieces na ito, makakagawa ito ng Rainbow. Kapag na-activate ito, may kakayahan itong i-clear ang lahat ng pieces sa board na kapareho ng partikular na piece kung saan mo ito ini-swap.
Makikita mo sa kaliwang itaas na bahagi ng screen ang bilang ng natitira mong moves. Dapat mo itong antabayanan sa bawat sandali sapagkat kailangan mong maging aware dito para matantsa mo ang gagamiting technique. Nang sa gayon ay iyong makumpleto ang level nang hindi umaabot ng zero ang iyong moves. Ang magiging challenge dito ay kung paano mo magagawa ang goal sa loob ng limitadong bilang na moves. Kapag natalo ka sa nilalarong level, mababawasan ang iyong buhay. Tignan sa kaliwang itaas na bahagi ng home page ang natitirang bilang ng iyong buhay sa laro. Mayroon itong maximum na bilang na limang hearts. Nadadagdagan din naman ito kaya huwag masyadong mag-alala kung mabawasan man ito.
Kailangan mo munang makumpleto ang match-3 puzzles para makakuha ng stars dahil ito ang gagamitin mo para magawa ang tasks sa pag-renovate ng mansion. Para hindi ka pabalik-balik sa paglalaro ng puzzles at pagdidisenyo ng mansion, pwede mo namang unahin muna ang puzzles para makapag-ipon ka ng stars. Nang sa gayon, kapag nagdisenyo ka na ng mansion, tuluy-tuloy mo itong magagawa dahil mayroon kang maraming stars.
Pros at Cons ng Home Cafe – Mansion Design
Available ito sa iba’t ibang wika tulad ng English, Dutch, Italian, Portuguese, French, Spanish, at Russian. Maaaring mamili ang manlalaro ng kanyang preferred na wika. Dahil maraming opsyon para rito, nangangahulugan na malawak ang range ng audience na kayang maabot ng laro mula sa magkakaibang parte ng mundo. Gayunpaman, hindi gano’n ka-accurate ang translation nito pagdating sa wikang English. Bukod pa rito, sa pamamagitan ng offline mode nito, may kakayahan ang manlalarong ipagpatuloy ang paglalaro kahit nasa labas man siya ng bahay. Madali rin ang mechanics nito kaya pwede itong gawing pang-relax habang free time. Mayroon itong tutorial sa umpisa kaya magagabayan nang maayos kahit ang baguhang manlalaro.
Gayunpaman, marami nang ibang mga laro na may kaparehong gameplay tulad nito. Pagdating sa graphics nito, bagaman simple at maayos ito, hindi ito ganoong kaganda kumpara sa iba. Mayroon pa rin itong pwedeng ma-improve lalo na sa animation at storytelling nito. Dahil isa itong Android game, hindi pa ito kasalukuyang available sa iOS devices. Mas mainam kung bibigyan din ng pagkakataon ng game developer na mai-download ito ng iOS users nang sa gayon ay lalong dumami ang audience na maaabot ng laro.
Konklusyon
Sa Home Cafe – Mansion Design na isang match-3 adventure game, magkakaroon ka ng pagkakataong i-renovate ang luma at abandonadong mansion. Kasabay nito, patuloy na masusubok ang iyong galing sa paglalaro ng puzzles. Mayroon din itong kwento na nakakapukaw ng interes ng manlalaro kaya magtutululak ito para subaybayan niya ang magiging daloy ng istorya. Kung nais mo itong laruin, siguraduhin na ang gagamitin mo ay Android devices sapagkat hindi pa ito available sa iOS devices. Nawa’y makatulong ang article na ito mula sa Laro Reviews para magbigay ng panimulang introduksyon sa iyo tungkol sa laro at magsilbing gabay mo sa iyong paglalaro.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 19, 2022